Chance POV
“Wilson, ano? Ok na ba ang banda?” tanong ko sa driver/bodyguard ko, si Wilson. Naglilinis ito ng sasakyan.
“Oo, sir! Ok na raw sila mamayang gabi,” sagot niya habang nagkukus-kus ng windshield. Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang gagawin ko mamayang gabi. Manghaharana ako kay Ella. Sa probinsya kasi sikat sa amin ang harana kaya gagawin ko ’yon. I can’t wait.
Mabilis kong kinuha ang cellphone at wallet ko bago umalis. May big client kami ngayon na paparating kaya nagmadali na ako.
“A pleasant morning to everyone,” paunang bati ko.
“Take a seat. Ok, nandito na naman ang lahat, then let’s start the meeting,” ani ko at naupo na. Lumapad ang ngiti ko nang ma-close na namin ang deal with Mr. Santiago. Natapos ang meeting in almost 11:00 am at i still have a lot of time to prepare.
“I’m so proud of you, son. Always.” Napa-ngiti ako sa sinabi ni Daddy. Ka-video call ko siya ngayon dahil nandoon siya sa Manila.
“Thank you for trusting me, Dad,” ani ko.
“So, napasagot mo na?” tanong niya. Sa una hindi ko maintindihan pero nalaman ko rin ang ibig niyang sabihin kaya napangiti na lang ako.
“Not yet, but soon. Alam mo naman ’yong babaeng ’yon. Napaka-bitter,” sabi ko at napatawa naman ito.
“Hay nako, hindi ka pa rin nagbabago, basta tungkol sa ligawan, sino ba ’yong expert dyan?” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
“Ikaw, of course, Dad,” sagot ko. Inayos niya ang buhok niya at kumindat pa. Natawa naman ako. Oo, expert sa babae si Dad. Dati rin siyang babaero pero nagbago siya nang makilala niya si Mommy. Napangiti na lang ako nang maalala ang love story nila. Mom told me about that.
“Ganito kasi ’yan, huwag mo munang daliin ’yong babae. Dapat gentleman ka lang, matuto ka kasing maghintay. At gumawa ka dapat ng killing moves para sa kanya. You know, pick-up lines, hugot, jokes, or something that can make her happy. Araw-araw mo siyang ligawan, tingnan natin kung hindi ka pa niya sasagutin kapag makulit ka. Last but not least, huwag ka kasing torpe!” sabi niya. Napa-isip naman ako. Tama naman ang lahat ng sinabi niya.
“Eh pa’no kung may kalaban ka sa puso niya, ’yong something na mas-deserves niya, ’yong lalakeng ’yon?” malungkot kong sambit.
“’Yon lang ba? Too easy. You are my son, you are from the Hajj family, at ang pamilya natin kailanman hindi sumusuko sa laban,” ani niya.
“Eh pa’no kung hindi ako manalo?”
“Manalo o matalo, basta alam mong masaya na siya, ipaubaya mo na lang sa taong mas deserves ang katulad niya. Remember Chance, hindi lang siya ang babae sa mundo. Baka ’yong para sa’yo nasa tabi-tabi lang o hindi naman, kaya traffic lang. But habang hindi pa nangyayari ang sinasabi ko, gumawa ka na ng paraan. Tandaan mo, Chance ang pangalan mo, so it means marami ka pang chance upang manalo. Remember that, son.”
“Maybe you’re right. Thanks, Dad.”
“Cheer up! Kaya mo ’yan. If you need any help, call me.”
“I will. Thanks, Dad.”
---
Nandito na ako at ang banda sa tapat ng bahay ni Manang Selma kung saan nakatira si Ella. Nag-approve sign na ako sa banda, hudyat na start na. Mariin kong hinawakan ang microphone at itinapat ito sa aking labi. Let’s start.
Nagsimula nang tumugtog ng kanta ang banda at hihintayin ko na lang ang tamang timing para sa kanta.
Nakita kong dumungay si Ella kasama ang iba pang kasama nila sa loob nang magsimula na akong kumanta ng Because You Loved Me. Pinagpatuloy ko lamang ang aking kanta.
“You gave me faith
’coz you believed
I’m everything I am
Because you loved me.”
Mas lalo akong ginanahan nang masilayan ang kanyang ngiti. Pinagpatuloy ko ito hanggang sa matapos.
“Ang galing,” masayang ani ni Ella. Lumapit ako sa kanya at tinitigan nang mariin ang kanyang mapupungay na mga mata. She’s beautiful.
“Pwede ba akong tumuloy?” tanong ko.
“Sige. Tuloy ka, hijo,” ani ni Manang Selma. Pumasok na ako at nasa balcony naman ’yong mga kasama kong banda. Umupo ako sa tabi ni Ella.
She awkwardly smiled when I held her hand.
“Ok ka lang?” natatawa kong tanong. Tumango na lang ito.