Chapter 37

1841 Words

"ILANG araw na kitang nakikitang malungkot. Madalas wala ka pang kibo. May problema ka ba, ha, Sandra?" anang Nanay niya nang gabing iyon habang naghahapunan silang dalawa. Saglit na nawala sa pagkain ang kanyang atensyon. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang mga mata ng ina. Pero saglit lamang iyon. Muli niyang ibinalik sa pagkain ang atensyon na sa totoo lang ay hindi naman niya nalalasahan. Ilang araw na siyang ganoon. Palagi siyang walang gana pero pinipilit niyang kumain dahil ayaw niyang makahalata ang ina. Ilang araw na siyang nanghihina pero alam niyang hindi dapat ganoon. "Wala ho, 'Nay," tipid niyang sagot. "Anong wala? Baka sa akala mo, e, hindi kita napapansin? Napakahina mong kumain. Lahat sa bigasan napapansin na pumapayat ka. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha?" Bagama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD