Chapter 11

2272 Words

LABAG sa loob akong tumayo saka sinundan siya. Ano na namang gusto nito? May pa-talk talk pa. Puwede namang mag-usap doon. ‘Di pa ako nga ako nakaka-move on kagabi. Siya kaya? Hindi ba siya nakakaramdam ng awkwardness? “May balak ka bang dalhin ako sa kasuluksulukan ng Crescent?” naiinis kong tanong. Kanina pa kami naglalakad dito. Ang init pa naman. Para akong sinusunog nang buhay. Huminto siya sa paglalakad at gano’n din ako. Lumingon siya sa’kin. “Oh? Ano na?” tanong ko. Tumaas ang dalawang kilay ko. Hindi kasi siya nagsasalita tungkol sa gusto niyang sabihin. Pinagkros ko ang mga braso. “Tititigan mo lang ba ako?” Nag-iwas siya ng tingin. “About last night,” panimula niya. At nagsimula rin ang pagkabog ng dibdib ko. Pasimple akong lumingon sa gilid para iiwas ang mukha ko kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD