Chapter 6

1484 Words
"BULAGA!" Muntik ng mapatili si Sandra sa tindi ng pagkagulat ng bigla na lang sumulpot si Glenard sa harap niya nang hapong iyon. Pauwi siya galing sa palayan nila dahil dinalhan niya ng miryenda ang kanyang Nanay Celia. Maliit pa lang siya nang mamatay ang Tatay niya dahil sa sakit na lupus. Nasa baitang tatlo siya nang mamatay ang ama at mula noon ay mag-isa na siyang itinaguyod ng kanyang ina na kahit anong trabaho ay pinasok na. Naging ina at ama ito sa kanya sa kabila ng maaga itong nabiyuda kaya hindi siya nagkaroon ng kapatid. Palagi ito sa bukid kapag tag-araw kaya naman sumobra na ng itim ang balat ng kanyang Nanay Celia. Nagmistula na itong lakaki kagaya ng Tiya Emma niya. Kapag ganitong tag-araw ay palagi ito sa bukid lalo na kapag panahon ng anihan. Ayaw pa sana niyang umuwi pero pinauna na siya ng Nanay niya para raw makapagluto na siya. Mamayang gabi kasi ay magkakaroon daw sila ng bisita. Si Tiya Emma. "Ano ka ba?" Bahagya niyang hinampas ang braso ni Glenard dahil muntik na niyang mabitawan ang basket na may lamang mga plato at baso na dala niya kanina. "Ang hilig mo talagang manggulat!" Napangiti ito bago kuhanin sa kanya ang basket na dala. "Sinusundo ang kita. Malapit ng dumilim at mahirap na umuwi kang mag-isa." Mula sa malawak na lupain ng mga ito ay maraming short cut na pwedeng daanan para makarating sa bukid nila ng walang nakakapansin. Iyon ang dahilan kung bakit malakas ang loob nitong magpabalik-balik sa lupaing iyon. "Hindi pwede. Baka makita ka na naman ni Nanay, o kaya ni Tiya Emma. Pwede rin ng Lolo mo, lagot na naman kami kay Mayor. Hindi kaya masarap pakinggan 'yong mga sinasabi niya kapag galit. "Come on, takot na takot ka na naman. Ak9'ng bahala," pamimilit nito na gustong magpangiwi sa kanya. "Anong Ikaw ang bahala? Last time na nahuli tayo sa kwarto ko ay may nagawa ka ba?" Nakairap niyang sabi. "Wala sa bahay si Lolo. Wala rin daw sa munisipyo. I'm sure nagha-hunting ng ibon 'yon. Ganoon talaga 'yon kapag walang magawa, mas gustong magkulong sa gubat palibhasa'y dating sundalo," balewalang sabi nito. Samantalang siya ay biglang kinabahan. "G-gubat? Saang gubat? Saang gubat? Baka mamaya ay dito mapadpad ang Lolo mo." "He won't tresspass here, I'm sure." Pinisil nito ang isang pisngi niya gaya ng palagi nitong ginagawa. "Pwede bang huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano? Mamasyal na lang muna tayo bago kita ihatid." "Magluluto pa ako, Narding," sabi niya habang patuloy sa paglalakad. "Mamaya na, Sandy. Maaga pa naman." Wala rin naman siyang nagawa at bandang huli ay pumayag din sa kagustuhan ni Glenard. Siguro ay dahil gusto naman niya talagang makasama pa niya ito ng mas matagal. Na kahit ilang sermon ang inaabot niya sa Nanay niya kapag nahuhuli sila nito ay balewala sa kanya dahil masaya siya kapag nakakasama ang kababata. Minsan ay napipingot pa siya ng ina pero okay lang basta nakasama niya si Glenard. Halos sabay lang na nawala ang mga peklat na iniwan ng mga bulutong nila. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nagkaroon noon pero natuwa pa ito. Sayang nga lang at hindi niya ito nagawang puntahan sa bahay nila para alagaan kagaya ng minsang ginawa nito sa kanya noong may sakit siya. Matataas ang bakod ng bahay ng mga Galvez at may mga guwardiya pa sa lahat ng daang pwede niyang pasukan. Walang lusot ang kahit na sino. Sa gubat ay kung saan-saan sila napadpad kaya saglit na nawala sa isip niya ang ipinagagawa ng ina. Pwede niyang kalimutan lahat basta kasama niya si Glenard. Nanguha sila ng bunga ng sinegwelas na inilagay nito sa basket niyang dala. May naraanan din silang kamatsile na marosas-rosas ang kulay ng bunga. Umakyat pa si Glenard sa puno para ikuha siya. Kagagaling lang nila sa upuang nakaharap sa batis dahil nagpahinga sila roon nang makarinig sila ng mga boses sa gitna ng kasukalan. "Glen, may ibang tao, bulong niya kay Glenard. "Sshh…" Inilapag nito ang hintuturo sa labi niya bago siya inakay patungo sa likod ng isang malaking puno ng acacia. Madami ang paligid. Pero wala silang pagpipilian kung hindi ang dumapa at gumapang sa matalahib na parteng iyon ng gubat. At nang hawiin nila ang mga talahib na ngkukubli sa kanilang kinaroroonan ay pareho silang nagulat sa nakita. HINDI ako nagkamali ng hinala, Emma Francisco. Sabi ko na nga ba at dito kita makikita ulit, ngingisi-ngising sabi ni Mayor Frederico Galvez. Nakaunipormeng camouflage ang Mayor at may kasamang tatlong tauhan. Pero hindi iyon ang umagaw ng atensyon niya kung hindi ang kanyang Tiya Emma. Hawak-hawak ng mga tauhan ni Mayor Frederico ang kanyang tiyahin sa magkabilang braso. Bagaman ganoon ang sitwasyon ay hindi kababakasan ng anumang takot ang mukha ni Tiya Emma. Bagkus matatalim na tingin pa ang ibinibigay nito sa alkalde. "Pakakawalan kita sa isang kundisyon. Lumuhod ka sa harapan ko at humingi ng tawad." Nakataas ang mukha ni Mayor Frederico nang sabihin ang mga salitang iyon pero hindi natinag si Tiya Emma. Wala itong reaskyon. Inutusan nito ang mga tauhan na pakawalan si Tiya Emma. Pero sa halip na lumuhod ito ay buong tapang na dinuraan nito sa mukha si Mayor Frederico. Galit na galit na sinampal ito ng alkalde. Sa lakas ng sampal, bumagsak sa damuhan si Tiya Emma habang sapo ang nasaktang pisngi. "G-Glen…" halos magkandaiyak si Sandra dahil sa nasaksihan. Mula sa pinagtataguan ay kitang-kita niya ang nangyari at awa ang lumukob sa kanya para sa tiyahin. "S-si Tiya Emma, baka kung ano ang gawin sa kanya ng Lolo mo." "H-hindi ko rin alam ang gagawin ko, Sandy." Sa tingin niya ay nag-aalala na rin ito. Pero naisip din niyang kahit lumabas ito at pigilan ang Lolo ay wala rin namang silbi. Matigas ang puso ni Mayor Frederico. Hindi ito marunong makinig sa kahit na sino kahit pa sa sariling apo nito. Once na nagdesisyon na ito sa isang bagay ay hindi na mababali ng sinoman iyon. "Hinayaan kong agawin ninyo ang kaisa-isang yaman ko, Mayor. Ano pa bang gusto n'yo?" "Gusto kong mawala ka!" diretsong sabi ni Mayor Frederico. "Para ano? Para magpatuloy ang kasamaang n'yo sa Sta. Isabel?" Nananatiling tuwid ang tayo ni Tiya Emma sa harap ni Mayor Frederico. "Para patuloy kayong makapang-api ng mga taong walang kalaban-laban?" "Sa ating dalawa ay ikaw ang salot ng lipunan, Emma Francisco! Tigilan mo ang panggugulo sa Sta. Isabel!" Nanginginig sa galit na saad ni Mayor Frederico. "Tantanan mo ang panghihimok sa mga tao na sumama sa 'yo at tutulan ang pamamahala ko! Walang makikinig sa 'yo dahil wala kang kapangyarihan. Mabubulok ka sa bundok, Emma Francisco!" galit na galit na sigaw nito sa kanyang tiyahin. Kung may sakit siguro sa puso ito ay baka kanina pa inatake sa sobrang galit sa kanilang angkan. "Hindi ako aalis kung nasaan man ako ngayon habang isang Galvez ang nakikita kong namamahala sa Sta. Isabel," matatag na sabi ni Tiya Emma. "Mabubulok ka sa kulungan!" sigaw ni Mayor Frederico rito. "Tingnan ko lang ang taong mo ngayon. Dalhin 'yan!" mariing utos nito sa mga tauhan. "G-Glen, ano'ng gagawin natin?" napaiyak nang sabi niya. Hindi niya masikmura na pinanonood niya lang ang tiyahin habang minamaltrato ng isang Galvez. "Papakiusapan ko si Lolo na pakawalan ang tiyang mo," determinadong sabi nito. "Baka sakaling makinig sa akin si Lolo at makatulong sa sitwasyon ng tiyahin mo, Sandy." Akmang aahon na ito mula sa pagkakadapa nang mula sa kung saan ay biglang magsulputan ang mga rebelde. Sinugod ng mga iyon ang grupo ni Mayor Frederico. Nagpambuno ang mga ito at nagawang igupo ang mga tauhan ng alkalde ng walang kahirap-hirap. Bagsak ang mga ito hindi sa tama ng baril kung hindi sa pagdapo ng suntok ng mga rebeldeng sigurado siyang kasamahan ng kanyang Tiya Emma. Sa huli ay si Mayor Frederico na lang ang natirang nakatayo. Bakas ang takot sa mukha ng matapang na Mayor. Maya-maya ay napaatras ito. Kababakasan ng takot ang mukha. Ilang saglit pa ang lumipas ay napapaligiran na ito ng mga rebelde. "Lolo..." mahinang usal ni Glenard na balak sanang daluhan ang abuelo pero mabilis niya itong pinigilan sa braso. "Huwag, Glen. Baka kung anong mangyari sa 'yo. Baka saktan ka ng grupo ni Tiya Emma," luhaang sabi niya sa kababata. "Pigilan mo ang tiyang mo, Sandy," naiiyak na rin nitong sabi. Napatingin siyang muli sa kanyang tiyahin at nag-iisip kung paano niya ito kukumbinsihin nang bigla silang matigilan ni Glenard dahil sa sinabi nito. "Tayo na mga kasama!" malakas na sabi nito sa mga kasamahan na kung titingnan niya ay mukhang kating-kati na ring tuluyan si Mayor Frederico. "Bakit hindi pa natin tuluyan ang mayabang na Mayor na ito?" narinig pa niyang sabi ng isang kasamahan ni Tiya Emma. "Ibalato n'yo na siya sa akin," sagot ni Tiya Emma bago tumalikod paalis. Sumunod ang mga kasamahan nito at naiwan si Mayor Frederico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD