Chapter 33

1849 Words

SANDRA HALOS hindi pa siya makapaniwala nang makitang nasa harap na siya ng bahay nila. Napatigil siya sa tarangkahan nang mapansing madilim na madilim sa buong bahay nila, kahit pa ang mga bahay sa kalapit ay may mga ilaw naman. Tanging ilawang de-gaas ang nagbibigay liwanag sa kabahayan, bagay na naunawaan niya kaagad ang ibig sabihin. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Ang nanlalata niyang sistema ay biglang nabuhay. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo sa tindi ng galit na nararamdaman. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang bukana ng kabahayan. Dumiretso siya sa loob at tama ang kutob niya. May espesyal na bisita ang Nanay niya. Si Tiya Emma. Nagtagis ang mga bagang niya, pagkuwa'y inilinga niya ang paningin sa gawing likuran ng bahay na tanaw mula sa naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD