Chance POV
“Bakit ba pinapayagan mo ang lalakeng ’yon na ganyanin ka na lang?” inis kong tanong kay Ella. May hawak itong nasa plastic na soft drink, sumimsim siya at humarap sa akin.
“Hoy hindi noh! Madalas nga kaming magkasagotan eh. Tsaka hindi ko hahayaang bastusin niya ako. Makakatikim ’yon sa ’kin.”
Tumawa ako nang mahina at pinitik ang noo nito.
“Aray! Hindi pa rin talaga nagbabago ’yang kamay mo ah!” reklamo niya.
“Hindi ka rin naman nagbago ah. Ang cute-cute mo pa rin!”
Mabilis kong pinisil nang malakas ang pisngi niya sabay tawa.
“Aray! Ginagawa mo akong bata eh! Bitaw nga!”
“Aham.”
Sabay kaming napalingon nang may umubo sa likuran namin. Nagbago kaagad ang mood ko nang makita ito.
“Nakaka-istorbo ba ako?” tanong pa niya. Nagtinginan kami ni Ella.
“Hindi naman, sir! Ano pa lang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?” tanong ni Ella kay James. Panandalian kong tiningnan si Ella at agad na tumingin kay James na nakabulsa pa ang kamay.
“Hmm, yaya-yain sana kitang lumabas eh kaso mukhang may lakad pa kayo,” ani niya. Napatingin ako sa aking suot. Tama, mamamasyal kami ni Ella ngayon.
“Yes. Niyayaya ko siyang mag-date,” I answered with a high voice. Mariin kong hinawakan ang kamay ni Ella kaya napatingin ito sa akin. I smiled.
“I see, but…kami muna,” sabi niya at lumapit kay Ella. Hindi naman ako papayag sa gano’n.
Mabilis niyang hinila si Ella palapit sa kanya.
“She’s going with me,” dugtong pa niya.
“Hindi.” Kaya mabilis ko ring hinila si Ella kasabay ng madiing yakap ko.
“Let her go. Will you?” Hinila niya ulit si Ella habang ako ay pinipilit siyang ibalik sa akin. Ilang beses ko siyang sinubukang bawiin sa kanya pero mas higit na malakas si James kaya nabitawan ko siya.
Pagkabitaw ko kay Ella, sinalo naman ito ng mahigpit na yakap ni James.
“See? She’s going with me,” yabang nito.
Seryoso akong napatingin kay Ella na nag-aalangan.
“Sandali nga! Pwede time out muna? Ano ’to, k-drama? Ang sakit na ng kamay ko sa paghihila nyo!” angal nito sa amin.
“Anong pinaplano mo?” mahina kong tanong kay James. Ngumisi naman ito. I knew it.
“Nothing much. Bakit? Masama bang magkagusto rin kay Ella?”
Natigilan kaming pareho sa sinabi ni James. Something is differently off.
“Well, her beauty is just an average pero pwede na.” Tumawa pa ito nang kaunti. Inis na hinila ko ito papalapit sa akin.
“’Wag na ’wag mo siyang idadamay sa mga plano mo sa akin, James,” banta ko dito.
“You’re not my boss,” sagot niya. Napakuyom ako ng kamao. Gusto ko siyang sapakin pero pinipigilan ko ang sarili ko. Napaka-isip bata niya para patulan ko ang mga pang-iinis niya.
Sabay kaming napatingin kay Ella nang tumikhim ito. Bagot na nakatingin lang ito sa amin.
“Tapos na kayo? Uuwi na ako.” Gano’n na lang ito kabilis mawala sa paningin namin.
“Wews. This is way too easy,” biglang pagsasalita ni James.
“Anyways, good luck winning her heart, bro,” sarkastiko niyang pang-ngiti bago ako iwan doon.
---
Ella's POV
“May pake-alam ako dahil gusto kita.”
“Pwede ba, sir, kung ano man ’tong plano mo, please lang ’wag mo akong idamay,” taray ko. Sa una pa lang kasi ay iba na ang kutob ko rito eh. Lalo pa at mukhang playboy ’to. Tsk. Akala niya maiisahan niya ako.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Halos magdikit na nga ang mukha namin. Napalunok ako. Nagtitigan kami pero siya nakangiti lang. Nakahawak pa ito sa baywang ko. Mabilis ko siyang tinulak at agad na tumalikod.
“Bakit ka ba ganyan? I cared, you still don’t,” saad pa nito. Napa-irap na lang ako sa kawalan. Manigas ka.
“Geh, aalis na ak—” Natigilan ako nang humarap ako sa kanya pero lumapit pala ito. Kunting galaw ko lang pala, mahahalikan na niya ako. Umiwas ako at agad na bumaba.
Hays, kinikilabutan ako kapag kasama ko ’tong lalakeng ’to.
“Ella!” tawag ni Manang Selma kaya agad akong lumapit sa kanya na nasa kusina.
“Po?” tanong ko naman.
“Magbihis ka na raw dahil may pupuntahan kayo ni James!” sabi nito.
Wala naman akong natatandaang sinabi niya na may pupuntahan kami. Doon lang ako nanggaling sa kwarto niya, wala man lang siyang sinabi? Hayst. Maglilinis sana ako doon kaso umepal eh kaya hindi ko natapos ang ginagawa ko.
Wala na akong nagawa kundi ang maligo at magbihis. Saan na naman kami pupunta? Hayst. Ewan. Pinagpasyahan ko na lang na magbihis at bumaba. Pero ’yong walanghiya laging may problema sa outfit ko.
“What in the world?! Bakit ganyan ka badoy ang suot mo?” tanong nito. Inirapan ko lang siya.
“Eh kasi nga po baka bastusin nyo na naman ako dahil sexy ’yong suot ko! Edi eto na lang,” ani ko. Ayoko nang mapagalitan pa, ’noh.
Napa-iling lang ito. Kasalanan naman niya kasi.
“Change!” utos niya.
“Bakit pa? Ok na naman ’to ah,” tugon ko at napatingin sa suot ko.
“I said…change your fashion-less outfit,” panlalait nito sa suot ko.
Inirapan ko lang siya at padabog na nagbihis. Kainis! Sumakay kami sa kanyang sasakyan at mabilis niya itong pinaharorot.