“PST!” tawag ko.
Nandito kami ngayon sa gitna ng Crescent University. Mukha itong court na may mga benches. Maraming estudyanteng nakatambay. Ang iba ay kumakain at the rest ay nag-aaral.
Parang itong katabi ko na nakatutok sa laptop. Aral nang aral. Matalino naman na. Ano pa kaya inaaral nito?
Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan s'ya. Nagkasya na lang ako sa pagri-rate ng mga features n'ya.
Pilikmata. Mahaba, itim na itim. 10/10.
Mata. Deep eyes, kulay grey at hindi na kakailanganin ng eyeliner. 10/10.
Ilong. Matangos na, wala pang ka-pores pores. Sanaol. 10/10.
Labi. Mapula at mukhang masarap halikan. Mukha ring mabango hininga. 10/10.
“Stop it.”
Napabuntonghininga ako. Wala bang imperfections ang lalaking ‘to? Maging ang hugis ng panga n‘ya ay perpekto. Parang katulad sa mga anime. Tapos ang hahaba ng mga daliri. Masarap kaya ‘yan.
Masarap ka-holding hands.
“Aray!” reklamo. Bigla n‘ya kasing inipit ng mahahaba n‘yang daliri ang ilong ko.
“I said stop it. Nakaka-distract ka,” mahinahon niyang suway.
Tsinek ko kaagad ang ilong pagkatapos n‘yang bitawan. Mamaya na-dislocate na. Baka baliin ni Drusilla ang leeg ko.
“Don't you have nothing else to do aside from annoying me?” tanong n‘ya. Muli s‘yang bumaling sa laptop.
“Wala. Kaya nga nanggugulo ako rito. Nabo-bored na ako,” nakasimangot kong reklamo.
“We have long quiz again. You're suppose to be studying now. Lazy ass,” himig na nanenermon n‘yang usal.
Sumubsob ako sa mesa. “Wala pa ako sa mood. Sasakit lang ulo ko pero wala pa ring maiintindihan.”
“Study now. Tutulungan kita.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Talaga?”
“Yeah.”
“Pero ayoko pa rin.” Sumubsob akong muli sa lamesa. Tinatamad talaga ako. Bakit hindi n‘ya agad na-gets?
“Huwag kang kokopya sa ‘kin. I'm warning you, Drusilla,” banta n‘ya.
“Oo na, hindi na. Isang beses lang naman ‘yon, eh,” sambit ko.
Hindi na s‘ya umimik sa ‘kin. Ibinaling ko sa direksyon n‘ya ang mukha dahil doon ay nahagilap ko ang cellphone n‘yang nakapatong sa gilid ng laptop. Napangisi ako.
“Lower your volume—”
Saglit s‘yang natigilan nang makita ang cellphone na hawak ko. Kahit hindi ako direktang nakatingin. Alam kong nanlisik ang mga mata n‘ya.
Galit na naman si bebe Demetrius.
"Give me back my phone, Drusilla!" asik niya.
Sinubukan n‘yang agawin ang cellphone ngunit naiwas ko kaagad. “Pa-ML lang! Ang laki-laki ng GB nitong cellphone mo. Walang kalaman-laman,” reklamo ko.
“It's none of your business! Give me it back to me!”
”‘Wag kang magulo! Potek! Matatalo ako sa ‘yo, eh!” inis kong reklamo.
“Drusilla—“
Saglit ko munang tinakpan ang bibig n‘ya. “One game lang beyb. Promise, tatanggalin ko na 'to. Pleasee?”
Marahas s‘yang napabuga nang hangin. “Fine. Napakakulit mo talaga.”
“‘Yon!”
Sa sobrang saya ko, sumandal ako sa braso n‘ya habang naglalaro. Wala naman s‘yang reklamo kaya feel na feel kong isandal ang pisngi ko sa matipuno n‘yang braso.
Mukha kaming mag-jowang naglalandian dito. Pero oks lang. Kung s‘ya ba naman mapagkakamalan na bebe ko.
Way nat? Hakhak!
“MUKHANG nagkakamabutihan na kayo ni Demetrius. Are you two dating?” tanong ni Emma.
Kakatapos lang ng last subject namin at papauwi na kaya nandito kami sa hallway. Sumulyap ako sa kanya.
“Hindi. . . Hindi pa.” Napahalakhak ako.
Umuna s‘yang lumakad saka huminto sa harap ko. Nanlalaki ang mga mata. Akala mo hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. Mukha bang hindi ako papatulan ni Demetrius at shock na shock s‘ya d‘yan?
Sabagay, kaya nga nagkaroon kami ng kasunduan ni Drusilla dahil hindi s‘ya magustuhan ni Demetrius. Okay, sige. May rason na s‘ya para ma-shock.
“When?” bulalas n‘ya. “Why didn't you even tell me? Alala ko ba friends tayo?”
“‘Wag mong sabihing magtatampo ka,” tanong ko. Tinaasan ko s‘ya ng kilay.
Ngumuso naman s‘ya. “Bakit? Bawal bang magtampo? Ha?”
“Oo, dahil hindi kita susuyuin. Bahala ka d‘yan.” Nilagpasan ko siya.
“Ang pangit mo naman maging friends!” nagtatampo n‘yang sigaw. Humabol s‘ya sa ‘kin.
“Edi maghanap ka ng ibang friends.”
Ngumuso lang siya. “Wala ka man lang sweet bones. You could at least lie to make me feel better.”
“Oy! Meron akong sweet bones pero exclusive for Demetrius lang,” depensa ko.
“Porke magkaka-lovelife ka na. Sine-set aside mo na lang ako!” nagtatampo n‘yang saad.
Napangiwi ako. “Tigil mo ‘yan, Emma. Umay!”
“So, back to our topic. May namamagitan talaga sa inyo? Nagbunga na ba ang matagal mong pagpapansin sa kanya?” tanong n‘ya.
“Oy! Hindi ako nagpapapansin no!” depensa ko. Kahit naman halatang-halata.
Inismiran n‘ya ako. Everyone knows you like Demetrius. Binabakuran mo pa nga s‘ya noon kahit hindi naman kayo."
Gano'n na kalala si Drusilla? Hindi ko alam kung ano nang itsura ng mukha ko. Kilala na ang katawang ‘to na baliw kay Demetrius? Akala ko si Demetrius at Drusilla ang nakakaalam!
Nasapo ko ang ulo. Very sure na mukha akong baliw na babaeng nqgpapansin kay Demetrius.
“But suddenly, you stopped pursuing him. Akala nga ng lahat sumuko ka na. For me, I thought you loathed him,” wika n‘ya.
“Paano mo naman nasabi?” tanong ko.
“Naalala mo no'ng nakipagsagutan ka sa kanya sa labas ng C.R? It's my first time seeing you fight him. You're always following him like—you know, like a . . .dog." Ngumiwi s‘ya.
Marahas akong napabuga ng hangin. "Ganyan pala ako katanga noon?" bulong ko sa sarili.
Kung gano'n nga naman talaga ang gagawin n‘ya. Hinding-hindi s‘ya mapapansin ni Demetrius. Kahit ako kung may dikit nang dikit sa ‘king lalaki. Aayawan ko rin. Baka kaltukan ko pa.
Kung ito lang naman ang problema n‘ya. Edi sana binigyan ko na lang s‘ya ng advice.
"Look who's here. Hero of the year!"
Napahinto kaming dalawa ni Emma. Sumama kaagad ang mood ko nang makita si Lucinda. Ngising-ngisi ito. Pulang-pula ang mga labi n‘ya tulad ng kulay pulang buhok. Fit na fit din sa kanya ang blouse na suot.
Maganda sana s‘ya kaso bulok ang ugali.
"Ano'ng kailangan mo?" bagot kong tanong.
Pinag-kros n‘ya ang mga mapuputing braso. "Kelan ka pa nagkaro'n ng pakialam sa iba bukod sa sarili mo? Between us, you're the most evil."
"Oo na. Sige na. Ako na pinaka-demonyo. Okay ka na?" nababagot kong usal.
"I knew this is your new tactic to win Demetrius. Well, sorry to inform you but no matter how hard you try to act like a f*cking saint. Lalabas at lalabas ang tunay mong baho!" asik n‘ya.
"Ipaglagay na nating bago ko ‘tong taktika ngunit ano naman sa ‘yo? Inggit ka? O baka naman natatakot ka kasi nakikita mong gumagana?" Mapang-asar ko s‘yang tinawanan.
Parang magtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa pinagsasabi. Ang pangit talaga sa isang good girl na tulad ko umaktong masama.
"Tara na. Pati b*lbol ko magpa-fly away kapag nakipag-away pa ako rito," aya ko kay Emma.
Nilagpasan namin s‘ya.
"You will never be Queen!"
Napahinto ako sa paglalakad. Reyna?
"If I can't be Queen of Crastrense so are you! I will do everything to hinder you from having the throne! Mark my words!"
Nilingon ko s‘ya pero nagtatakabo na s‘ya paalis. Mas sira pa ata ulo no'n kesa kay Drusilla, eh.
"Queen of Crastrense? What is she talking about?" rinig kong tanong ni Emma. "I haven't heard of it before."
Nilingon ko s‘ya. "Hindi talaga iyon pamilyar sa ‘yo dahil wala namang lugar na gano'n. Tara na nga!"
Nauna na akong naglakad bago pa s‘ya mang-usisa. Kailangan kong makausap si Lilith. Ngayon ko lang naalala na marami pa pala akong dapat itanong sa kanya.
SIMPLENG white cotton sweater, black shorts at white sneakers ang sinuot ko. Balak ko ngayon kausapin si Lilith nang palihim. Wala s‘ya sa dormitory ngayon kaya mas okay.
Dinampot ko ang kulay itim na cap at sinuot. Pagkakuha ko ng sling bag. Lumabas na kaagad ako ng room. 6:45 na at madilim na sa labas. Pagtapos kasi ng dinner ng 6PM. Wala na talagang lumalabas. Alas otso pa nga lang ata ay naghihilik na ang lahat.
Tinext ko si Lilith kanina na kikitain ko s‘ya sa
Heaven's Park. Malapit lang iyon dito sa Crescent. Madilim na ang paligid at marami pang tao sa labas. Maging sa park ay maraming tao.
Nakita ko kaagad si Lilith. Agad ko s‘yang nilapitan. Blangko ang mga asul n‘yang mata.
"What is it? I'm with my friends. I'm not in the mood to kill someone who would see us," malamig n‘yang saad.
Humugot muna ako ng malalim na hininga. "May gusto akong malaman."
"Spill it!"
"Lucinda. Kulay pula ang buhok, maputi at green eyes. Nakaaway ko s‘ya kahapon at nakasagutan kanina. Gusto kong malaman kung sino s‘ya," seryoso kong tanong.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Lucinda. . . Hmm, do you mean Lucinda Salem?" Pagak s‘yang natawa. "That b*tch."
"Sino s‘ya? Bakit galit na galit s‘ya kay Drusilla? Sa paraan ng pakikipag-usap n‘ya kanina. Mukhang matagal na silang magkakilala at magkaaway ni Drusilla—Huwag mo sanang masamain. Gusto ko lang maging maingat lalo pa't mukhang maiinit ako sa mata n‘ya," paliwanag ko.
"You really have to be careful, Ember." Pinagkros niya ang mga braso. "Lucinda Salem is Drusilla's immortal enemy and her greatest contender to the position as the next Queen of Crastrense."
Umawang ang mga labi ko. "Ano ba s‘ya? Anong katayuan n‘ya para tapatan si Drusilla sa posisyon bilang susunod na reyna?" curious kong tanong.
"Lucinda Salem is a b*tch. She acts strong but is a coward. If not for her brother, she would never be where she is now." Pinakatitigan n‘ya ako. "Lucinda Salem is Crastrense Royal Concubine Second Rank and one of the chosen candidates that was qualified as the next Queen of Crastrense."
Umawang ang mga labi ko. C-Concubine? Uso sa kaharian nila ang gano'n? Ibig sabihin hindi basta-basta si Lucinda. Wala akong masyadong alam sa mga monarkiya nila pero sure akong mapaparusahan ang sinumang kakalti sa kanya.
"You don't have to worry, though. Drusilla is higher than her. Drusilla Mortem is Crastrense Royal Concubine First Rank, Duchess of Mortem, and Heiress of Mortem House's wealth," saad niya.
Umawang ang mga labi ko dahil sa paghanga. Para akong na-pressure bigla. Ang katawang gamit ko ngayon ay makapangyarihan, mayaman at naimpluwensya.
"She hates you because of that. Wala siyang ibang maipagmamalaki bukod sa ranggo niya. She is not an heiress and became a second-rank concubine due to her brother and the family name.Be careful around her. If we fail because of her, Drusilla will kill us both. . ."
Tumango ako. "A-Alam ko kaya gagawa ako ng paraan para walang makaalam kung sino ako."
Hinatid ko ng tingin ang papalayong likod ni Lilith. Marahas akong napabuga nang hangin. Hindi nga biro si Drusilla. Madali na lang para sa kanya ang patayin ako sa oras na hindi ko magawa ang kasunduan namin.
Nasapo ko ang noo. "Ano ba ‘tong pinasok ko?" namomroblema kong tanong sa sarili.
Marahas akong napabuntonghininga saka humarap upang umalis. Ngunit nanigas ang mga paa ko nang masalubong ang dalawang abuhing mga mata. Parehas hindi mabasa.
Demetrius. . .