Sabay Tayong Maglalakbay ( Episode 1 )
Sa malaking bahay nila Mr. Guzman ***********
Ang bilis ng takbo nyang humahagulgul, hawak ang kamay sa mukha, habang umiiyak patakbong palabas ng gate. Hindi naman ito naka lock at wala ang katiwalang si Mang Leo.
“ Ayoko na, lalayas na ako!” sambit ni Troy, habang tumatakbong hindi mawari ang direksyon. Narating nya ang pangalawang kanto sa di kalayuan. Habang palingon-lingon sa kanyang likuran, nadaanan nya ang mga kabahayang dikit-dikit. Maiingay, may mga batang naglalarong pakalat-kalat sa labas, ang iba’y wala pang chinelas at nakahubad pa. Tila di nila pansin ang init ng araw sa labas. May mga nagkakantahan sa tapat ng isang karinderya, at isa ang pumansin sa kanya.
“ Hoy bata, bata… san ka galing? Bakit nakatingin ka dito?” sabi ng limang taong gulang na si Samantha, habang nakapamewang. Naka-ponytail ang kanyang buhok at nakasuot ng polka dots na blouse, pero halatang di pa din naliligo dahil mukhang bagong gising at may muta pa sa mata.
Alangan man ay lumapit si Troy, bakas ang luha sa mga mata at palingon- lingon sa pinanggalingan. “Pwede bang makiinom? Galing pa ako sa malayo, eh.”
“Pwede,” sagot ng bata.
Maya-maya’y dumating din si Samantha at inabot ang isang baso ng tubig. “Mukha kang sosyal na mayaman, taga san ka bata? Anong pangalan mo? Lumayas ka ba sa inyo? Mayaman ka, ano?” sunod-sunod nitong tanong habang nakatingin lang sa kanya mula ulo hanggang paa. “Umalis na ako samin, taga dun ako.” sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Wala na akong kakampi dun.” Parang natalo sa laban ang batang mukhang naiiyak na naman.
*****
“ Asan na si Troy?” natatarantang wika ni Aling Baleng, palinga-linga sa labas ng gate, kasama si Mang Leo, ang katiwala at guard ng malaking bahay nila Mr. Guzman. “Ewan ko sa batang yun, umihi lang ako” nakalabas na.” “Baka narinig nya ang usapan sa loob. Dadalhin na yan sa poder ng nanay nya, ayaw na ng madrasta nyang magbantay sa kanya.” “Kawawa naman ang bata, walang gustong mag-alaga sa kanya.” wika ng ale, habang tila naluluhang naglalakad kasama si Mang Leo. “Baka naligaw na yun.” “Lagot tayo kay Sir pagdating nya mamayang gabi. Punta tayo dun at baka may nakapansin. Doon tayo sa eskwater area… dun sa banda dun”.
******
“Lagot ka bata. Ano ba’ng pangalan mo? Pag inabot ka ng gabi sa daan, maraming aswang. Lalabas daw yun pag gabi na,” sambit ni Samantha habang nakaupo na sila sa gilid ng daan, sa tabing pathway. “Ayoko nang umuwi. Wala dun ngayon papa ko eh. Tita ko lang nandun. Tinago nila lahat ng toys ko,” tila naluluha muling pinupunasan ang mga mata. “Bobo daw ako,” humihikbi uli at parang nagsusumbong sa tunay na kaibigan
*****
“Hayun yata, o,” habang tinuturo ang kinaruruonan ng mga batang maiingay. “Ayun o, nakaupo kasama ng batang babae, sya ba yung Leo? Yung naka tshirt ng blue at short?”. Oo nga, sya nga, Hay naku Troy… medyo pasigaw ng papalapit sa mga bata, Biglang napa tingin naman si Troy, “ Lagot ako, nakita na ako dito”. Naku Troy, salamat at nakita ka namin, lagot kami kay papa mo, pag wala ka mamayang gabi”mangiyak iyak na Aling Baleng.” Wag ka ng maglalayas anak, naku, baka mapano ka sa labas, bata ka pa”, habang haplos ang buhok ng bata, “ok lang yun, kakampi mo kami.” “Tayu na anak, uwi na tayu”, hawak-hawak ang kamay ng bata,.”oo nga Troy, di mo kaya sarili mo, makinig ka sa matatanda..”parang batang nangangaral si Samantha. “ Sige, uuwi nako, salamat sayo Samantha ha, lagi akong mamamasyal dito sa inyo ha?”. “Basta friends lang tayu…” at nag appear ng mga kamay ang mga bata.
*******
Makalipas ang ilang taon…sa bakuran nila Samantha
Ok class, pass the papers.. I will count 1 to 10 and we will check you work after.. sabi ni Samantha, parang isang totoong guro na talaga ito kung umasta sa mga classmates, pinagbantay lang naman si
Ms. Gonzales dahil pumunta sandali sa palikuran. “ Bilis naming tumalima ang mga classmates, “ Hay naku, siguradong zero ako nito, ang bilis kasing magbilang ni Madam Samantha” wika ni Ellaine, isang kababata nila sa lugar, “ako perfect” pagmamalaki naman ni Lea. Ok po makinig ang lahat Icheck na natin ang mga papers nyo, at pinamigay din sa mga kasama, “ O hayan na si teacher”, wika ni Samantha, tuwang-tuwa sa parating na teacher nila. “ Tapos napo mga activity namin teacher” wika ni Samantha sa kanilang barangay volunteer teacher pag weekend. Nasa tabing bakuran lang sila nila Samantha sa Ilalim ng Puno ng Acacia, may school set up lang na isang white board, kanya-kanyang dala ng upuan, project ng Christian non government organization ito, pag weekend, nag bibigay ng libreng academic na pag- aral sa mga bata, at itong araw na ito ay Math subject sila, sa mga Grade 5 students ng Barangay Gulod ng Quezon City. “ Salamat Samantha, buti nalang nandyan ka, “ Gusto mo bang maging teacher din Samantha?” Pwede kang pumasok ng scholarship sa University pag college mo?” paliwanag ni Ms.Gonzales, lungkot sa mga mata ng bata, parang gusto ng maluha, dahil gusto nya nga itong makatapos, pero naalala nya ang sinabi ng mama nya, “ anak galingan mong mag-aral sa high school, kasi baka di ka na namin kaya pang pag-aralin ng college”, “pwede ka namang mamasukan sa tita Gloria mo sa grocery nya, maganda dun, may suweldo ka, pero hihinto ka muna, at kung gusto mo, mag-ipon ka paunti-unti” paliwanag ng ina ni Samantha. “ Opo nay, pag kagraduate ko, pupunta na po ako dun kila tita. “ parang may panghihinayang na sagot ng bata, “pero wag mong kalilimutang mag padala ng konti sa bahay anak ha, pagbibilin ng ina, “ alam mo naman marami tayu sa bahay, ikaw ang panganay” isipin mo mga kapatid mo, maliliit pa” kahit kalahati lang ba, pag kumbinsi ng ina.
****** Sunday Schooling
“Samantha itabi mo ito oh”, may inabot na puting sobre at inipit agad sa palad ni Samantha. “ Ano po ito teacher” tanong ng bata, “konting tulong lang yan galing sa church alam naming kailangan mo yan, pati ng pamilya mo”, habang inaayos na ang mga gamit nila pauwi, “galing sa donation yan, sa mga kasamahan sa church, parang sa mga sponsor ba” paliwanag ni Ms. Gonzales. “ Matutuwa ang nanay ko po.’ Ms. Gonzales,” tamang-tama po , wala na kaming bigas,” habang binubuksan ang sobre, may mga tag 100, at ilang tag 500 pesos at sa tantya nya ay nasa 2,000.00 pesos din yun. Biglang nag ningning ang mga mata ng bata, “ at biglang may naalala, “ teacher, pwede po bang sasabay po ako sa labasan, bibili lang po ako ng ilang kailangan sa bahay po?” wika ni Samantha, sa edad nyang iyon ay matured na itong mag-isip, dahil na din sa hirap ng buhay ay nasanay ng mag isip ng diskarte sa buhay. “ Ok lang Samantha, basta ba sa maayos mo gagamitin yang binigay ko ha, dahil igagawan ko din ng report yan sa office,” Sige po, salamat po uli teacher”.
******* sa loob ng grocery
Ilang noodles, pansit canton, biscuit, sabon, shampoo, gatas ng mga kapatid,corned beef, beef loaf, sardinas at may nakita syang isang supot ng chokolates, “ Matutuwa ang mga kapatid ko nito, ilang buwan na yata kaming hindi nakakatikim ng chocolates,” sa isip ng bata. At bumili din ng 5 kilong bigas, isang linggo na din ang aabutin nito. At may natira pang 800.00 bale nasa 1,000 din pala ang napamili ko, bibili ako ng isang kilong manok at mantika, mag luluto ako ng fried chicken, noong pasko pa kami huling kumain ng talagang masarap na fried chicken, yung talagang tag isang hiwa man, pero medyo malalaki.” Nagmamadali ang batang umuwi ng bahay.
******** sa bahay nila Samantha
“ Wow ang dami nyan ate,… nagtakbuhan ang mga bata sa ate nila,.. tumulong agad sa pagbuhat ng pinamili, “ wow may mga chocolates ate, mamaya hatiin natin yan ha? Ako ang taga bilang ha, para walang lugi,”wika ni Botchok na bunso nila. “ Ate, magluluto ka pa ng fried chicken” meron bang may birthday?” parang pagtatakang pagtatanong ng pangalawang kapatid ni Samantha, si Ellen, habang inaayos ang pinamili, at sinasalin ang bigas sa timba ng lumang lagayan ng biskuit. “ Hindi, may nagbigay lang ng pambili sa donation daw sabi ni teacher Gonzales kanina. “ Kaya masarap ang lulutuin natin ngayon”, at walang hatian sa manok, dahil lahat tayu ay tag iisa ng manok”, pagmamalaki ni Samantha, habang ipinapakita ang mga hiwa ng manok, biglang naalala ni Samantha ang natira nyang pera, kailangan nya na itong itabi, baka maabutan pa ng ama nyang lasingero, at bigla nya itong maiabot pag humingi, kc lagi silang sinasaktan nito pag walang maiabot, pero, siguro pag sinabi kong binili ko na ng kailangan sa bahay, wala na syang magagawa, nasa isip ni Samantha.
********* Sa Bahay ni Samantha
“ Samantha, tumulong nga kayu”… pagtatawag ng ni Aling Perla sa labas ng pintuan… Aba, san galing yang mga pinamili mo anak? Ang dami ha… habang nakamasid sa mga supot na nasa ibabaw ng lamisahan, Bigay po ni teacher, galing daw sa donation nila sa church, “ kaya pinamili ko na ng kailangan. dito sa bahay natin nay”, pagbibida ni Samantha, may bigas pa tayu at fried chicken ngayon”, masarap ang ulam natin ngayon nay” “nakaluto na po ako”. Let’s eat everybody…. Pagtatawag sa mga kapatid.
Mabilis namang nag upuan ang mga bata sa lamesang luma. “ Wow makakatikim na din ako ng fried chicken sa wakas nanay.” Gagayahin ko ang pag kagat ng katulad sa palabas sa TV nila Aling Azon, yung patalastas ba ng ano bay yun? Sa Jollibee sagot naman ni Samantha, Ay oo nga ate, biglang tuwang pagbibida bi Botchok, yung ano ba yung sabi, kagat sagad hanggang buto, lumalasap, tama ba yun?
Bilisan mo ate, nagugutom na kami,… at kumain nga sila ng parang akala mo’y may fiesta na sa hapagkainan, bawa’t kagat ay ninanamnam lahat, si Botchok na tinatanggal muna ang balat ng manok, at bawat kagat ay ramdam ang malutong sa bawat kagat nito, ngunit si Aling Perla ay parang nakikiramdam lang, parang may hinihintay na iba pang detalye sa anak.
“Nay, sabi po ni teacher, pwede daw akong mag file ng scholarship sa isang university pag nag college ako, kaya pwede na din po akong mag-aral,” pagpapaliwanag ni Samantha, habang inaayos sa cabinet ang mga pinamili, pwede po akong mag trabaho kila tita sa grocery habang nag-aaral sa gabi po,”Anak kaya mo ba, lalo na yang katawan mo, napakahina, di ba minsan nga eh, nahihilo ka pa nga.. ang payat payat mo Samantha, may ilalaban ka ba sa pagpupuyat at pagod?” tanong ng ina. “Kayang-kaya po Nay, di ba pag kumakain ako ng mga dahon dahon gaya ng dahon ng malunggay, at talbos ng kamote ay ok nako?” Pagkokombinse ni Samantha sa ina.
********
“Perla asan, kaba?” Pasura’y suray na parating na Mang Kanor, parating na papasok ng bahay, “ Ano ang ulam”? habang biglang napaupo sa tabing lamesan.” “Aba masarap ang ulam,” sino nagluto?” ipagsandok mo nga ako ng kanin Perla? “ May donation na galing sa church na teacher nila Samantha, kaya napalibre tayu ng ulam at ilang supply. Kaya magpasalamat ka sa anak mo,at kahit bata pa eh natututo ng dumiskarte sa buhay.” Kesa sayo, minsan wala na ngang maiabot eh, lagi pang lasing. “ Hoy Perla, pinangangaralan mo ba ako?” ano porke, lagi kang may labada dyan sa tabi-tabi eh, akala mo ikaw lang ang mas magaling?” “Samantha, halika nga,.”pasigaw na wika ng ama,. “ Bakit po Tay?” San galling ang mga pinamili mo? Habang tinitingnan ang mga supply sa cabinet. “ Sa church daw po nila teacher po, tulong daw satin,”pagpapaliwang ni Samantha, na halalatang natatakot sumagot sa ama. “ Sa akin, wala? Puro delata, noodles, itlog lang? “ Wala pong pang alak Tay,”. “ Aba sa sususunod baka pwede namang mag request sa teacher mong pang vitamins ko nak, ha? Sabihin mo sa kanya…” pwede ba yun?” Kumindat nalang si Aling Perla kay Samantha, na sang ayunan na lamang ang ama, para hindi na humaba pa ang usapan ng mag-ama. “ Sige po, sa susunod po Tay, irerequest ko po.” Sige ako na bahala dito, Perla asan ka naba? Ang tagal naman nyan… ang bagal mong kumilos”..parang- inip na inip na Mang Kanor.
********** Sa kwarto nila Samantha
Nakatayu si Samantha sa harap ng salamin sa tabing bintana nila, sa loob ng kwarto nilang magkakapatid. Minamasdan niya ang sarili sa salamin, at medyo inayos ang kulay itim at bagsak na buhok na hanggang balikat, medyo morena ito, na pantay- pantay na mapuputing ngipin, at isang pansinin dito ang beloy o chincliff nya sa baba at magkabilang dimple sa mga pisngi, kaya lagi syang nabubuyu sa kanila ng mga ibang kaibigan, mukhang mayaman, pero pobre naman. May natural na curly ang mga pilik mata, pantay na medyo manipis nakilay, brown eyes, kahit walang polbo basta suklay lang ayos na. Medyo mapusyaw ang pagka morena, kaya sabi ng nanay nya, anemic daw sya, kaya laging nahihilo. At bigla nyang naalala may kausap pala sya sa kanto nila bukas, ang kaibigan nyang si Troy, may pinapawaga palang assignment sa kanya, sayang din yun, minsan 150.00 o kung minsan 100.00 ang binibigay sa kanya, basta sagutan nya lang ang mga assignments na di nya kaya. “ Sige, tatapusin ko na nga pala yun, sandali lang naman yun, basic lang sakin yun. Medyo may konting kilig sa kanyang katawan, parang excited sya basta para kay Troy. “ Naalala nya din ang mga classmates nya sa school nila, pag tinuruan nya ng lesson pag break time, may nagbibigay ng sandwich, supplies nya, minsan may tag 20.00 pesos, kaya pag umuwi sya, minsan may 60.00 pesos na sya, pandagdag ulam na din sa bahay, kaya titipirin nya na lahat ng allowance na yun, kc wala ding pambaon mga kapatid nya sa school ng kinabukasan uli. Kailangan nyang dumiskarte, pero iba ang binibigay din na allowance sa library nila pag nagbantay sya tuwing MWF, 150.00 agad yun pag Friday, para sa tatlong araw nyang pagtulong, dito nya kinkuha ang pambili nya ng Pherous Sulfate na bilin ng Nanay nya. Dahil pag nakalimutan nya ito, isang beses, bukas nahihilo na sya.
***** Kinaumagahan
Excited syang bumangon, at sinilip nya muna ang kanyang ipon, lahat ay may total na ng 2,250.00 na, kukuha muna sya ng 50.00 dito tag 20.00 pesos ang mga kapatid, sya di baleng 10.00 lang, makakadiskarte pa sya sa school, pambayad nya lang sa tricycle ang 5.00 pesos, pag sa likod sya sumasakay, minsan libre pa, pero, umaasa syang sana isabay nalang sya ni Troy sa kotse nya, pag hinatid na ito sa school at dadaanan ang assignments nya, isinasabay na sya palabas.
******* sa kanto nila Samantha
Palingalinga na parang may hinihintay…. Maya-maya pa ay may paparating nang kotse Honda Civic na 2019 model,kulay asul, as usual si Mang Leo ang driver, huminto bahagya sa tapat nya,iaabot ni Samantha ang ilang piraso ng intermediate pad, at bibigyan sya ng driver bilang kapalit,…. Pero bumukas muna ang pintuan sa likod ng driver, at si Troy, ang ngiti sa kanya,,. “ Samantha good morning, sabay ka na, halika dito…” Mabilis naman si Samantha, medyo naaalangan si Samantha, ang bango ni Troy, mukhang bagong paligo, ang bango ng cologne nya, mukhang mamahalin, pero kompiyansa sya sa sarili nya, dahil naligo din naman sya, kaya lang wala pala syang cologne, at yun ang tumatak sa isip nya, reminder nya sa isip, “bibili din ako ng cologne kahit mura lang”. Konting ngiti lang ang sambit nya kay Troy, para hindi halatang medyo may kilig sya. At inabot na ni Samantha ang mga papel, mga assignments na tinapos nya kagabi, “ O hayan ah, pati breakdown at solution kompleto yan,” Pagpapaliwanag nya kay Troy, kopyahin mo na agad yan sa school nyo, pag naka break kayu, para hindi halatang kinopya mo, wag kalimutang pag –aralan yan, baka tanungin ka, hindi mo alam ipaliwanag.” Medyo malumanay na paliwanag kay Troy, di sya masyadong makatingin ng diretso kay Troy, ewan nya ba, parang asiwa syang tumitig sa binatilyo, “ Eh bata pa naman ako, sa isip ng dalagita”. Bakit ba, friends lang naman kami. “ Yes po madam”, tila pang aasar ni Troy sa dalagita. At dumukot ito sa bulsa nya, 2 tag 100.00 ang inabot dito, “ Bat ang dami, tama na itong isa… habang binabalik ang isang 100 pesos. Hindi hayaan mo na Samantha, ipon nya naman yan sa allowance nya. Habang nakatingin ang driver sa center mirror, pasabat na sagot ni Mang Leo. “ Hindi ka naman iba sa amin, matagal nang nang-aabala yang si Troy sayo, lagi ka nyang binabanggit sa amin ni Inang Baleng mo,” pagbibida ni Mang Leo, Biglang namula si Troy at biglang umiwas ng tingin kay Samantha, maya-maya ay umirap at parang sumenyas ito sa driver, “ Ay baka makalimutan ko, may pinabibigay pala si nanang Baleng mo, nag SM sila nila madam nung isang araw eto oh, naka bag pa ng SM, bagay sayo yan…..para pag namasyal ka eh may pang porma ka naman, medyo nagdadalaga ka na Samantha, maganda ka din naman basta, may pang porma lang, at matalino pa di ba Troy?” Oo nga,…. “Siguro may mga nag crush na sayo no.. hahaha”. Pasimple ka lang kasi eh.. medyo nakakaasar na wika ni Troy…” “ Wala ah….puro aral lang ako, wala pa sa isip ko yun..” biglang sagot nya, na medyo nag mukhang rosy chicks din sya….” Pero sa isip nya, aba , nagandahan din pala si Troy sakin, sana totoo nga, hindi lang yun biro…. Sa kanyang isip. Medyo ngiti lang ang sagot nya, gaya ng dati, pasimple lang syang sumagot, kahit medyo may kilig na… “ Ay malapit na pala sa kanto ng school namin, sige po Mang Leo, salamat po uli”. “Dyan nalang po sa tabi, medyo maglalakad nalang po ako, baka po kasi may makakita sakin, na nakasakay po ako ng kotse, makarating po kila Inay”, at dahan- dahang bumaba si Samantha sa kotse, “ Bye Samantha, thank you”. Sabay kindat kay Samantha, at medyo nanlaki ang mata ng dalagita, dahil first time nyang nakitang kumindat sa kanya si Troy, Ano kaya ang ibig sabihin nun”? sa isip ng dalagita crush kaya ako nun. “ Wag na nga Samantha, isip ka ng isip, binibiro ka lang nun” pinaglalabanan ng isip nya.
******
Sa School ni Samantha
“Good morning Ms. Dela Cruz,” bati ni Samantha sa kanyang advicer, Good morning din sayo, Samantha, dumiretso ka sakin mamaya sa faculty office, may ibibigay akong documents na papipirmahan sa parents mo, regarding sa scholarship sa high school, mukhang qualify ka sa average mo, excited na balita ni Ms. Dela Cruz, “ talaga po”, “mukhang pwede ka sa exclusive private school na malapit sa Quezon Avenue.,. Dun yata sa Quezon City Science High School. Piling-pili lang ang mga batang mapupunta dun, baka 2 lang kayu ni Lea, sabi ni teacher, habang hawak ang kamay ng bata dahil sa excitement nito. Kayu ang nakalusot sa entrance exam nyo last August, naalala mo? “ Salamat po Ms. Dela Cruz, matutuwa po nanay ko, “ bigla nyang naalala, malayo yata ang Quezon Ave., di bale magagawan din ng paraan, malayo pa naman eh.
******* Sa bahay nila Samantha
“ Nay, sabi ni Ms.Dela Cruz, maganda daw dun, exclusive school daw po yun, at siguradong full scholar po ako, wala tayung gagastusin at may allowance pa daw nay, basta laging mataas ang grades,.” Pagbibida ni Samantha sa ina habang abala naman nanay nya sa pagtutupi ng damit na nilabada nya.
Nakangiti naman ang nanay nya, na parang tuwang-tuwa sa sinasabi ng dalagita nya, wag mong pababayaan ang sarili mo anak, ang vitamins mo? Umiinom ka aba? Opo, at katulad ngayon sinabawang isda ang ulam, nilagyan ko ng dahoon ng malunggay, para masustansya.
***** Makalipas ang ilang taon
“ Nay Baleng, paki dagdag mo nalang sa savings ko po ito” Malapit na po ako mag college, pag aaralin pa ba ako ni Papa?” medyo malungkot na mukhang nag aalangang si Troy. “ Troy, wag kang mag alala, nandito kami ni Tatang Leo mo, ang laki na din ng ipon mo,” nasabi ko ba sayo, na ibinili naming ng bangkang di motor ang mga savings mo? Habang hawak ang sandok na nagluluto ng ulam. “Malakas ng kumita ngayon nak, sana sa bakasyon, makauwi tayu, ipag papaalam kita kila sir at madam, para makita mo ang mga negosyong pinasok namin ni Tatang Leo mo.” Pag kumikita na lahat yun nak, pwede ka ng mag- open ng account sa bangko, buwan-buwan ay kikita ang bawat bangka ng tag 10,000.00 o higit pa, Malaki din yun sa 4 na Bangka” pagbibida ni Aling Baleng, habang haplos sa kamay ang binata ng si Troy, medyo naluluha si Troy, ramdam nya ang sinsiridad ng tumatayong nanay nya sa buhay,” “Salamat po, pano na kaya ako, pag wala kayu ni Tatang Leo?”, “si Papa, lagi nalang gabi pag dumating, si tita, sa gabi ko lang nakikita, minsan wala pa, dahil laging nasa maga kaibigan nya. Kaya pag may program sa school, ikaw lang lagi ang uma aattend, marami akong lesson ang hindi ko maintindihan, buti nalang…may kaibigan akong si…” at biglang napatingin kay Aling Baleng na parang tinatantya nyang alam din nito ang taong tinutukoy nya “ Hay Troy… si Samantha… pasalamat ka nga sa kanya…mabait at matalino ang batang yun….. crush mo yun di ba? Kaya panay pabili mo ng kung ano-ano para sa kanya, kunwari ka pang galing sakin….hehehe ang mga kabataan talaga ngayon,,, maraming pakulo”habang winawagayway ang kanang kamay… at biglang tumitig kay Troy, “ Aba, binata ka na Troy, bat di mo kaya sya ligawan, close naman kayu diba, malay mo crush ka din nya, maganda naman sya at mabait na bata, sanay sa hirap… at babagay kayu nun… di ka naman maarteng tao eh” simpleng mayaman ka nga di ba?” anak ng isang negosyante”. Biglang namula uli si Troy,” halatang crush nya nga si Samantha, pasimpleng ngiti, pero malaman, .. Ok lang po bang ligawan sya? Pano bang manligaw? Pano po ba kayu niligawan ni Mang Leo?”Nakangiti pero mukhang seryosong tanong ng binata, maging totoo kalang sa kanya. Sabihin mo lang ang totoong nararamdaman mo, at maging seryoso ka sa kanya. Walang lokohan”,sagot agad ni Aleng Baleng habang nakapamewang. Mula sa labas ng bintana sa dirty kitchen, parang biglang nangarap na nakatingin sa malayo si Troy…sa kulay asul at maaliwalas na kulay ng ulap… maya-maya’y biglang parang dumidilim ang paningin nya, at biglang kung anong sumasakit sa ulo nya, parang binibiyak,” at napahawak ito sa kanyang ulo, sa batok, pababa sa mukha na pilit na nilalamukos ang mga mata, dumilim ba talaga ang paligid, at bigla nyang naalala, parang di lang minsan nya itong naramdaman, pangalawa o pang apat na yun, pero nitong huli, parang madalas na magkasunod na, hindi naman daw sa mata, dahil nagpa check up na sya sa optalmologist, ok naman ang lahat.”sa isip ni Troy, “pasok po muna ako sa kwarto ko nay Baleng, mag- aaral pa po ako… sabi nya, pero talagang ramdam nya ang sakit”. “ Sige nak, parang maputla ka, ok ka lang ba?” medyo nag- aalalang si Aling Baleng, “ok lang po, itutulog ko lang po ng konti tapos mag-aaral na po ako.”
***** Sa loob ng Kwarto ni Troy
Namumutla sya, humarap sa salamin sa tabing kama na may drawer, “ aray ko, bat ang sakit ng ulo ko” halos iumpog ang ulo sa salamin, bakit ganito, palagi nalang ganito, oh Lord please help me” pinanatag nya muna ang sarili habang nakapikit … maya maya ay humarap uli sya sa salamin, “ahh, ok nako, thank you Lord,” usal nya sa sarili, at muling nanumbalik ang sigla sa katawan, isang binatang katamtaman ang kapal ng kilay at bibig, may matangos na ilong na parang bumbay, na lalong bumagay sa katamtamang laki ng mga matang maiitim na bilugan, na lalong bumagay sa mabalahibo nyang katawan,. May lahi kasing bumbay ang kanyang ama,.“ Si Samantha, kumusta kaya sya,” usal sa sarili puntahan ko kaya,” biglang nag-isip ng pwedeng idahilan, “ ah wait a minute, may assignment pala ako sa Physchology, yes, ok na ko, pwede nang lumabas….. sabay bihis at lumabas ng kwarto.
****** Sa ilalim ng Acacia malapit kila Samantha
“Wala ka namang sinabing assignment kahapon Troy”, “nakakainis ka naman” parang nakaismid na si Samantha habang nakapalumbabang nakaupo sa upuang kawayan sa ilalim ng acacia, “ Sorry, di kita na inform agad, busy kasi ako kahapon” kayang-kaya mo ito, magaling ka naman please,” habang nakatitig sa mukha ng dalaga si Troy “ bat parang ang sungit mo ngayon?”,” hay naku, kabilugan siguro ng buwan,?patingin nga sa langit”, sabay tingin ni Troy sa itaas na nuo’y may mga bituin nang kumikislap kislap, medyo gabi na nuon, kaya magandang tumingin sa kalangitan. “ Anong oras mo ba kailangan ito bukas?”paismid na tanong ni Samantha. “Bandang 7:30, kahit sa pagpasok mo nalang, isabay na kita sa school mo, as usual po, Ms. Samantha” na parang nang-aasar na sagot ni Troy.Biglang naka alala si Samantha, “Oo nga pala” biglang napa-isip si Samantha, malaking pabor na nakikisakay sya tuwing umaga kay Troy. Kaya biglang bwuelo sa kausap, Sige, na po boss, pasensya na,” Bukas, 7:00 ng umaga, ok na po ito” wika ni Samantha, na parang sandali lang talaga sa kanya ang lahat,wala syang magagawa, “diskarte uli, sayang ang 300.00 to 350.00 na binibigay ni Troy”, pambaon at pang gastos din sa bahay yun. “ Sige kita tayu bukas sa labasan uli” uwi nako, gabi na, mag- aayos pako ng kaiangan bukas” biglang nagmamadaling si Samantha”, “ Ay may pinabibigay si Nanay Baleng, “ pagpasensyahan mo na daw itong grocery, medyo napa sobra yata ng supply sa bahay eh, sayang kesa abutan ng expiration, eto tingnan mo”, sabi ni Troy na excited din sabay hawak sa kamay ni Samantha para iabot ang naka plastic na grocery, “ Biglang nahiya si Samantha sa inasal kanina, “ok lang, wag na… sa susunod nalang,” baka masyadong nakaka-abala na sa inyo, marami na kayung naitulong Troy”, sagot ni Samantha. Gustong ibalik ni Samantha ang inabot ng binata. “ Pero mas mabilis ang kilos ng binata, inagad nyang kinuha ang mga kamay ni Samantha at dalawang palad ang hawak nyang hawak uli ang nakasupot, “ Samantha kailangan nyo ito, please, sayang kung itatapon, maraming batang nagugutom ngayon”sambit ni Troy, tinitigan nya ang mga mata ng dalaga, na parang nangungusap din ito sa kanya. “Ok, Thank you Troy, marami ngang ibang taong nagugutom ngayon, sayang din ito.” Salamat uli, paki sabi kay Nanang Baleng, bye Troy, good night”sagot agad ni Samantha sabay iwas ng tingin sa binata. Ewan nya ba sa sarili, bat di nya kayang tumitig ng matagal sa binata, para syang naaasiwa o naiilang sa binata.
******* Sa bahay nila Samantha
“ Nay payagan mo na ako please, ngayon lang naman ako mamasyal ng medyo malayo, mag- iingat naman po ako at kasama po namin si Nanang Baleng, at Tatang Leo, may mga pinsan din po sya, marami po kami dun sa resort daw po nila, kahit overnight lang po please..” nag mamakaawang si Samantha, habang hawak ang kamay ng ina. Hindi kumikibo ang ina, alam nya kaya ng anak nya, ang iniisip nya ay ang kalagayan ng kanyang dalaga, baka dun abutan pag sinumpong ng sakit nya. Sabagay, matagal ng hindi ito sinusumpong ng hingal na parang nanghihina si Samantha, kesa lalong hindi nasusubukan ang mag enjoy ito. Maya-maya ay tinawag na din ang dalaga, sige Samantha, halika nga anak, “ papayagan kita , sa isang kondisyon, lahat ng vitamins at dapat na pag-iingat anak ha, ngayon ka lang lalabas ng wala kaming titingin sayo.” Bilin ng ina, sabay yakap sa dalaga, “ sige matulog ka na ng maaga, ang gamit mo ayusin mo na, Dadaanan kaba nila bukas?”,tanong ni Aling Perla, “Opo nay… salamat po…. Yes, sa wakas.. makakapa masyal din ako”, sambit ni Samantha na halos pumalakpak pa. At dali-daling nag- ayos ng gamit, inu orasan nya ang sarili, hindi sya dapat lumampas ng 10:00pm, dahil siguradong mahina sya ng kinaumagahan, mahihilo sya agad ng umaga palang.