Chapter 35

1827 Words

GLENARD WALA siyang nagawa kung hindi ang mapahinga ng malalim. Tama ang ama. Kailangan na niyang tanggapin na wala na si Renzo. Masakit pero wala siyang magagawa kung hindi ang magpatuloy. Pero isa lang ang sisiguraduhin niya. Hindi siya titigil hanggang hindi nagbabayad ang mga taong nasa likod ng pagpaslang sa kanyang pinsan. Malaking bahagi ng buhay niya ang siguradong mababago sa pagkamatay ni Renzo. Pakiramdam niya ay namatay ang isang bahagi ng kanyang pagkatao. At hindi niya alam kung paano siya magsisimula na wala ito. Mabigat man ang pakiramdam ay naghanda siya para pumunta sa chapel kasama ang ama, bagay na ayaw sana niyang gawin dahil parang hindi niya kayang makita ito na nakahiga sa kabaong. Maraming tao na ang naroon pagdating nila. Nagkalat ang mga kapwa niya sundalo s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD