Chapter 4

1648 Words
"HOY! paakyatin n'yo ako!" Sabay silang napalingon sa gawi ng bintana dahil sa bulong na iyon ng pinsan ni Glenard na si Renzo. Nagkatawanan sila at ito na ang lumapit sa bintana para buksan iyon. Inilabas ni Glenard ang kumot at hinayaang kapitan iyon ng pinsan. Ilang sandali pa ay nasa loob na rin ito ng kwarto niya. "Good evening, Miss Francisco," birong bati nito na bahagya pang yumukod. Pabirong inirapan niya ito. "Akala ko ay tumakbo ka na sa sasakyan n'yo, e," sabi niya habang inaalis sa pagkakatali ang kumot sa papag niya. Baka kasi bigla na lang pumasok ang Nanay niya ay siguradong nagtataka ito. "Sus! Ano ako, duwag? Para si Aling Celia lang kasi ay takot na takot na kayo," mayabang na sabi nito pero alam naman niyang nagbibiro lang si Renzo. Napataas ang kilay niya habang nanlaki naman ang mga mata ni Glenard dahil sa pabirong kayabangan ni Renz. "Ah, gano'n? Teka nga at matawag si Nanay!" akma siyang lalabas ng kwarto pero mabilis siyang napigilan ng kababata sa pamamagitan ng paghapit ng dalawang braso sa kanyang baywang. "Oy, teka lang, Sandy. Seryoso ka ba?" Seryoso siya pero bigla siyang natawa sa hitsura ng kababata nang makita niya ang repleksyon nito sa salamin. "Ito talagang si Sandra, hindi na mabiro." Nagkakamot sa ulong sabi naman ni Renzo. "Ang mabuti pa, kumain na lang tayo." Mula sa likod ay inalis ni Glenard ang nakasukbit na backpack. Inilabas nito mula roon ang mga pagkaing dala at game board. Napangiti siya dahil mukhang may balak na naman ang mga ito na mag-picnic sa kanyang kwarto sa kalaliman ng gabi. "Alam n'yo, iba rin ang trip n'yo, e, 'no? Kung kailan gabi na ay saka kayo mag-pi-picnic dito sa kwarto ko. Huwag kayong magkalat, ha? Baka langgamin ang higaan ko." Dahil sa dalawang Galvez na ito kaya siya nakakatikim ng masasarap na pagkain. Madalas ay nagtatakas ang mga ito sa mansyon para dalhan siya rito sa kanila. Kahit sa eskwelahan ay madalas siyang dalhan ng pagkain ni Glenard. Madalas tuloy ay hindi niya nagagasta ang baon niya. Mga kakaiba ang lasa at noon lang niya natikman ang madalas bitbit ng mga ito. Ayon sa mga ito, gaano man kasarap ang mga iyon ay hindi ma-enjoy ng mga ito kapag hindi siya kasamang kumakain. Iyon daw ang dahilan kung bakit nawili ang mga itong akyatin siya sa silid. "Ikaw na nga itong dinadalan namin ng pagkian, ikaw pa itong galit," tila nagtatampong sabi ni Glenard. "Aba't nanunumbat ka yata, Narding!" "I didn't say that." Patuloy ito sa pagnguya pero hindi rin naman humihinto sa pagsasalita. "It's just that I haven't taken my dinner yet. Ngayon pa lang. Mas ginaganahan kasi akong kumain kapag nakikita kita. You're a good appetizer, you know?" Kaagad namang siyang kinilig. Ang gwapo talaga ni Glenard," naisip niya bigla. Matangkad na ay maputi pa ito. Kahit siguro pagsuotin ito ng sira-sira at maruming damit ay hindi makakabawa iyon sa taglay nitong appeal. Gwapo rin naman si Renzo. Magpinsan ang mga ito at apo ng Mayor ng bayan nila. Parehong Galvez na kinamumuhian ng kanilang pamilya. Kaaway ng angkan nila ang angkan ng mga ito pero parehong hindi sumusuko sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ilang beses na silang nahuli ng Nanay niya na magkakasama pero hindi pa rin natitinag ang mga ito. Hindi naman daw nakakasakit ang bunganga ng Nanay niya. Bagay na totoo naman dahi hanggang sermon lang naman ito pagkatapos ay titigil na ulit. "Pagkatapos kumain ay maglaro tayo ng cards," sabi ni Glenard. "Scrabble na lan," hirit ni Renzo. "Okay, fine." Hindi niya napigilan ang mapangiti. Nakakatuwa kasi ang dalawang Galvez na halatang sabik sa totoong kaibigan. May mga kaibigan din ang mga ito pero mga piling-pili lamang. 'Yung pasok sa kalidad ng mga Galvez na mayayaman. Minsan ay nabanggit sa kanya ni Glenard na kapag may bisita ang kanyang ama at may kasamang mga kasing-edad nito ay mas gusto pa nitong magkulong na lang sa kwarto kaysa ang lumabas. Pero dito naman sa kwarto niya ay kasehodang magpakahirap pa ang mga ito sa pag-akyat para lamang makipag-bonding sa kanya. Ang totoo ay hindi rin niya alam kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya at ginawa siyang kaibigan. Sabi pa ni Glenard noon na palagi lamang nakakulong ang mga ito sa kani-kanilang bahay na may nagtatasang bakod. "INAANTOK ka na ba, Sandy?" tanong ni Glenard sa kanya habang seryoso sa ginagawa. Hindi na sila naglalaro ng scrabble. May iginuguhit ito sa bondpaper na hiningi sa kanya na kanina pa niya sinisilip pero ayaw nitong ipakita. "Hindi pa naman. Lumipas na ang antok ko, e," sagot niya. "Hindi bale, wala naman tayong pasok bukas." Sabay pa silang napatingin sa gawi ni Renzo at napangiti dahil humihilik na ito. Nakadapa ito sa papag niya at mukhang malalim na ang tulog kaya hinihinaan nila ni Glenard ang pag-uusap. "Tulog na tulog na si Renzo. Mahirap na pa naman yatang gisingin ang lokong 'yan." "Hindi 'yan. Ako'ng bahala." Saglit na inihinto nito ang ginagawa para sulyapan ang pinsan. "Alam mo bang hindi ganyan kahimbing matulog sa kanila 'yan?" "Totoo? Paano mo naman nalaman?" "Syempre, he always calls me in the middle of the night. Saying na hindi raw siya makatulog hanggang sa magkwentuhan na lang kami sa telepono." "So, sinasabi mo ba na kung kailan nasa matigas na papag siya ay saka siya panatag matulog? Ang sarap-sarap kayang humiha sa malambot na kama. Pangarap ko ngang magkaroon noon, e," hindi naniniwalang sabi niya. "Seryoso nga. Tahimik kasi rito sa inyo. Sa kanila, e, palaging may party. Halos gabi-gabi yata. Alam mo naman, pumasok na rin sa politics ang Papa niya." "Kakandidato na ang Tito mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Paano na ang pagsusundalo niya?" "Hindi na niya itutuloy. Hindi niya siguro maatim na makipagbarilan sa bundok pagkatapos niyang---" hindi na nito itinuloy ang iba pang gustong sabihin. Nakaramdam naman siya kaagad at mabilis na iniba ang usapan. "So, kaya mong buhatin mamaya si Renzo?" She met his gaze. Kahit ang mga mata ni Glenard ay magaganda. Wala yatang parte ng katawan nito ang pangit. Maging ang labi, ilong, hugis ng mukha nito ay perpekto para sa kanya. Kung magiging babae nga si Glenard ay tiyak na maganda. Pati kutis nito ay mala-labanos kaya pagkakaguluhan ito ng mga lalaki kung sakali. Napangiti siya sa kaisipang iyon. "Ihuhulog ko siya sa bintana," anito na sagad ang ngiti. "Wait, what's funny? Nakita ko 'yon, ngumingiti kang mag-isa diyan." "W-wala." "Ahmmm, pwedeng makahingi ng tubig, Sandy? Naubos na kasi ang tubig ko, e." "Sige. Pero dito ka lang. Ako na lang ang bababa para kumuha." "Salamat." Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at maingat na bumaba ng hagdan. Kinakabahan siya na baka makalikha na naman siya ng ingay ay magising na naman ang kanyang Nanay. Siguradong mahuhuli na sila nito dahil nakahilata habang tulog na tulog sa papag niya si Renzo. Pagbalik niya ay tapos ng mag-drawing si Glenard. "Alam mo kung ano ito?" "Ano?" sabik na tanong niya. "Ipapakita mo na ba sa akin?" "Dyaran!" Iniharap nito sa kanya ang drawing. Larawan iyon ng isang napakagandang Isla. May isang rest house sa gitna. Puti ang kulay ng buhangin at asul na asul naman ang tubig. "Wow!" anas niya dahil ang drawing ni Glenard ay buhay na buhay. Parang totoong totoo at kaysarap puntahan. "Paradise," sabi nito habang nakangiti. "One day, bigla na lang tayong may makikitang totoong paradise na kagaya nito. Do you believe that?" "Oo naman," masigla niyang sagot b"Gusto ko diyan. Tahimik, preskong tumira, kaya lang…" "Kaya lang ay ano?" maang na tanong ng kaibigan. "Madilim kasi." "Dahil gabi. Tingnan mo, may buwan." "Sabagay. Maganda pa rin naman siya kahit liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang ilaw. Maganda, pero parang gusto kong makita ang bersyon niya kapag umaga," sabi niyang nakatingin pa rin sa drawing ni Glenard. "One day, I'm going to bring you to that island," sabi nito na himig nangangako pero alam naman niyang mukhang imposibleng mangyari iyon. Kahit kailan ay hindi pa sila nakalayo ni Glenard na magkasama. "Talaga?" Tumango ang kababata. Pagkatapos niyon ay biglang naghari ang nakabibinging katahimikan. Nakatitig ito sa kanya ngayon. Lumilibot ang mata nito sa kanyang mukha at bawat sulok ay tinititigan nito. Pagkuwa'y tumigil ang mga mata nito sa labi niya. Parang gusto nito na halikan siya. Nang bigla silang magulantang dahil sa alingawngaw ng sirena ng police patrol sa tapat ng kanilang bahay. Sinundan iyon ng malalakas na boses. "Napapaligiran namin kayo! Ilabas ninyo ang mga apo ni Mayor!" Parang naestatwa ang dalawa sa kinauupuan. Si Renzo sa papag niya ay himhing na himbing pa rin at walang kaalam-alam. "P-paano na ngayon, Glenard?" natatakot na tanong niya. "H-hindi ko alam, Sandy. Naramdaman yata ni Lolo ang pag-alis namin. Alam mo naman 'yon, malakas ang pakiramdam." "Ilabas ninyo ang mga apo ni Mayor!" ulit ng boses sa labas na naka-mikropono pa. Sigurado siyang marami ng mga usisero at usisera sa labas ng kanilang bahay. Hindi lang 'yon, maging ang kanyang mga tiyuhin na nasa paligid lang ang bahay ay siguradong naroon na rin. Noon bumukas ang pinto at pasugod na pumasok sa kanyang silid ang Nanay niya. "Ano'ng ibig sabihin nito, ha?" Parang mag-co-collapse ito nang makita ang magpinsang Glenard at Renzo sa loob ng kanyang kwarto. "Anong ginagawa ng mga Galvez dito?!" Litaw lahat ng litid sa leeg ng Nanay niya nang mga sandaling iyon. Namumula ito sa tindi ng galit. Dumampot ito ng isang unan at pinaghahampas kay Glenard at Renzo dahilan para maalimpungatan ang huli. Pupungas-pungas itong bumangon. "Glenard, umalis na kayo, please?" pagmamakaawa niya sa kababata. "Layas!" Muling sigaw ng Nanay niya. Dali-daling hinila ni Glenard ang pinsan pababa sa hagdanan. Hanggang sa labas ay sinundan nila ito ng kanyang Nanay. Nang buksan ng Nanay niya ang ilaw sa labas ay saka lang tumambad ang imahe ni Mayor Galvez sa harap ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD