KABANATA 16.1

2530 Words
Sa pagtungo ng prinsesa sa Gitnang-Silangan ng Galadia ay hindi matatawaran ang kanilang kagustuhang maipabatid kay Questas ang nangyari. Kailangang magmadali nang dalaga dahil nakasalalay sa kanya ang pagpapatigil sa masasamang balak ni Juantorio. Kasalukuyang nasa kakahuyan ang prinsesa kasama si Prinsipe Leopoldo. Samantala sina Pinkie at Diwatano ang kanilang naging gabay upang makarating ng mas mabilis sa kanilang patutunguhan bilang kabisado ng dalawang diwata ang pinakamadaling daan patungo sa lugar ni Questas. Pagod ang sumalubong kay Maria at Leopoldo subalit kailangan nilang magtiis alang-alang sa kani-kaniyang nasasakupan. Sa kasalukuyang paglalakbay ay nakarating sila sa dulo ng pa-krus na daan kaya hindi maikakailang nahirapan ang prinsesa at prinsipe. "Anong daan ang marapat nating tahakin?" tanong ni Leopoldo. "Sa aking pagkakaalam, tayo ay kaliwa." sabad ni Pinkie. "Halika't huwag nating sayangin ang oras." anaman ni Prinsesa Maria. "Sa aking pagkakatanda, tayo ay sa kanan," mababakas ang pagdududa sa ekspresyon ni Diwatano. Hindi mapigilang umismid ni Pinkie dahil sa tahasang pagkontra ng prinsipeng diwata sa kanyang panukala ukol sa tatahaking daan. Doon nagsimulang magkatinginan sina Maria at Leipoldo sapagkat hati ang gabay na ibinahagi ng dalawa. "Uhm, mga kaibigan...anong talagang daan ang marapat nating sundin?" ani Maria tila iniingatang hindi na muling magkasalungat ang munting diwata. "Hindi naman hamak na tama ang itinuturo kong daan." umirap si Pinkie kay Diwatano. "Paano ka nakasisiguro? Wala kang pruwebang alam mo ang mga pasikut-sikot sa Galadia." tumaas ang sulok ng labi ni Diwatano. Halos kakikitaan ng pamumula ang buong mukha ni Pinkie dahil sa mga nasabi o paratang ng prinsipeng diwata, kaya sa pagkakataong iyon ay muling namagitan sina Leopoldo at Maria sa mga kaibigan. "Ehem, sa tingin ko marapat nating hatiin ang ating magiging kasama sa pagtahak sa parehas na daan." pinal na desisyon ni Leipoldo. "Mabuti pa nga!" umirap si Pinkie kay Diwatano. Natatawa na lamang si Maria habang napapakamot sa ulo ang prinsipe. "Tayo na lamang sa kaliwa, Pinkie." anang dalaga habang ang kabila'y mabilis na tinahak nina Leopoldo at Diwatano. Sa kanilang paglalakad ay panay ang bulong ni Pinkie animo inis na inis sa kanyang kapwa diwata. "Nakakainis! Napakahambog!" "Tila mayroon ka na yatang katapat, Pinkie?" hagikgik ni Maria. "Hmp! Bakit kasi kasama natin ang pandak na 'yon?" "Hayaan mo na, kaibigan. Basta ang marapat nating gawin ay maagap na pagtungo kay Questas." Matiwasay na naglakbay ang magkaibigan sa may kasukalang gubat patungo kay Questas. Hindi maikakailang nakalilito ang bawat daan sa Galadia sapagkat ang mga puno ay malalabay at mayroon ding iilang mga hayop na makasasalubong doon tulad ng gintong ahas, vedak, at ilang mga ligaw na nilalang sa Emerit maliban sa Hadrum o mga kakaibang namumuhay sa sakop ng Galgotha. Sa kanilang pagtawid sa harang na naghahati sa lugar ni Questas ay siya ring sabay na paglitaw nina Leopoldo sa kabilang bahagi ng dibersiyon. Doon ay nagkagulatan ang apat na Emeritians dahil sa magkabilang daan ay parehas lamang ang kanilang binagsakan. "Iisa lamang pala ang magiging hantungan nating apat." gikgik ni Leopoldo kapagkadaka. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang kanilang pwesto sapagkat sa daang napili ni Pinkie ay mayroong pagkakalapit kay Questro samantalang kay Diwatano'y eksaktong sa harap ni Questas. "Hindi kasi nakikinig ang isa diyan, sinabi kong mas maiging sa kanan ang tahakin." pagpaparinig ni Diwatano habang kakikitaan ng kapilyuhan ang kanyang ekspresyon. "Ganun parin naman ang pinatunguhan!" singhal ni Pinkie. "Huwag na kayong magtalo dahil ang mahalaga narito na tayo kay Questas." saway ni Maria na sinang-ayunan ni Prinsipe Leopoldo. "Sa tingin ko kailangan namin ang inyong mga tulong ukol sa marka ng inyong mga paa." dugtong ng binata. Walang kibong inalis ng dalawang diwata ang kani-kanilang pansapin saka inilagak sa lilang daanan. Kapagkadaka'y unti-unting nahawi ang harang na pumuproktekta sa punong si Questas. Magkasabay na nagkatinginan sina Maria at Prinsipe Leopoldo saka magkawahawak kamay na umapak sa lagusan patungo sa Puno ng palaisipan. Nanak makapasok sa loob ay kaagad humarap sa nakapikit na puno. Maya-maya'y mabagal na dumilat si Questas at doon ay uminat animo nanggaling sandaang taon na pagkakahimbing. "Isang pribilehiyong mamasdan ang hinaharap na pinuno ng Harandia at Burgandia." anas ni Questas. "May nais kaming idulog sa'yo Punong Questas." panimula ni Maria. "Bibigkasin ng iyong labi ay aking batid. Hari ng Galgotha'y nagsimula ng tuparin ang prilopesiya..." pangunguna nito. Hindi makapaniwalang nagkatinginan ang dalawa saka bumalik ang mga mata sa puno. "Anong maaari naming gawin upang mapigilan ang nakatakda?" "Batid kong nais ng makapangyarihang palasyo, masugpo ang balak ni Juantorio subalit ang nakatakda'y hindi na maaring mabura, pigilan man ngunit na kailanman..." malinaw na saad ni Questas. "Imposibleng walang paraan kahit man lamang masugpo ang kalaban." putol ni Leopoldo sa mga sinasabi ni Questas. "Ang paraan ay hindi naging madali kailanman... Ang kapalit ay buhay at ang sagot ay katagang hukay..." Mababakas ang pagkabahala sa mukha ni Maria subalit determinado ang prinsesang suungin ang kahit anong kapahamakan para lamang hindi mangyari ang kinatatakutan ng buong Emerit. "Handa akong pagdaanan ang hukay, masiguro ko lamang na ligtas ang aking nasasakupan." matapang ang naging emosyong nakapaloob sa mukha ng prinsesa. "Maging ako'y itataya ang buhay para sa'king kastilyong pamumunuan." susog ni Leopoldo, rason upang bumakas ang pagkagulat sa mga paningin ni Questas. Natahimik ito ng mga sandaling mili-segundo saka muling bumigkas ng palaisipan. "Kung kayo'y nagpasya sa hatol na maaring makasagupa. Ang tanging paraan ay pagtawid sa lubid ng kasalukuyan upang makuha ang susing magpoprotekta sa Elixir na iniingatan..." "Paano kami makararating sa lugar na iyong sinasabi?" si Leopoldo. "Hindi ikaw ang napiling gumawa sapagkat ayon sa propesiya, tanging si Maria ang siyang dapat magsagawa..." "A-Ako lamang?" "Maaring makita ang lubid sa ika-siyam na pagkinang ng Hantala, tanging ika-siyam at kung hindi magawa'y...paalam..." Bumuntong-hininga ang dalawa sa mga sumunod na kataga ni Questas ukol sa sinasabi nitong Lubid ng Kasalukuyan. Kailangang tumawid ni Maria sa manipis na tali upang masungkit ang susi na siyang magkukulong sa Elixir sa protektadong emblem na matatagpuan lamang sa naturang lubid. Ang susing kukuhanin ni Maria ang siyang magiging paraan upang mabuksan ang naturang sisidlan. Tanging Elixir ang habol ng Galgotha upang masakop ni Juantorio ang buong Emerit, at kung ito'y protektado ng emblem ay hindi kailanman magagalaw ninuman ang puso ng buong Emerit. Matapos nilang makausap si Questas ay nagpasya silang bumalik sa kani-kanilang palasyo upang ipabatid lalo kay Haring Buendia ang mga natuklasan sa mapagkunwaring hari. Nagpasya si Leopoldo'ng samahan ang prinsesa upang maging isa sa mga saksi sa lihim na itinago ni Juantorio upang masakop lamang ang buong Emerit. Burgandia-Doryang Hilaga "Anunsiyo ni Haring Buendia para sa lahat ng nasasakupan!" panawagan ng kanilang tagapagbalitang nakasakay sa unicorn kasama ng ilang mga kawal. Nagsitigil ang payak na Emeritian sa kanilang mga ginagawa sa ordinaryong pamilihan dahil sa biglaang pagtungo ng pulutong ni Kumando kasama ang tagapagbalita. Umugong ang mahihinang bulungan sapagkat hindi karaniwan o alanganin ang kanilang pagsadya sa abalang bahagi ng nasasakupan ng Burgandia. "Nais ipabatid ng palasyong nawawala ang prinsesa, sa kung sinumang naririto ang makakita sa kanya'y marapat tumungo sa Palasyo upang ipaalam kung nasaan si Prinsesa Maria Crex." Lalong umugong ang usap-usapan sa mga Emeritian na nakikinig sa naturang balita. Mababakas ang kanilang pag-aalala habang ang ilan ay hindi kakikitaan ng anumang pangingialam. "Kung sinuman ang makapagturo ay may karampatang pabuya. Isandaan libong tupaz ang nakalaan para sa Emeritian na makapagtuturo kung nasaan ang ating prinsesa." Doon mas naging maugong ang mga kuru-kuro at bulungan lalo't pinatungan ng hari ang paraan upang mapabilis ang paghahanap kay Maria. Samantala, hindi maikakailang kinakabahan ang prinsesa lalo't palapit na sila sa Burgandia, kasama sina Leopoldo at ilang mga kawal ng Harandia. Sakay sila ng dragonika'ng si Aleman kabilang pa'rin si Diwatano at Pinkie na hindi nagkikibuan kahit magkatabi sa maliit na upuang nakalaan para sa mga diwata. Kasalukuyang malayo ang tingin ni Maria, habang pinagmamasdan ang dilaw na tubig mula sa baba. Sing-lalim ng mga agos nang karagatan ang mga bagay na umuukilkil sa kanyang utak, pilit niririkisa ang mga pangyayari o magiging kalalabasan ng kanilang balakin upang sagipin ang buong Emerit. Nababahala ang dalaga'ng hindi niya mapagtagumpayan ang mga nalaman ukol kay Questas, na siyang magiging hantungan ng lahat ng mga Emeritians. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng umupo si Leopoldo sa tabi ni Maria, rason upang makuha ang atensiyon ng dalaga. "Tila malalim yata ang iniisip mo, prinsesa?" may bahid pag-aalala ang tono ng binata. "Sadyang nababahala lamang ako sa maaaring maging resulta ng mga ipinahayag ni Questas. Natatakot akong hindi mapagtagumpayan ang naturang pagsubok sapagkat nakasalalay ang buhay ng buong Emeritians sa'king mga palad." Natigilan ang prinsesa ng ipatong ni Leopoldo ang mainit na palad sa likod ng kamay nito upang aluin o kalamayin ang loob ni Maria. "Huwag kang mag-alala mahal na prinsesa, hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Kasama mo ako at ang mga kaibigan nating sina Pinkie, Diwatano at maging ang buong Harandia at Galadia." Tumango si Maria bilang pagsang-ayon sa binata subalit hindi parin matanggal ang pagkbalisa sa kanyang mukha. "S-Salamat, Prinsipe Leopoldo." anang dalaga. Marahag bumakas ang ngiti sa mapulang labi ni Prinsipe Leopoldo na 'di man iparating ni Maria ngunit nakatulong ito upang mapagaam kahit paano ang kanyang loob. Ilang mili-segundo lamang ang nakalipas ng sumadsad si Aleman sa baybayin ng ordinaryong pamilihan. Kalauna'y nagsibaba ang ilang kawal upang palibutan ang prinsipe at prinsesa sa kanilang paglalakad papasok sa palasyo. Madadaanan nila ang pamilihan na dati'y hindi kailanman nadarayo ng dalawang maharlika. Hindi maipaliwanag ni Maria ang hindi pangkaraniwang-kaba lalo't tila may kakaiba sa mga pares ng matang nakatutok sa kanila sapagkat ang ilan sa mga Emeritian na naroroon ay animo namumukhaan sila, isama pa ang mga kawal na nakapalibot dahilan upang makakuha ng atensiyon ang kanilang pulutong. Samantala, ganoon din ang naging kalalagayan nina Pinkie at Diwatano sapagkat mayroong ilang mga diwatang nagbubulungan dahil kilalang nanggaling sa pinakamayamang angkan ang prinsipeng diwata. "Hindi mo ba napapansin ang klase ng kanilang mga tingin?" bulong ni Maria. "Ayokong isipin na maging sila'y nalason ng manipulasyon ni Juantorio." saad ni Leopoldo. "Huwag naman sana..." Nagpatuloy lamang ang dalawa sa paglalakad kahit mayroong alinlangang nakapaloob sa mga puso. "Hindi ko akalaing makikita ko ang prinsipe sa ganito kapayak na lugar..." gikgikan ng ilang mga diwatang nadadaanan ni Pinkie, kung kaya hindi maiwasang umismid ng huli. Datapwa't naririnig ni Prinsipe Diwatano'y kakikitaan ng kapormalan ang diwatang lalaki, animo walang talab dito ang mga paghangang naririnig mula sa kanilang mga kalahi. "Akala mo talaga, totoong ganyan ang kilos niya?" nakanguso si Pinkie. "Hindi mo maikakailang makisig ako, Pinkie. Kaya kung ako sa'yo huwag ka na lamang kumontra!" simpleng tugon ni Diwatano saka nilagpasan ang munting diwata "Aba't, ugh! Tampalasang diwata!" pahabol ni Pinkie dahil sa lumulukob na galit sa damdamin ng munting diwata. Tumawa lamang si Diwatano sa mga nagiging reaksiyon ni Pinkie, sapagkat panay ang pambubuskang natatanggap nito sa prinsipe. Nagpatuloy ang apat sa pagtahak sa palasyo ng Burgandia kasama ang mga na kanilang gabay kung sakaling manukol ang hari ng Galgotha sa kanyang pagdating. "Malapit na tayo sa palasyo, Prinsesa Maria. Anong unang-una nating marapat na gawin?" taktikal na tanong ni Diwatano habang nakasampa ang prinsipeng diwata sa balikat ni Leopoldo. "Kailangang malaman ni ama ang pagbabalat-kayo ng lalaking 'yon." "Ang ikinababahala ko lamang Prinsesa Maria, paano kung hindi maniwala si Haring Buendia?" Natahimik ang prinsesa saka nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makarating sila sa malaking harang na naghahati sa paligid ng kastilyo at ordinaryong pamilihan. Nang makita nang ilang kawal ng Burgandia si Maria ay kaagad nilang pinagbuksan ang dalaga. "Nasaan si ama?" ang pambungad na tanong ni Maria sa mga kawal na sumalubong sa kanya. Imbis sagutin ay nagtinginan lamang ang mga kawal, rason upang dumiretso si Maria ss bungad ng palasyon. Mula sa malaking pintuan ay sinalubong siya ng mga pulutong ni Kumando. "Saan ka nagtungo mahal na prinsesa? Halos mag-alala si Haring Buendia ukol sa'yong kalagayan." pagbibigay impormasyon ni Kumando. "Mahabang kwento, Kumando. Nais kong makita si ama sapagkat mayroon akong mahalagang sasabihin tungkol sa'king natuklasan." "Nasa trono si Haring Buendia." anito. Bahagyang tumango sa masugid na kawal saka nagpatuloy sa kahabaan ng daanang nababalutan ng pulang alpombre. Kasama ni Maria si Leopoldo at ilang mga kawal ng Harandia upang umalalay kung sakali mang magkagulo sa loob ng Burgandia. Mayroong pag-aatubili sa prinsesa subalit kailangan niyang ipabatid sa lalong madaling panahon ang magiging kalagayan ng palasyo sa kamay ng bagong mamumuno. Akmang lalakad ang dalaga sa trono nang makita kung sino ang kasama ng kanyang mga magulang, walang iba kundi ang huwad na hari ng Astramos at ang kanyang dama'ng si Kundiman. Makikita ang pagkislap ng mga mata nang dalawa, dahilan upang makaramdam ng takot ang prinsesa. Bahagyang hinawakan ni Leopoldo ang kamay ni Maria upang palubagin ang loob nito. "Maria Crex, ano't saan ka nagtungo at pinag-alala mo ang buong palasyo?" pambungad na saad ni Haring Buendia sa kanyang anak. "Mayroon kayong dapat malaman, ama." "Hindi ko nais pakinggan ang iyong sasabihin. Marami kang dapat asikasuhin sa'yong pakikiisang dibdib kay Prinsipe Leon." putol ng hari. Nangunot-noo ang dalaga saka gumawi ang mata sa inang hindi malaman kung saan papanig. "Kailangan ninyong malaman ang lihim na itinatago ng lalaking 'yan!" duro ni Maria. Nanlaki ang mata ni Leon sa paratang ng prinsesa sa lalaki. "Anong aking nagawa? Hindi ba't mas marapat akong makaramdam nang sama ng loob dahil ang aking mapapangasawa'y mayroong kasamang iba? Ano na lamang ang sasabihin ng buong Emerit kung nalaman ang ganitong klaseng pagtataksil?" sabad ni Prinsipe Leon. "A-ano ang iyong pinapalabas? Ikaw ang marapat mabunyag dahil sa mga lihim na---" Tumikhim ang ama, rason upang maputol ang aming pag-uusap. "Tingin ko'y tama si Prinsipe Leon. Hindi magandang makita kang kasama ang lalaking 'yan." pagsang-ayon ng aking ama. "P-Pero kailangan niyong malaman na--" Nalilito maging si Prinsipe Leopoldo sapagkat tila mayroong nag-iba sa hari subalit hindi lamang mawari. "Kawal! Ayokong makitang tutuntong sa'king palasyo ang sinumang Emeritian na naninirahan sa Harandia, kaya marapat lamang na palabasin ang prinsipeng 'yan sa Burgandia." utos ni Haring Buendia. Naguguluhan sina Pinkie, Diwatano at Maria ukol sa mga ikinikilos ng hari subalit hindi niya magawang salungatin ang utos nito. "Huwag ama, kailangan mong malaman ang balak ng lalaking iyan sa palasyo!" pamimilit ni Maria ngunit hindi na nagawang pigilan ang mga kawal ng Burgandia. Hinawakan nila ang magkabilang braso ni Leopoldo saka binitbit palabas ng palasyo kasama ang mga dala nitong kawal. Nagpupumilit makapasok ang prinsipe subalit ang mga dala niya mismong tauhan ang pumigil sa kanya, kung kaya't walang nagawa ang binata saka laglag ang balikat na sumampa sa dragonikang si Aleman kapagkadaaka. "Ama, makinig ka!" "Tama na ang iyong kasutilan, Maria Crex. Ayoko nang maulit ang ganitong eskandalo sa'ting palasyo." Naluluha ang prinsesa at nanghihingi ng alalay sa ina subalit ni walang salita ang nanggaling sa mahal na reyna. 'Anong nangyayari sa'king mga magulang?' Matalim ang iginawad na tinging ni Prinsesa Maria sa gawi ni Prinsipe Leon at nang kanyang Dama ngunit kabaligtaran ang ekspresyon ng mga mukha nang dalawa tila mayroon silang kinalaman sa pagiging mabagsik ni Haring Buendia. 'Kailangan kong mapigilan ang maitim mong balak! Hindi ako magpapakasal sa isang katulad mo' Tanging sa isip lamang may kakayahang sabihin ang lahat, sapagkat kailangan niyang magdoble ingat ngayong tila nakahahalata na si Prinsipe Leon na alam na ni Prinsesa Maria ang katago-tagong lihim ng prinsipe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD