Chapter 51

1618 Words

"Hl, Sandy," nakangiti ito nang batiin siya. Ni hindi ito nag-abalang tumayo. Nanatili lamang itong nakaupo habang nakatingin sa kanya. Pinilit niyang maging kaswal. Naalala niya ang ginawa nito sa kanya sa party at biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Hindi siya aware pero awtomatikong tumapang ang kanyang anyo. "Good evening, Mr. Galvez," napilitan niyang tugon. Pinakapigil niya ang sariling bastusin ito kahit iyon talaga ang gustung-gusto niyang gawin. "Wala ho rito si boss." "I know," tipid niyang sagot. Dumiretso siyang muli sa kanyang table at kunwa'y kinutingting annmg kanyang bag kahit kanina pa niya naiayos ang mga gamit. "Alam mo naman pala, e. Ano pang ginagawa mo rito?" ngalingaling itanong niya rito. Pero dala ng takot na mawalan ng trabaho ay nanatili siyang tahimik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD