Chapter 08

2201 Words
KINALABIT ko siya. “Uy! Nagalit ka naman kaagad. Isang beses lang naman akong kumopya, eh,” suyo ko sa kanya. Kakatapos lang ng first subject ko pero heto ako’t humaharot. Hindi na naman niya kasi ako pinapansin. Iniwan niya na nga lang ako basta kagabi. Kaya nang makita ko siyang lumabas ng classroom, sinundan ko kaagad siya. “I’m not happy, Drusilla,” malamig niyang saad. “Malamang, hindi ka nga nakangiti. . .” Nilingon niya ako upang taliman ng tingin. Yumuko na lang ako. Gusto kong magmukhang kaawa-awa para hindi na niya ako pagalitan. “How long are you going to act like this? Copying someone’s work or answer is wrong. It is cheating! Kung gusto mong pumasa, mag-aral ka nang mabuti,” sermon niya sa kalmadong boses. “Oo na nga. . . Nabigla lang talaga ako sa long quiz. Hindi ako nakapag-review. Hindi naman kasi lahat tulad mo na may stock knowledge. Kung matalino lang ako, hindi naman ako babagsak,” hinaing ko sa mababang boses. Half-true ‘yon. Hindi ako katalinuhan pero ginagawa ko ang lahat ng paraan para maka-catch up sa lesson. Sadyang minsan ay hindi gumagana ang utak ko. Minsan pa, ang slow kong maka-get. Pero at least, nagta-try ako. Naiintindihan ko naman na masama iyon kaya nga hindi ko na uulitin pero nakakasakit naman ‘yung comment niya. Nag-aaral naman talaga ako nang mabuti. Talagang humihana lang utak. Masama na bang maging bobo minsan? Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga. “I’ll let this pass—but promise me first that you would never do this again,” saad niya. Tahimik akong tumango. Na-down ako bigla kahit pa pinalagpas niya na. Ewan ko ba. Mabilis talaga akong masaktan kapag feeling ko nakukuwestiyon ang mga efforts ko. Siguro kasi feeling ko hindi naa-appreciate. “S-Sige. Una na ako. T-tambay lang ako r-riyan,” paalam ko. Pumiyok pa ng ilang beses ang boses ko. Alam kong napansin niya iyon. Tinalikuran ko siya. Ramdam ko ang mga mata niyang sumunod sa’kin. “Drusilla.” Patuloy ako sa paglalakad na parang hindi siya narinig. Bigla kasi ay nawalan ako nang gana makipag-usap sa kanya. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin kapag maayos na ang mood ko. Kailangan ko munang huminga. PARA akong sinapian ng anghel dahil sa sobrang tahimik ko. Maging si Emma ay napansin iyon nang kumain kami sa cafeteria. Pilit niya nga akong inuusisa pero nanatili akong tikom. Akala ko nang iwan ko si Demetrius ay magiging maayos na ang pakiramdam ko pero hindi. Mas lalong naninikip ang dibdib ko sa bawat paglipas ng mga minuto. Gusto kong bumilis ang oras para makauwi na ako sa kuwarto at mailabas lahat ng hinanakit na meron ako sa dibdib. Ang hirap kasi na magpatuloy sa normal na routine sa araw-araw na hindi ka okay. Para kang naglalakad na robot. Walang nararamdaman kasi pinipigilan. Natatakot na kapag hinayaan ang sariling madala sa nararamdaman, iiyak na lang. Ayoko namang makita nila akong bigla-biglang humahagulgol. Gusto kong mag-isa kapag umiiyak. At least, ako lang ang may alam ng mga araw na mahina ako. Walang makakapanakit sa’kin gamit iyon. “Hey! Are you really okay?” nag-aalalang tanong ni Emma. “Malapit na tayo sa room pero hindi mo pa rin nauubos ang food mo.” Bumaba ang tingin ko sa hawak na burger. Ito na nga lang ang binili ko pero hindi ko man lang nakalahati. Mabilis kong kinain iyon. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ako habang kumakain. Hindi na ako nagugutom kaso sayang naman kung itatapon. Binalingan ko siya. Nanlalaki ang mga mata niya at nakaawang ang labing nakatingin sa ‘kin. “May iniisip lang. Tara?” pilit akong ngumiti saka naunang lumakad. Napahinto ako saglit sa pinto nang pagbukas ko, si Demetrius kaagad ang una kong nakita. Saglit na nagtama ang mga mata namin bago ako unang nag-iwas. Tahimik akong lumapit sa desk ko at naupo. Nakakapanibago na hindi ko siya inaasar o hinaharot. Basta. Ang gloomy bigla ng pakiramdam ko. Hindi rin naman siya nag-usisa sa buong durasyon ng klase bagama’t ramdam ko ang pagsulyap niya paminsan-minsan sa akin. Mabilis kong inayos ang gamit at tumayo nang mag-dismiss si Prof. Hindi ko na nahintay si Emma dahil sa sobrang pagmamadali. Napasinghap ako nang may humawak sa braso ko at marahas akong hinila paharap. Mga seryosong abuhing mata ang sumalubong sa’kin. “Why are you avoiding me?” seryoso niyang tanong. “H-huh? H-hindi kaya,” maang-maangan ko. Hinila ko ang braso ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya. “Uy! Bitaw. Baka mahuli ako sa klase,” mahinahon kong saad. Umigting ang kanyang mga panga. “You’re really a liar.” Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Dahil lang sa paratang na iyon, umusbong kaagad ang galit sa puso ko na siyang bihira kong maramdaman. “Ang sabi ko bitaw!” asik ko. Marahas kong hinila ang braso mula sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili at malakas siyang itinulak palayo. Umawang ang mga labi niya sa pagkabigla. Maski ako ay nabigla sa ginawa at natigilan. Mahigpit akong napahawak sa strap ng backpack ko. “Drusilla—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Tinalikuran ko siya at nagtatakbo palayo. Wala akong ideya kung saan patutungo. Natagpuan ko na lang sarili sa abandonadong building na sinasabi ni Emma. Ang Hecate building. Naupo ako sa baitang na nasa entrance. Agad kong pinunasan ang luhang naramdaman kong nahulog sa pisngi. Ano ba’ng nangyayari sa’kin? Sa simpleng sermon lang ni Demetrius. Umiiyak na ako nang ganito? Humugot ako ng sunod-sunod na hingang malalim para pakalmahin ang sarili. Baka mamaga pa ang mga mata ko kung iiyak pa ako lalo. “Drusilla.” Napaangat ako ng tingin. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang mapatingin sa mga blangkong mata ni Lilith. Kahit nanginginig ay tumayo ako at nilapitan siya. “L-Lilith, a-anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Pilit kong pinatatag ang boses. “Stubborn b*tch.” “A-anong—” Bumaling sa kabilang direksyon ang mukha nang bigla niya akong sampalin. Sobrang lakas na tila nabingi ang mga tenga ko. Namuo ang mga luha sa mata ko dahil sa paghapdi ng balat ko at ang sakit na nararamdaman sa dibdib. “L-Lilith.” Halos hindi ako makahinga nang bigla niya akong sakalin. Hinawakan ko ang braso niya upang tanggalin ngunit napakalakas niya. “What did I f*cking tell you?” gigil niyang sigaw. Nanlilisik ang mga mata niya. “Don’t do anything that will jeopardize our agreement! You know what that means? Huh? Ember? That means you don’t have the right to say no to Demetrius!” Marahas niyang ako itinulak. Halos hindi ako makagalaw. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa malakas na pagbagsak sa semento. Nanginginig ang mga kamay na sinapo ko ang leeg. Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mga luha sa aking mata. “I want this to end as soon as possible but you’re not cooperating! I thought you were doing good but no! You, b*tch!” Marahas siyang bumuga ng hangin. “This is the last time I will warn you, Ember. Do your job properly before I lose my patience and kill you!” Nakaupo at nanghihina niya akong iniwan. Napahagulgol na lang ako. Awang-awa ako sa sarili. Walang-wala ang hapdi sa pisngi, leeg at sakit ng katawan ko sa sakit na nararamdaman ng puso. Kung sana lang. . . kung sana lang mayaman ako. Hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Kung sana may sapat ako na pera sa tuition, renta, tubig, ilaw at pagkain. Hindi sana ako inaapi ng ganito. Niyakap ko ang mga tuhod. Hinayaan ko ang sariling humagulgol upang bukas ay maging maayos na ako. Dahil hindi puwedeng maging mahina. Kahit anong kuwestiyon ko. Wala nang mababago pa. Ang tanging magagawa ko na lang ay maging matatag hanggang sa matapos ang kasunduang ‘to. Pagkatapos, lalayo ako. Kung saan, wala ng mang-aapi sa’kin. LUTANG at tahimik akong pumasok sa susunod kong klase. Ginawa ko ang best na umaktong walang nangyari. Pinagpapasalamat ko rin na hindi ko nakita si Demetrius. Hindi ko kasi alam kung paano siya ia-approach ngayong low energy ang puso ko. “Watch your step! Rat!” Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakasalampak ang isang babae sa sahig. Kanya-kanyang singhap ang narinig ko nang isaboy ng babaeng pula ang buhok ang hawak na tubig sa babaeng nakasalampak. Saglit akong natulala sa nasaksihan. “I don’t know why there’s a person like you here,” maarteng saad ng babae. “You don’t deserve to be here, you poor rat!” Kumuyom ang mga kamao ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sugurin ang babae. “Itigil mo ‘yan!” Dumagundong ang sigaw ko sa paligid. Lahat ay nanahimik nang makita ako. Humarap ang babaeng pula ang buhok. Ang ngisi sa labi nito ay mas lalong lumapad pagkakita sa’kin. “Oh, Drusilla! Buhay ka pa pala!” Humalakhak siya na parang t*nga. Pinigil ko ang sariling isalaksak sa bunganga niya ang hawak na water bottle. “Ano ngayon kung mahirap lang siya? Bakit? Kasalanan na ba ngayon ang pagiging mahirap? Kasalanan bang mag-aral dito kahit pa hindi niyo siya ka-level?” sigaw ko. Tumaas ang kilay niya. “Hindi mo ba alam kung anong hirap ang nararanasan ng mga katulad niya? Kailangan nilang kumayod o ng mga magulang nila para makapag-aral sila o may makain sa araw-araw! Imbes na iyong ipangkakain na lang nila, ipangtu-tuition pa! Alam mo kung bakit? Kasi kahit mahirap ang buhay, may pangarap sila. Kahit mahirap basta matupad lang iyon, gagawin nila para makaahon sa hirap. At ang mga katulad mong tatlong beses kumain sa isang araw, pinagsisilbihan at may bubong na matutuluyan ay hinding-hindi maiintindihan ang mga bagay na iyon!” sigaw ko. Nagtagis ang mga ngipin ko. Wala na akong pakialam kung gumagawa na ako ng eksena rito. Sasabihin ko kung ano ang dapat niyang malaman na siyang hindi niya naiintindihan. “Kaya wala kang karapatang maliitin siya dahil wala kang alam sa tunay na buhay na meron sila. Naiintindihan mo ba?” mariin kong tanong. Tila naumid ang dila niya. “Naiintindihan mo ba?” sigaw ko. Napaigtad siya. “N-no!” pagmamatigas niya kahit pa bakas ang takot sa mga mata. Malapit ko na siyang kaltukan para gumana-gana ang kinalawang na atang turnilyo sa utak niya. Ngunit napahinto kami sa malamig at malalim na boses. “Leave.” Napalunok ako nang makilala ang boses. “D-Demetrius,” nauutal na banggit ng babae sa lalaking nasa likod ko. “All of you leave including you, Lucinda,” malamig niyang utos. Parang may mahika ang utos niya at sinunod din ng mga taong nanonood sa amin. Ang babaeng nagngangalang Lucinda ay parang takot na kambing na umalis. “Uy! Ayos ka lang? Inano ka ng impaktang ‘yon?” tanong ko sa babaeng nakasalampak pa rin sa sahig. Tinulungan ko siyang makatayo. Hindi naman siya makatingin sa akin. “S-salamat po,” mahina niyang saad. Tinapik ko ang balikat niya. “Oks lang ‘yon. Basta kapag inaway ko ulit. Suntukin mo kaagad sa bunganga. Wala namang silbi bibig, eh.” Nahihiya siyang tumango saka nagpaalam. Nang mawala ang babae sa paningin ko saka ko nilingon ang lalaking nakamasid lang sa’king likod. “Ano’ng tinitingin-tingin mo riyan?” taas-kilay kong tanong. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kaswal ko na ulit siyang nakakausap. Kay Lucinda ko ata nabuntong lahat ng sama ng loob. May gamit din pala ang babaeng ‘yon. “I didn’t know you scream like a man.” Sinimangutan ko siya. “So, nandito ka lang para asarin ako? Gano’n?” sarkastiko kong tanong. “No.” Inilagay niya ang isang kamay sa bulsa. “I am here to apologize.” Tumaas ang kilay ko. “Marunong ka pala no’n. Akala ko sa pagsusungit lang, eh.” Nang-aasar ko siyang tinawanan. “Of course, I knew. I was raised with manners and dignity. My name holds promise, strength, respect, leadership and honesty.” “Yabang! Pangalan ng aso ko lang ‘yan, eh,” natatawa kong saad. Kahit wala naman talaga akong aso. “Aso?” hindi makapaniwala niyang sambit. Napailing-iling siya. “I really wanted to apologize because I knew I hurt your feelings but I changed my mind. Goodbye.” Tinalikuran niya ako. Natawa naman ako. Asar-talo si kupal, oh! Hinabol ko siya at inakbayan. Hindi naman siya nagreklamo kahit kalahati ng bigat ko nasa kanya na. “Hmm. . . Hindi ka na nagsusungit. Ibig ba niyang sabihin, close na tayo?” tanong ko. “Nope.” Mahina akong natawa. “Dami mong dama! Halata namang oo, eh.” “Why are you even asking? Even if I say yes, it won’t matter anymore. Matagal ka nang feeling close,” saad niya. Napahalakhak ako. “Oo nga naman.” Nagkuwentuhan kami habang naglalakad. Wala ng tao sa hallway dahil start na ng klase pero para pa rin kami kaming naglalakad sa buwan. Hindi ko alintana na late na kami dahil napasarap ang pagti-tsismis ko. At mukhang gano’n din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD