Chapter 19

1756 Words

GIGIL na nagmumumura si Isko nang puntahan ito ni Sandra sa bahay ng mga ito. Umuusok ang ilong nito at baka kung kaharap nito ngayon ang binata ay kayang-kaya itong patumbahin ni Isko sa tindi ng galit ng huli. "Demonyong Glenard Galvez na 'yon. Kapag nakita ko ulit 'yon ay pahihiramin ko na talaga siya ng mukha sa aso. Ang lakas ng loob ng hayop na 'yon!" Gusto niyang kutusan si Isko dahil napakaangas nito. Hindi madala ang yabang sa katawan kahit pa ito naman ang may kasalanan. "Ikaw naman ang nagsimula, ah! Ikaw ang bigla na lang nanuntok kahit wala naman siyang ginagawa sa 'yo. Tapos ngayon ay naghihimutok ka diyan!" Hindi napigilan niyang sabi sa pinsan. "Hindi mo ba talaga naiintindihan, Sandra? Nagalit ang pinsan mo dahil walang babalang pumasok na naman sa teritoryo natin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD