Chapter 10

1019 Words

"SIGE na, Tonyo. Lumakad ka na at nang makabalik ka kaagad bago umulan," ani Sandra sa pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan. Magdedeliver kasi ito ng dalawampung sako ng bigas sa bayan. Kapag ganoon karami ay ito talaga ang tinatawag niya at pinaghahatid. Lalo na sa mga suki nila kagaya ni Mrs. Robles na suki nila sa bigas. "Oo, ate. Lalakad na po ako," anang bente anyos na si Tonyo. Nang sumakay na ito sa secondhand truck nila ay napatingala siya. Madilim na ang langit kahit alas-kwatro pa lang ng hapon. Nagbabadya ang ulan kaya nanigurado na si Tonyo. Binalutan na nito ng lona ang mga bigas pagkatapos nitong maikarga lahat. Pinamamahalaan niya ang maliit na bigasan nilang iyon ng kanyang Nanay. Iyon ang ikinabubuhay nila kaya talaga namang kahit gusto niyang maghanap at sumubok magt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD