Chapter 38

1780 Words

BINALOT ng takot ang sistema ni Sandra nang mga sandaling iyon. Sa isip ay naalala niya ang pinakamatinding bagay na kanyang pinangangambahan. Na baka magka-engkwentro ang Tiya Emma niya at si Glenard na ngayon nga ay nasa loob pa mismo ng bahay nila ng ina. Kinakabahan siya pero mas lamang ang takot dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ni Glenard. Halatang nagtitimpi lamang ito pero hindi niya alam kung hanggang kailan nito kayang kontrolin ang sarili. Kung hanggang kailan nito kayang kimkimin ang galit na nasa loob nito para sa kanyang Tiya Emma. Maya-maya ay naalala niya bigla ang sinabi nito noong bago ito umakyat ng bundok. Na kapag nagkita ito at ang Tiya Emma niya ay isa lang sa mga ito ang pwede niyang makita ulit. Alam niyang ang ibig sabihin ng binata ay isa lang sa mga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD