Chapter 36

1845 Words

MATAGAL na nawalan ng kibo si Glenard habang nakatingin sa kanya. Poot, sakit at pagkamuhi ang nababasa niya sa mga mata nito, bagay na nagpapabigat sa kanyang dibdib. Naroon din ang lungkot at pagkalumbay. Hindi niya alam kung gaano siya katagal naghintay na ibuka nito ang mga labi para magbigay ng reaksyon sa kanyang sinabi. At ganoon na lang ang paghugot niya ng hininga nang sa wakas ay muli itong magsalita. "Aakyat na ako sa bundok pagkatapos ng libing ni Renzo," pagkuwa'y sabi nito. "Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik o kung magagawa ko pa ba. Pero isa lang ang sigurado ako. Kapag nagkita kami ng tiyang mo, isa lang sa amin ang pwede mong makita ulit," sabi nito. Nanghilakbot siya. Isa iyong pagbabanta mula kay Glenard. At hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD