Chapter 34

1789 Words

NAGAWA man niyang mag-empake ng gamit kagabi ay nagdadalawang isip naman siyang tuluyang lumuwas ng Maynila kinabukasan. Habang nakahiga siya kagabi ay mataman siyang nag-isip isip. Naisip kasi niyang kung aalis siya, hindi ba't parang tinakasan na rin niya ang panibagong kasalanan na ginawa ng kanyang angkan? Ano na lang ang sasabihin ni Glenard? Baka isipin pa nito na tuluyan na siyang sumuko at nawalan ng pag-asa. Baka isipin nitong tuluyan na siyang naduwag kaya siya umalis. Isa pa ay alam niyang mabigat ang pinagdadaanan nito ngayon. Parang napakasama naman niya kung hahayaan niyang magdusa ito ng mag-isa. Kilala niya si Glenard, kapag masama ang loob nito ay wala itong ibang kinakausap kung hindi siya lang. Kung aalis pa siya ay paano na lang ang binata? At sigurado naman siyang nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD