Chapter 52

1413 Words

"TALAGA, Bes?" Ibibigay mo sa akin ang mga ticket na yan?" Nanlalaki ang mga mata ni Laiza nang sabihin niya iyon. Tinanguan niya ang kaibigan. Linggo noon at kasalukuyan silang kumakain ng almusal. Sila lamang dalawa dahil kapag ganitong walang pasok ay nakaugalian na nilang magpatanghali ng gising. Kaya naman pasado alas-nuwebe na sila nag-aalmusal. Nang nagdaang gabi, napagpasyahan niyang ibigay na lang kay Laiza ang mga ticket. Sayang naman kasi kung itatago lang niya. Ayaw naman kasi niya talagang sumama kay Glenard na manood ng concert. Sadyang mapilit lang ito at hindi siya binibigyan ng pagkakataon na tumanggi. "Sino ba ang nagbigay sa 'yo nito?" excited pang tanong ni Laiza na hindi na binitiwan ang ticket. "Ang CEO natin. Si Glenard Galvez," sagot niya pagkatapos sumimsim n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD