Chapter 07

2334 Words
MAGAAN ang pakiramdam ko kinabukasan. Sinong hindi? Nakabayad na ako ng upa kahapon. Ang iisipin ko na lang ay ang iba ko pang utang. Mamaya siguro ay uuwi ako sa apartment. Lumaki lalo ang ngiti ko sa labi nang makita si Demetrius. Sakto lang ang dating ko. Saglit siyang natigil sa paglalakad nang mapansin ako pero tumuloy rin. Lumapit ako sa kanya. “Good morning!” masaya kong bati. “Na-miss mo ‘ko?” Hindi niya ako pinansin at diretsong pumasok sa loob ng room. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pag-upo. “Uy! Kupal!” tawag ko. Sumimangot ako at nag-cross arm. Ayaw niya akong pansinin kahit anong tawag ko. Ano kayang problema niya? Okay naman kami kagabi. “Galit ka ba?” pangungulit ko. No react pa rin. Blangko ang mga mata nitong binabasa ang hawak na libro. Kung hindi lang ito guwapo, baka isinubsob ko na siya sa lamesa. “Dala-dalawa tenga pero hindi makarinig. . .” pabulong kong reklamo. Nakakasira naman ‘to ng araw. Ang gaan pa naman ng pakiramdam ko kaninang umaga. Sumandal ako sa upuan saka tumulala. Hindi rin naman ako nakatagal sa pananahimik. Nilingon ko rin siya. “Akala mo ikina-cute mo ‘yang hindi mo pamamansin? Hindi! Ang pangit mo talaga,” naasar kong bulong. “Ang malas siguro ng magiging girlfriend mo. Laging uuhugin sa lamig mo!” Hindi talaga siya nagpatinag. Akala mo may malaking tutuli sa tenga at hindi talaga ako naririnig. Napakagaling magpanggap. Ang sarap sikuhin. Dumaan ang ilang segundong hindi kami nagsasalita. Tanging ang mahihinang ingay galing sa mga classmate namin ang naririnig. “Hoy!” untag ko. No response. Hindi ako nakatiis. Inilapit ko ang katawan sa kanya at malakas na niyugyog ang balikat niya. Muntik niyang mabitawan ang libro. Marahas siyang napabuga ng hangin. “Stop,” malamig niyang utos. “Bakit hindi ka muna namamansin?” taas-kilay kong tanong. “Ano ngayon kung hindi? Responsibilidad ko ba ang kausapin ka?” himig naiinis niyang tanong. “Uhm. . .” Nag-isip ako. “Hindi.” “Then I hope we’re clear on that.” Matalim siyang tumingin sa’kin. “Don’t disturb me.” Bumalik siya sa pagbabasa. Napangalumbaba na lang ako at nakuntento sa panunuod sa kanya. Ang tagal ng prof namin. Mukhang hindi na iyon papasok. Nagtataka ako nang bigla niyang ibaba ang libro. “Oh? Anyare?” tanong ko. “Hindi mo ba alam na nakaka-distract kapag may nakakatitig sa’yo?” Nagkibit-balikat ako. “Hindi. Feel ko nga ‘yon, eh. May nakaka-appreciate ng kagandahan ko.” Nasapo niya ang ulo. Problemadong-problemado sa ‘di malamang dahilan. “Huwag mo ‘kong kausapin!” nanggigil niyang saad. Napatitig ako sa mukha niya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay, matalim ang mga abuhing mata at nakabusangot ang mapupulang labi. Pero guwapo pa rin. Ang unfair lang. Siya guwapo pa rin tapos kapag ako, mukhang donkey na nagsusungit. Kumunot ang noo ko. “Baliw ka na?” Bigla kasi siyang tumawa nang mahina. Kanina nagsusungit tapos ngayon tatawa-tawa. Natanggalan ata ‘to ng isang turnilyo sa ulo. “I don’t really understand you. . .” bulong niya na rinig ko. Umiiling-iling pa. “Hindi rin kita maintindihan. Daig mo pa dinudugo buwan-buwan!” singhal ko. Hindi niya ako nilingon. Sa libro lang siya nakatingin. “Gaano ba kaimportante ‘yan para ‘di mo ‘ko pansinin? Isnatyin ko ‘yan, eh,” asar kong saad. Kumuha na lang ako ng ballpen sa bag. Hindi na naman niya kasi ako pinansin. Napagtripan kong sulatan ang desk ko. Buburahin ko rin naman mamaya— “Aray!” reklamo ko. Masama ang tinging nilingon ko siya. Pinukpok ba naman ang libro sa kamay ko, eh, ang kapal no’n! “Kanina hindi mo ‘ko pinapansin tapos ngayon mamumukpok ka!” gigil kong sigaw. “At dahil hindi kita pinansin, dapat mo nang sulatan iyan?” istrikto niyang saad. “If you have nothing else to do, do something na hindi nakakasira. Do you understand?” “Hindi!” asik ko. Akala niya, siya lang puwedeng magsungit? “Kaya huwag mo ‘kong pakialaman!” Malapit ko nang maidikit ang dulo ng ballpen ko kaso hinigit niya iyon. Hinila ko rin naman kaagad ang kamay ko. “Ano ba!” singhal ko. “You will ruin the desk, Drusilla! Stop it!” mautoridad niyang utos. “That’s an order!” “Walang order-order sa ‘kin! Hindi ako sundalo!” “Drusilla!” Hinila ko ang kamay ko nang buong lakas. Napalapit tuloy siya sa’kin. Sa sobrang gigil kong itago ang ballpen sa kanya, hindi ko napansin na sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Halos yumakap na siya sa ‘kin. “Bitaw! Impakto ka!” sigaw ko. “Drusilla! Give me the pen! Now!” Yumakap ang isang braso niya sa bewang ko kaya lalo kaming nagdikit. Pilit niyang inaabot ang ballpen na pilit ko ring inilalayo. “Hindi ka bibitaw? Gusto mo batilin ko ‘yang itlog mo? Ha?” gigil kong banta. “Just try—F*ck!” Naapatras siya. Sinipa ko lang naman gamit ng paa ang panggagalingan ng lahi niya. Mala-demonyo akong tumawa. “Ano ka ngayon? Akala mo hindi ko gagawin no? Utot!” Muli akong humalakhak. Napahampas pa ako sa desk ko sa tuwa. “Sumusobra kana,” mahina ngunit gigil niyang saad. “Oo, dahil special ako,” asar ko pa. Ngunit hindi nagtagal ang tuwa ko. Marahas niyang hinila ang kinauupuan ko papalapit sa kanya. Bago pa ako makapag-react. Nasa leeg ko na ang matipunong braso niya Nagpumiglas ako. “Bitiwan mo ‘ko! Animal ka!” “Give me the pen first!” “Eh, ayoko nga! Bitaw! Harassment ‘to! Hindi mo ba alam? Gusto mong ipakulong kita?” nanggigil kong sigaw. “I don’t care! Give me the pen!” Mukha kaming tangang nagbabardagulan sa gilid. Nakuha na nga namin ang atensyon ng lahat pero wala siyang pakialam. Wala rin akong pakialam, no! Akin ‘tong ballpen tapos kukunin niya. “I’m not joking, Drusilla!” “Hindi—Bekas uyr tsoking me! Pakyu ka!” “What’s happening here? Mortem! Augustus!” Napahiwalay kami sa isa’t isa dahil sa malakas na sigaw na iyon. Parehas kaming namilog ang mga mata nang masalubong ang matalim na tingin ng prof namin. Napangiwi ako. “Si Demetrius po, Ma’am. Nang-aagaw ng ballpen. Akala mo walang pambili!” sumbong ko. Lumingon si Ma’am kay Demetrius. “Is that true, Mr. Augustus?” Umawang ang mapupula niyang labi. “W-What? I am—” “Pilit niya pong kinukuha, eh, nagsusulat po ako ng notes kaya nakipag-agawan po ako,” segunda ko. “Stop lying, Drusilla!” gigil na asik ni Demetrius. Hindi ko siya pinansin. Ngayon niya maramdaman ang feeling ng hindi pinapansin. Bahala siyang mapagalitan diyan. Lumiit lang ang mga mata ni Ma’am pero hindi na kami pinagalitan. Pinabalik niya kami sa kanya-kanyang upuan. “Get one whole sheet of paper. Maglo-long quiz tayo ngayon.” Kanya-kanya kaming ungot. Long quiz kaagad? Eh, wala pa ata sa kalahati ang alam ko sa pinag-aralan nila. Kakarating ko lang dito sa Crescent! Wala rin akong choice kundi kumuha ng papel. Sa kasamaang palad, wala ako no’n. Nasapo ko ang noo. Nakalimutan ko magdala. Nilingon ko si Demetrius. Nagningning ang mga mata ko nang maglabas siya ng whole pad ng papel. “Pst!” Hindi ako pinansin. “Uy! Kupal—Demetrius! Sorry kanina,” mahina kong paumanhin. Tinapunan niya lang ako ng tingin saka bumalik sa pagsusulat sa papel. “Ikaw kasi, eh. Bida-bida ka—Ano, hindi namamansin pala.” Alanganin akong tumawa. Sinamaan ba naman ako ng tingin. Kailangan kong makuha ang loob niya. Dahil kailangan ko ng papel! “Uy! Sorry na. Bati na tayo, please,” malambing kong saad. Inurong ko ang upuan. Iyong pasimple lang para hindi ako mahalata ni Prof. “‘Wag ka na magalit, please. Lalayuan ko na ‘wag ka lang magselos.” Naweweirduhan niya akong tiningnan. “You’re crazy.” Inilahad ko ang palad sa harap niya. “Hindi na ulit ako magsusulat sa desk. Bigyan mo lang ako ng papel, please.” Ngumiti ako nang malapad. Tinitigan niya ako. Lalo ko namang nilakihan ang ngiti. “Ayoko.” Tumabingi ang ngiti ko. Matapos kong maglambing at mag-please, hindi niya ako bibigyan ng papel! Ang sarap kagatin—sa labi. Yumakap ako braso niya. Naramdaman ko ang paninigas niya. “Sige na! Ibabalik ko rin pagkatapos ng klase. Bibili na talaga ako ng papel!” pagmamakaawa ko. “Get off me. Hindi ko kasalanan na inuna mo ang makeup kesa sa pag-aaral.” “Nag-aaral kaya ako nang mabuti! Nakalimutan ko lang magdala ng papel. Malay ko bang may long quiz ngayon,” mahina kong saad. “Number 1!” Nanlaki ang mga mata ko. “Demetrius, sige na! Isa lang naman. Ibabalik ko rin!” Halos humagulgol ako ng walang luha sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa’kin. Todo paawa effect naman ako. Ayokong bumagsak! Kahit pa hindi ko katawan at university ‘to. “Sige na, please?” malambing kong saad. “You don’t have a paper?” tanong niya. Tumango kaagad ako. “Then, bumagsak ka. It’s not my fault anyway kung bakit wala kang papel.” Bumagsak ang mga balikat ko. Kasalanan ko ba ‘yon? Ayaw niya akong pansinin kaya naghanap ako ng distraction tapos guguluhin niya ako. Kasalanan niya ‘yon. Hindi naman kami masisita kung hindi niya inagaw ‘yung ballpen, eh. “Hindi mo na ba ako mapapatawad? Ganyan ka ba kasama para pagdamutan ako ng kahit isang papel lang? Ibabalik ko rin naman,” nagtatampo kong saad. Para ma-guilty siya. Kapag bumaba grade ko, kasalanan niya! Lanta kong inusod ang upuan ko palayo sa kanya. Bagsak ang mga balikat ko habang nakayuko. Napakadamot! Isa lang naman. Parang others. Akala mo ikaka-threatened sa pagiging crown prince niya ang pagiging mapagbigay. Kulayan ko pa korona niya ng pink, eh. Malapit ko na siyang mabigyan ng pangmalakasang pektos nang may maglagay ng papel sa desk ko. Mabilis akong napatingin sa kanya. “Don’t thank me. May bayad ‘yan,” malamig niyang saad sabay iwas ng tingin. Muling bumalik ang ngiti ko sa labi. Sa sobrang tuwa, hinila ko ang braso niya at niyakap. “Yiee! ‘Di rin ako matiis.” Napahalakhak ako. “Miss Mortem and Mr. Augustus! Keep quiet!” sita ng prof namin. “Lower your voice,” suway niya. “Kung gusto mong bumagsak, huwag mo ‘kong idamay.” Itinikom ko na lang ang bibig bagama’t naka-asong ngiti pa rin. Baka magalit pa si Bebe Demetrius at bawiin ang papel. TUWANG-TUWA ako buong maghapon hanggang sa makauwi sa sariling kuwarto. Pasado ako kanina sa long quiz! Yes! Kumopya kasi ako kay Demetrius. Matalino pala ‘yon. ‘Di kasi halata. Nagsuot ako ng color black na sweater. Balak kong lumabas saglit at maglibot-libot dito sa Crescent. Bibili na rin siguro ako ng kape sa labas tapos sa garden ako tatambay. Sasamahan ko ang mga bulaklak na kasing fresh ko. Pasipol-sipol ako habang naglalakad. “Teka!” Napahinto ako. Pinaliit ko ang mga mata para matingnan nang maiigi ang lalaking natayo mula sa malayo. “Si Demetrius! Ano’ng ginagawa niya rito?” mahinang bulong ko sa sarili. Nilapitan ko siya. Kumapit ako sa braso niya pagkalapit ko. Napatingin kaagad siya sa ‘kin. “What are you doing here?” malamig niyang tanong. “Ang lamig na nga ng gabi, pinapa-lamig mo pa lalo.” Napailing-iling ako. “Tara, kape? Libre ko.” “I don’t like coffee.” Hinila niya ang braso. Tinampal ko ang likod niya. Muntik siyang mapa-subsob dahil doon. Napalakas ata ang pagkaka-hampas ko. “Libre na nga, umaayaw pa! Tara na!” Hindi na siya nakapag-react pa nang hilain ko siya palabas ng Crescent. Tahimik lang din naman siyang nagpahila. Pumasok kami sa 7/11 para bumili ng kapeng nasa cup lang. Mabuti na lang meron dito. Sa iba kasi wala. “Is this safe?” tanong niya habang sinusuri ang umuusok na kape. “Try mo. Kapag nanigas ka, hindi safe ‘yan.” Napailing na lang siya. Humigop din naman. Arte-arte pa, titikman din naman. Imbes na sa garden. Sa labas kami ng Crescent naupo kung saan may mga bench. Tahimik naming ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin at tahimik na paligid. “Do you do this often?” Sumulyap ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa harap habang humihigop ng kape. Umiwas ako ng tingin. “Oo, coffee is life. Ito lang naman ang kasa-kasama ko sa kalungkutan, kasayahan at stress sa buhay,” sagot ko. “I lied too. But I think you lie more. . .” “Huh?” Nilingon ko siya. Napagtanto ko na nasa akin na rin pala ang kanyang tingin. Napalunok ako sa kaseryusuhan ng mga mata niya. “I like coffee.” Napakurap ako. “Oh? Bakit sinabi mo kanina hindi?” nagtataka kong tanong. “And I always buy coffee there.” Bumaba ang tingin niya sa kapeng hawak. “I never saw you buy anything there, not until I saw you yesterday. . .” Iniwas ko ang tingin sa kanya. Bumaha ang kaba sa dibdib ko. Hindi pala puwedeng pinagsasabay ang pagkakape at pakikipag-usap sa lalaking ‘to. Nakita niya ako kahapon. Kaya ba tinanong niya kung saan ako galing? “Anyway, why did you buy me a coffee? Is this to compensate for what you did earlier?” tanong niya pagkaraan ng ilang segundong katahimikan. “Hindi.” “Then why?” Nilingon ko siya. “Mataas ang score ko kanina.” Matamis akong ngumiti. Tumaas ang isang kilay. “And then?” Lumapad ang ngiti sa labi ko. “Kumopya kase sa’yo.” Naibuga niya ang iniinom. Ilang ulit siyang napaubo bago bumaling sa’kin. Ang mga nanlalaking mata ay unti-unting nanalim. “You did what?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD