WITH YOU

644 Words
1 day later. James POV Tsk. Harana, harana-harana pa, ang dami pang moves. Natatawa na lang ako kay Ella kapag nakikita ko siyang nakangiti habang hawak-hawak ang white rose na ibinigay ni Chance. Like, what the heck? "Oy, James, huwag ka ng malungkot. Mahal naman kita eh." Napa-irap na lang ako sa sinabi ni Vince at nag-boses babae pa. "Tsk. Shut up! Hindi nakakatwa," inis kong saad. "'Yan! 'Yan 'yong problema sa'yo eh. Mabilis mag-init 'yang ulo mo! Bakit hindi mo gayahin si Chance, gentleman, marunong maghintay." "Pwede ba, Vince, huwag mo 'kong ihalintulad sa lalakeng 'yon. My name is James David Lauren, kahit kailan hindi ako naging talunan," seryusong tugon ko. And why would I be serious? After all, this is just a game. Humarap ako sa kawalan habang nasa bulsa ang kamay. "Ah talaga? Hindi ako naniniwala." Humarap naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" tanong ko na nakakunot ang noo. "Naging talunan ka na, dati pa." "Explain it." "You're weak pagdating sa babae." "I am not." "Really? How about Sapphire Montefalco?" Natigilan ako sa sinabi niya at at the same time ay napayuko. Kaagad akong naapektuhan sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil sa mata niyang mapanuri. "I don't know what you are talking about," sabi ko at umiwas ng tingin. "In denial pa. Aminin mo na kasi." "Fine. She's someone in my past. Are you happy now? Please don't bring her name here," ani ko. "Ok, you're the boss. Pero ayaw mo talaga?" "Get out!" Hinintay kong sumara ang pintuan bago ako humarap sa laptop ko at nag-search. I can't believe I'm doing this stuff. How to win a woman's heart? Searching... Maraming lumabas sa tanong ko pero iisa lang ang pumukaw ng atensyon ko. And then I smiled. This is it. Kaagad akong bumaba para hanapin ito. Nadatnan ko itong naglilinis sa kusina. Pawis na ito at halatang pagod na, pero wala yatang balak tumigil. "Hey, stupid—I mean, Ms. Balona," tawag ko rito. "May kailangan ka, sir?" Kaagad itong lumapit sa akin at may dumi-dumi pa ng damit at kamay. "We're going on a date," ani ko. Napapikit ito sandali at masama ang tingin sa akin nang imulat niya ang mata. "Wala ka na ba talagang gagawin sa buhay mo at pati ako pagtritripan mo?" Walang gana nitong sabi. "What's wrong with you? Aren't you supposed to feel happy? Because this handsome prince will take you on a date?" "Wow," walang gana nitong sabi. "Ang… hambog," dugtong niya pa. "So, is it a YES or a NO?" tanong ko na lang. "No." "What?!" "Alis nga! Nakaka-istorbo ka sa trabaho ko!" Saway niya saka ako tinulak palabas ng kusina. Arg! This girl is something else! Sumapit ang gabi pero hindi ako makatulog. Minabuti kong lumabas at magpahangin sa labas. Mabuti na lang at may malapit na dagat dito sa bahay ni Manang Selma. Dito madalas naliligo sina Kuya Jo. Hindi ko binalak na pumunta roon kahit kailangan, pero eto ako ngayon at nakaupo sa maputing buhangin habang pinagmamasdan ang naggagandahang mga bituin. Hindi pa man nakakailang minuto akong nakaupo roon nang makarinig ng kaluskus sa likuran ko. "Hoy, lalake. Anong ginagawa mo rito?" Mabilis kong nakilala ang boses nito. "I can't sleep," sabi ko na lang. Tumigil ito sa likuran ko. "Himalang pumunta ka dito. Anong nakain mo?" aniya. "Would you mind shutting your mouth?" inis kong sagot. "Sungit." Narinig kong bulong nito. Maya-maya ay tumabi ito sa akin. "Ang ganda pala dito pag-gabi, noh?" komento niya. "Wala kasi sa amin nito sa probinsya," ani nito. "No one's asking," pagsusungit ko. "Sabi ko nga. Sini-share ko lang naman. Duh," bulong pa nito na ikinatawa ko. Ang bilis niya talagang asarin. Hindi ko na nabilang kung ilang oras kaming nanatili roon, basta ang alam ko ay nakatulog na pala ito sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD