Chapter 30

1830 Words

"MABUTI na lang at nakatakas ang mga rebelde," sabi ng Nanay niya nang makauwi na siya. "Salamat naman sa Diyos at hindi nahuli ang Tiya Emma mo at mga kasama niya," anito na nag-sign of the cross pa. Nainis siya bigla. Alam niyang kinakampihan nito ang Tiya Emma niya dahil kapatid nito ito pero wala na sa katwiran ang kanyang Nanay. Baluktot na ang pag-iisip nito at alam niyang dahil iyon sa pagkunsinti nito sa Tiya Emma niya. "Naririnig n'yo ba ang sarili n'yo, Nay? Nagpapasalamat pa ho talaga kayo? Mga rebelde ho ang kinakampihan ninyo. Ang dapat nga sa kanila ay hinuhuli na at ikinuhulong para mawala na ang gulo dito sa Sta. Isabel," Hindi na nakapagpigil niyang sabi. Minsan ay gusto na lang niyang maiyak dahil hindi na niya alam kung paano paglilinawin ang isip ng ina. "Sandra! Ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD