Chapter 9

1040 Words

HINDI na kumibo si Sandra. Pagod na rin siya sa kapapaliwanag sa Nanay niya. Lahat ng kanyang sinasabi simula pa noong maliit siya tungkol sa mga Galvez ay hindi naman nito pinakikinggan. Sarado ang isip ng Nanay niya at nakakapagod na. Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nito sa kanya bagay na noong dalagita pa lamang siya ay kanya ng naririnig. Hanggang sa makarating sila sa harap ng kanilang bahay ay walang tigil ang bibig ng kanyang Nanay. Minsan ay gusto na lang niyang magtakip ng tainga dahil parang wala itong kapaguran. Kapag nag-umpisa ng bumuka ang bibig nito lalo na kapag mga Galvez ang usapan ay hindi na niya ito kayang control-in. Maya-maya ay tanaw na niya ang bahay nila. Pinaghalong sementado at kahoy ang yari niyon pero mababa ang bubong kaya kapag panahon ng tag-init ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD