III

840 Words
The café's interior was spacious. Siguro kakasiya ang nasa isandaang tao. Ang mga lamesa'y watak-watak at tila hindi maintindihan kung ano ba ang pagkakaayos. Hindi na rin maaninag ang tunay na kulay ng mga mesa. May mga kaunting bakas pa ng kulay asul ang mga ito subalit tila niluma na ito ng panahon at nang paulit-ulit na pagkuskos dito ng basahan. Ang mga upuan nama'y mga gawa pa sa kahoy at tulad ng mga mesa'y halos wala na rin ang kulay nito. May mga matatanaw pa na ibang silya na nasa tabi lamang ng dingding dahil mga sira na ito. Ang counter kung saan naroroon ang menu ng café ay may mga display ng iba't-ibang disenyo ng mga tasa. Sa gilid nito'y isang malaking istanteng gawa sa salamin, may mga nakadisplay na limang cake pero patay ang bombilya sa loob. Sa loob naman ng counter ay isang coffee machine na hindi maikakaila ang kalumaan. May isang pinto sa tabi nito at mahihinuha na patungong kusina ito. Napansin naman ni Faith na may mangilan-ngilang ilaw sa kisame ang hindi nakabukas kaya naman medyo madilim ang loob. Sa paglilibot ng tingin ng dalaga ay nakita niya ang nagkalat na mga electric fan na tila nasa loob ng isang pampublikong classroom ang sinumang papasok. Sa malayong sulok ng café ay may dalawang matanda na nakaupo sa pandalawahang mesa. May hinihigop ang mga ito sa kani-kaniyang tasa habang tahimik na naglalaro ng chess. "Faith?" untag ni Maia sa kaniya. "Ito ba talaga ang café ng tita mo?" bulong nito. Marahang tumango ang dalaga. "I think so. Karma Café naman ang nasa menu." Itinuro niya ang menu board sa counter. "Bakit walang tao? I mean, wala bang staff?" "I don't know," sagot ng dalaga. "Teka nga," ani Maya at naglakad palapit sa counter. May nakita itong bell at pinindot ito. Walang lumabas na staff kaya inulit pa nito ang pagpindot. Bumukas ang pinto sa entrance at kapwa napalingon ang dalawang dalaga roon. Isang binatilyong lalaki ang pumasok, nakasuot ng itim na polo shirt at shorts, indikasyong ito ang staff na hinahanap nila. Dali-dali itong lumapit sa kanila at dumiretso sa loob ng counter. "Good morning, ma'am," bati nito sa kanila. "Ano po'ng order nila?" "Uhh," nawalan ng masasabi si Maia. Tumingin ito kay Faith na tila nagpapasaklolo. Lumapit naman ang dalaga dito at tumabi sa harap ng counter. Sumulyap siya sa menu sa harap at sinubukang pumili ng pagkain. "Ma'am try niyo po yung tapsilog namin, the best po 'yon for breakfast kung breakfast po hanap niyo. Sabayan niyo na rin po ng coffee espresso na gawa po sa finest coffee beans from Italy," suhestiyon ng barista. "Uhm, sige, we'll try that," ani Faith. "Sige po ma'am. Wala na po ba'ng iba?" "Maia?" baling niya sa kaibigan. "I'd like to try a slice of a cake, what would you recommend?" She asked the boy. "Actually, ma'am, the best po i-pair ang espresso sa pistachio muffin pero po sa ngayon wala na po iyon sa menu. Ang aking mairerekomenda po ay biscotti, isang Italian almond biscuit po ma'am." Tumango-ango si Maia, "okay, sige. 'Yan na lang." "Two cups of espresso, two tapsilog, and one order of Biscotti," pag-uulit nito sa orders nila. "'Yan lang po ma'am?" "Yes, that's all." "Sige po, pakihintay na lang po ma'am ng order niyo." Naghanap silang dalawa ng lamesang mauukopa at naupo. "You know, may potential 'tong café ng tita mo. Kaya lang ay outdated na. Hindi na nakakasabay sa mga bagong bukas na cafés and restaurants." "I know. I wonder kung bakit napabayaan ito ni Tita Rita." "You should talk with the manager. Alamin mo ang status ng business." "I think it's too early for that. Hindi pa nakakabababang-luksa kay Tita." "Fay, you have to act now. If you don't you can lose this shop. I don't think Tita Rita would like that." Matamang nag-isip ang dalaga, "you're right. Pero wala akong alam sa business." "Me, too, Fay. Pero I'm willing to help you in any manner I can. Besides, you still have the manager. I'm sure, tutulungan ka niya." "You're right. Thank you, Maia for being here with me," sinserong wika ng dalaga. "I'm your best friend," she smilingly answered. "Ma'am, 'eto na po 'yung order niyo," magalang na singit ng bartender na kausap nila kanina. Isa-isang nilapag nito ang mga pagkain sa mesa. "Thank you," wika ni Maia rito. "Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ako." "Actually, pwede ba namin makausap ang manager?" tanong ni Maia. "Po?" Halatang nagulat ito pero agad nakabawi, "sige po, sandali lang." Mabilis itong umalis bitbit ang serving tray at pumasok sa pinto na patungong kusina. Nagsimulang kumain ang dalawang dalaga at hindi maikakaila na nasarapan ang mga ito sa pagkain at kape. Maya-maya lamang ay muling lumabas ang binatilyo at lumapit sa kanila. "Andiyan na 'yung manager?" tanong ni Maia. "Ako po 'yung manager, ma'am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" pormal na tanong nito. "I'm Kenneth, ang kasalukuyang namamahala po rito. May problema po kayo sa café?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD