Tulalang nakatingin sa kawalan si Sam habang nasa library, first day of school at nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor in Science and Hotel Management. Hindi niya akalin na aabut siya sa ikatlong taon sa kolehiyo. Nagbunga lahat ng pag iipon at pagod niya at ng mga abuelo niya sa kaniyang pag-aaral. Gustihin man niyang kumuha ng mas magandang kurso hindi kaya ng napag ipunan niyang pera ang tuition fee. Hindi na rin siya nagsisi dahil na meet naman niya ang mga kaibigan niyang mga baliw at tunay. Kung sakasakali kailangan lang niyang grumaduate ng may mataas na marka para makapasok agad siya sa mga hotel na aaplyan pagkatapos niya mag aral.
" Tulala ka na naman? Problema mo?" tanong ng kaibigan niyang si Aria.
Madali silang nagkapalagayan ng loob ni Aria dahil pareho silang kengkoy. Alam din nito ang istorya ng buhya niya.
" Wala, iniisip ko lang kung san ako mag pa part-time sa christmas break. Sayang din kasi kikitain dun pangdagdag sa tuition ko next school year." sagot niya
" Hanap tayo, Tulungan kita. Saka malayo pa yun, ienjoy mo muna tong first sem." Sabi nito
Biglang dumating nag haliparot nilang baklang classmate na humahangos at kinikilig..
" Baklaaaaaa!" sambit pa nito
" Shhhhhhh. ..." sabay nilang saway ni Aria.
" Nasa library tayo ,makasigaw ka, lagot tayo kay 'Rudolph' niyan". Sabi ni Sam
Pinangalanan nila ng Rudolph ang librarian nila dahil sa laki ng ilong nito at sobrang sungit pa.
" May chezmiiss ako." sabi nito pagka upo sa harap nila.
Sabay naman silang napadukwang ni Aria para makinig sa chismis na sinasabi nito. Alam nila na pag si Justine ang mag dala ng chismis siguradong legit.
" May gwapo,ae hindi hottie na transferee!" pigil ang tili na sambit pa nito.
" Sa anong department?" interesadong tanong ni Aria
" Wow maka tanong parang walang boyfriend, Masyadong interesado tiihh?" sabi niya
" B.S Management mga bakla. Third year din, tapos ang balibalita eh dapat senior na yan kaso natigil ng isang taon kaya ayan ka batch natin." sabi pa ni Justine
" Ay matalino," sabi niya pa yango yango.
" Feel ko meant to be kami kasi single din daw yung Hottie Transferee eh." malanding saad ni Justine sabay pose na nag dedaydream.
Natawa siya sa hitsura nito. Bigla itong hinampas ni Aria sa braso.
" Feeling ka, may matress ka? Ipakilala mo kay Sam para magka jowa din." sabi ni Aria
Nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. Wala siyang balak magnobyo dahil aksaya lang yun sa oras niya. Saka isa pa umaasa pa din siya na baka ligawan siya ng crush niyang si Ethan.
May boyfriend na si Aria at mag iisang taon na ang relasyon nito sa Criminology student na si Albert. Si Justine naman ay kahit binabae ay buwanbuwan nagpapalit ng boylet. Siya lang ang nag-iisang NBSB sa kanila.
" Titikman ko muna bago ko bigay sa kanya." sabay tawa ng malakas dahilan para masita sila ng librarian
Tatawa tawa silang tatlo ng mag ring ang bell hudyat para sa susunod nilang subject.
Nagkukumahog na tumayo sila sa mesa at lumabas ng library para pumunta sa room ng prof nila.
" Bilisan nyo jan baka malate tayo ng one minute lagot tayo kay Miss Minchin!" sabi ni Sam habang halos takbuhin na ang room ng sinasabing prof.
Natapos ang klase nila sa Foreign Language at para silang galing sa bakbakan pagkalabas ng classroom. Bigla kasing nagbigay ng surprise quiz ang prof nilang tinatawag nilang Miss Minchin. Sobrang strikta kasi nito,pati pag kuha ng papel sa bag ay kailangan hindi siya makarinig ng tunog.
" Grabe to si Prof maka exam wagas!Halos maubusan ako ng dugo akala ko makikita na niya ako na sumisilip sa papel ni Aria." saad ni Justine habang papunta sila sa canteen
" Oo nga buti na lang at nakapag aral to si Sam may naisagot tayo." sabi naman ni Aria habang nakasukbit ang kamay sa kamay niya. Nasa gitna siya ng dalawang kaibigan.
" Stock knowledge yun." pabiro niyang sagot.
" Ayusin mo yang stock knowledge mo dahil yan yung makakapagpagraduate sa amin ni Aria." sabi pa ni Justine.
Sa kanilang tatlo siya ang mahilig magbasa ng notes at mag-aral. Matalino din ang dalawa kaso masyadong busy sa lakwatsa at pag boboyfriend ang mga ito.
Malapit na sila sa canteen ng may biglang tumawag sa pangalan niya.
" Sam!"
Natigilan siya dahil parang familiar ang boses ng tumawag. nagsisimula na din siyang kabahan.
" Samuel Luna!" sambit nito sa buong pangalan niya
Sabay- sabay silang tatlo sa pag lingon. Natigagal siya nang makita kung sino ang tumawag sa kaniya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng mapagtanto kung sino ito.
" O-M-geee! Siya yung Hottie transferee!" kinikilig na sambit ni Justine. Si Aria naman ay natigilan din pero agad ding nakabawi.
Tulala pa rin siya. May iba pang sinabi si Justine pero hindi na niya iyon narinig dahil nag slow motion na naman ang paligid. Malapad ang ngiting naglalakad ang lalaki papunta sa kinatatayuan nila. Gwapong gwapo ito sa uniform na suot. Pagkalapit sa kanila, walang anu-anoy niyakap siya nito. Mas lalo siyang nanigas sa ginawa nito. Hindi rin siya nakapag react dahil ukupado ang isip niya sa pabangong naamoy niya galing sa kayakap.
' Shyeeet lord baka himatayin ako. Bat naman ang bango bango.' sabi niya sa isip
" Kumusta ka na?" tanong nito ng kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
" Kilala mo Sam?" si Justine na naka pa mewang na sa kaniya at nakakaintriga kung makatingin.
Hinila ni Aria ang buhok niya dahil umurong ata ang dila niya at hindi siya makasagot.
" Aray!" sambit niya
" Kumurap ka gurl, baka mabuking ka, tulo laway ka na jan." bulong ni Aria sa kanya
" Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa lalaki.
" Ikaw ba yung transferee sa BS Management?" sabad ni Justine " Im Justine Aballe, you can call me bebeh for short". sabi nito sabay ipit ng maiksing buhok sa tenga.
" Ethan. Christopher Ethan Montelabano." sabi nito sabay lahad sa palad
Akmang kakamayan ito ni Justine ng sumingit si Aria. " Hi Ethan, remember me?"
" Hi Aria, Kumusta?" sabi ni Ethan
" Mabuti naman, buti na alala mo pa ako akala ko si Sam lang nakikita mo eh." sabi nito sabay siko sa kaniya.
Wala pa rin siyang masabi. Ano ba dapat sabihin niya?
" Wala ka atang nabanggit na mag ta transfer ka last time na nag usap tayo." sabi na lang niya
" Nag-uusap kayo?! Kelan?Saan?" eksaheradang tanong ni Justine
" Wag ka nang sumingit, epal ka pa eh" sabi ni Aria kay Justine
" Siya yung kasama ko mag assistant librarian sa kabilang bayan." sabi nalang niya.
" Ae, wait,so siya yung..." hindi natapos ni Justine ang sasabihin dahil tinakpan ni Aria ang bibig nito. Nanlaki naman ang mga mata niya ng marealize na muntik na siyang ibuko ngkaibigan.
" Kain tayonsa canteen." palusot niya "Sama ka?" tanong niya kay Ethan
" Sige." at nauna na silang dalawa mag lakad
Naiwan si Aria at Justine " Gaga bakla, yung bibig mo!" sita ni Aria
" So confirmed na siya yung guy?" tanong ni Justine
" Oo,kaya manahimik ka, saka tigilan mo yang illusion mo kay Ethan kasi reserved yan kay Sam!"
" Malas naman." malungot na sabi nito " hmmp pero para kay baby gurl ipapaubaya ko." exaggerated na sabi nito.
" Ano na, kala ko gutom na kayo?" tawag ni Sam sa kanila.
Sabay- sabay silang kumain sa canteen.
Simula ng araw na iyon lagi na silang magkasama ni Ethan pag kumakain. Lagi din itong nakabuntot sa kaniya kung pareho silang may bakanteng oras. Panay naman ang kantiyaw sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan pag wala si Ethan. Tinutulungan din siya nito sa mga school projects niya at paminsan minsan ay nagpapatulong ito sa mga assignments nito.
Napansin din niya na masama ang tingin sa kaniya ng mga babaeng nagkakagusto kay Ethan sa campus. Akala kasi ng mga ito na binabakuran niya ang binata dahil lagi silang magkasama kahit mag kaiba sila ng department. Katulad na lang ngayon, nasa library silang dalawa ni Ethan. Nag reresearch siya para sa report niya habang gumagawa si Ethan ng assignment nito sa tabi niya.
Napansin niya ang grupo ng mga Education students sa kabilang mesa. Kilala niya ang mga iyon lalo na ang magandang babae sa grupo,si Monica. Sikat ito sa school dahil sa angking ganda nito. Half Australian kasi ito. Sexy din ito at biniyayaan ng cup C na hinaharap. Ito ang naging representative ng department nito sa intramurals last year para sa Miss Intrams. Pero balibalitang play girl ito at halos buwanbuwan nagpapalit ng nobyo.
Kanina pa ito pasulyap sulyap sa kinaroroonan nila. Paniguradong si Ethan ang target nito. Sinasadya nitong tumawa ng malakas at nilalandian nito ang boses para mapansin ng katabi niya. At gaya ng ibang babaeng may gusto sa bestfriend niya masama ang tingin nito sa kaniya
" Tapos ka na?" tanong ni Ethan ng mamalayan na tumigil siya sa pagsusulat.
Hinarap niya ito ng nakataas ang kilay.
" Bakit?" tanong nito
" Alam mo bang kanina pa nagpapapansin si Monica sayo sa kabilang table?" tanong niya
" O ngayon?" na aamuse na sabi nito.
" Feeling ka din ha." nairita niyang sagot
" Bat mo pinoproblema yun?" natatawa nang tanong nito
" Lahat ng babae sa school masama ang tingin sakin dahil lagi kitang kasama. If looks could kill matagal na akong bumulagta." litanya niya
" Oh ngayon?" kibit balikat nitong sabi sa kaniya
Hinapas niya ito sa braso dahilan para mapa 'Ouch' ito ng malakas
" shhhhh. Table 4, keep it low' sita ni Rudolph librarian. Nagtinginan din ang ibang estudyante sa loob ng library pati na ang grupo nina Monica
" Masakit yun ha." sabi nito pero tumatawa naman. " Pabayaan mo sila. Hindi ka naman hinaharass di ba?" dugtong pa nito
" So ano? Antayin ko pa na i harass ako ganun?" pilosopa niyang sabi.
Tumawa lang ito habang nagliligpit na ng gamit.
" Iharap mo na kasi girlfriend mo sa kanila para matapos ang usapan." labas sa ilong na sabi niya
' Pag yan naglabas ng girlfriend wag kang iiyak-iyak!' sa isip niya
" Ayaw." sabi nito sabay tayo. Nanatili siyang nakaupo at nakasunod ang tingin dito. Nagulat siya ng yumuko ito at magpantay ang mga mukha nila.
Biglang sumikip ang paghinga niya o mas tamang sabihin hindi siya humihinga sa mga sandaling iyon. Gahibla ang layo ng mukha nito sa mukha niya at diretsong nakatitig sa mata niya ang binata.
" Saka wala akong girlfriend. You' re my only girl friend.' dugtong pa nito sabay pitik sa ilong niya at umalis na
Naiwan siyang tulala at tigagal sa mesa nila. Ano daw? wala siyang girl friend at ajo lang ang girl friend niya?
' Jusko lerd pwede kiligin ng wamport' sabi niya sa isip.
Ilang minuto din ang lumipas bago bumalik sa normal ang t***k ng puso niya. Nilingon niya ang mesa nina Monica at kitang kita niya ang hindi maipintang hitsura nito. Nanlilisik ang mata nito sa selos at parang bubuga ng apoy ano mang oras.
' Ano ka ngayon?Cup C ka nga pero maganda ako. Magandang maganda ako!' pagmamayabang niya sa isip.
Kinahapunan maagang natapos ang klase nila ni Sam. Sabay-sabay silang tatlo naglalakad papunta sa gate
" Oi kayo muna magkasama umuwe ngayon ha may date kami ni mylabs eh." sabi ni Aria habang nagpopolbo ng ilong
" Taraaay, mag motel kayo teh?" walang prenong sabi ni Justine
" Che! Pero baka mamaya pagkatapos manood ng sine!" malanding sagot naman ni Aria at nag high five pa ang dalawa.
" Sana all nadidiligan! Ahhhhh!" tili pa ni Justine
Tumatawa lang siya sa mga jokes ng kaibigan niya. Open si Aria sa nangyayari sa relasyon nito kay Albert. Aminado siyang nadismaya siya nung una ng malaman na binigay nito ang p********e sa nobyo pero sinupportahan na lang niya ito dahil nakita naman niya na responsable si Aria sa mga pinagagawa nito. Lagi nilantong pina alalahanan ni Justine na wag muna magpa buntis para makapagtapos ito ng pag-aaral.
" Ingat ka ha! Basta alam mo na" paalala pa niya
" Opo Nay!" birong sabi nito.
Pagdating nila sa gate agad sinalubong si Aria ni Albert. Nag Hi lang sila at tumalilis na ng alis ang dalawa. Naiwan sila ni Justine sa may gate atnagsinulang maglakad papunta sa sakayan. Naka abistre ang kamay niya sa braso ni Justine.
" Ano ba yan bakla para tayong mag on!" reklamo nito
" Hindi tayo mapagkakamalang mag jowa kasi mas malakas kumendeng ang bewang mo kaysa sa akin pag naglalakad!" natatawang sabi niya.
" Sabagay, tsunami walk kaya etech!" sabi pa nito at kumendeng pa ng kumendeng ang bakla.
Nagtatawanan sila ng may biglang humintong sasakyan sa harap nila at bumusina.
Kilala niya ang sasakyan na iyon, BMW na itim. Bumaba ang bintana sa passenger seat at nakangiting nagsalita ang driver.
" Sakay na hatid ko na kayo." Sabi ni Ethan
" Hi bebeh Ethan, sure ka?Hindi kami tatanggi." sabi ni Justine at agad na sumakay sa backseat. sumakay na rin siya sa front seat katabi ni Ethan.
" Bat kayo lang,san si Aria?" tanong nito habang nagmamaneho.
" Magmomotel yun kasama ang jowa!" walang pigil na sabi ni Justine
Natawa si Ethan sa sinabi nito. " Bat ikaw wala kang date ngayon?" tanong nito
" Pass muna, busy pa ako ngayon. Pero kung ikaw ang mag yaya ayus lang!" pa cute na sabi nito.
Tawang- tawa si Ethan sa sinabi ni Justine. " Baliw ka talaga Justine. May cute akong classmate, ireto kita." sabi nito
" Bugaw na yun pag si Justine" sabad ni Sam habang tumatawa
" Mahadera kang bakla ka ha!" saway ni Justine
Tawanan lang sila sa loob ng sasakyan. Una nilang hinatid si Justine. Pagkababa nito nag beep ang cp niya. Si justine ang nag text
' Sunggaban mo na yan gurl kundi aagawin ko yan!' text nito
Natawa siya sa text nito. Baliw talaga ang kaibigan niya.
" Nasa inyo ba si Papu?' tanong ni Ethan.
" Oo, nasa shop lang niya yun. Bakit?'
" Patitingnan ko tong sasakyan, mukhang may problema eh.' sagot nito.
Pagdating nila sa bahay niya agad nakita sila ng abuela.
" Nana, andito napo ako." sabi niya at nagmano. Kasunod niya si Ethan na nagmano rin sa lola niya
" Magandang hapon po Nana." magiliw na sabi pa nito
" Buti napasyal ka apo?" sabi nito kay Ethan. Apo na rin ang tawag nito kay Ethan.
" Oo nga po, si Papu po?" hanap nito sa lolo niya
" Andito ako." sagot ng lolo niya
Lumapit siya dito at nagmano na rin, ganun din ang ginawa ni Ethan
" Magandang hapon po Papu, patitingnan ko sana yung sasakyan kasi mukhang may problema kasi." sabi agad nito.
" Ay,oo sige walang problema halika dalhin mo dito sa shop." sabi naman ng lolo niya at lumabas na ang dalawa.
Naghanda ng miryenda ang lola niya at dinala naman niya sa dalawang lalaki. pagpasok niya sa shop naabutan niyang masinsinang nag uusap ang dalawa. Natahimik ang mga ito ng makitang paparating siya. Gusto niya sana manatili doon at makinig pero tinawag siya ng abuela niya at magpatulong sa paghahanda ng hapunan.
Habang nag hahanda ng hapunan nag usap sila ng matanda.
" Pagakabaitbait na bata nitong si Ethan noh Luna?" sabi pa nito
" Pano nyo naman nasabi yun Na?" tanong niya
" Ae dumarami ang customer ng lolo mo nagpapaayus ng sasakyan o motor. Ang sabi tinuro daw sila dito ng batang yan."
" Ganun po ba Nana? Wala namna pong nabanggit si Ethan sa akin."
" Yan ba ay nanliligaw sayo?" out of the blue ay tanong nito.
Natigilan siya saka tumawa. " Nana naman,tinanong nyo na ako jan nung unang punta ni Ethan dito." sabi niya
" Ay matagal na panahon na yun. Dalawang taon na din kung hindi ako nagkakamali. Magkaibigan lang talaga kayo?" usisa pa nito
" Nana, ngayon ko lang po napansin mas bagay sa inyo sa showbiz kasi nakikichismiz na kayo." pag iiba niya ng usapan.
" Ang sa akin lang naman anak, ayaw kitang masaktan. Mabuti nang klaro ang usapan di yung umaasa ka." walang anu-anong sabi nito
Nagulat siya at napatitig sa abuela. Tumango lang ito na parang naiintindihan ang titig niya.
" Alam ko, bulag lang ang hindi makakapansin at makakakita." sabi nito at ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya " Basta lagi mo lang tatandaan laging kakambal ng pagmamahal ang sakit, kaya dapat matibay ang loob mo sa anumang mangyayari."
Niyakap niya ang abuela dahil para siyang maluluha sa sinabi nito. All along alam pala nito ang nararamdaman niya kay Ethan. Nasa ganun silang posisyon ng pumasok ang dalawang lalaki
" Bat nagdadrama kayo jan luto naba ang hapunan? May bisita tayong gutom." saway ng lolo niya.
Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan kahit simple lang ito. Masarap magluto ang lola niya ng pinakbet kaya maganang kumain ang bisita nila. Pagkatapos mag hapunan ay nag pa alam na ito na uuwi na. Nagpasalamat ito sa mga matatanda at hinatid niya sa labas ng kanilang bahay
" Ang sarap talaga ng luto ni Nana." sabi pa nito sabay himas sa tiyan
" Sus, nambola ka pa. Sana sinabi mo gusto mong maghapunan dito para nasabihan ko sila at nakapag luto ng masarapsarap na ulam." sabi naman niya
" Masarap naman talaga luto ni Nana ah, saka mag-isa lang ako kakain sa bahay. May business trip si mommy." malungkot na sabi nito
Nalungkot naman siya sa sinabi nito " Ganito na lang pag may business trip si Tita sa amin ka nalang kumain para di ka malungkot." suggestion niya " Basta magsabi ka ahead of time para maka prepare kami."
" Sige ha, gusto ko yan!" nakangiting sabi nito. " Pasok kana sa loob." taboy nito sa kaniya
" Ok lang, ang lapit lapit lng nmn ng bahay namin. Umalis ka na nga baka gustuhin mo pang mag agahan dito." pabiro niyang sabi
" Pwede ba?" biro nito
" Aba,umaabuso ka Montelebano!" natatawang sabi niya
" Alis na ako Sam,goodnight." pagkasabi niyon ay hinalikan siya nito sa pisngi at dirediretsong sumakay sa kotse nito.
Naiwan siyang nakatigagal sa kinatatayuan. Ilang minuto nang nakaalis si Ethan pero tulala pa rin siya sa kinatatayuan niya.
' Hoiii ano yun bat may pa goodnight kissss!' kinikilig na sambit niya sa utak
' Shutang gwaping yun naka isa ah!' sa isip niya habang nakangiting naglalakad pabalik sa loob ng bahay nila.
Mayamaya tumunog ang message alert tonw ng CP niya. Si Ethan ang nagtext
' Goodnight, Sam. See you tomorrow ( smiley face)'
Kinilig siya sa text nito pero nag decide siyang wag nang replyan. Pabebe pa ikanga ni Justine... Nakatulog siya ng may ngiti sa mga labi....