NANLALAKI ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Anong ginagawa niya rito? Kanina pa kaya siya d’yan? Narinig niya ba ang— Nag-iwas ako ng tingin. “Sinusundan mo ba ako?” tanong ko. “What are you doing here?” ulit niya sa tanong kanina. Napapikit ako nang mariin. Para akong nasa hot seat dahil sa paraan niya ng pagtitig. Pipi akong nanalangin na sana hindi niya nakita si Lilith. Lalo na ang marinig ang pinag-usapan namin dahil talagang mayayari kaming dalawa ni Lilith kay Drusila. Gusto ko pa namang umuwi na may ulo. “Bakit ba? Masama bang pumunta rito sa park? Gusto ko lang naman makalanghap ng sariwang hangin,” sagot ko. Namulsa siya. “If you want some fresh air, you could just go to the garden. Why do you have to come here?” “Kasi gusto ko rito at hindi sa garden. Masama ba

