"Tsk. Nauna ka pa talagang matulog kesa sa amo mo ah," Bulong ko, saka napangiti. Humangin bigla dahilan upang lumipad ang kanyang buhok at pumunta sa mukha niya. Umangat ang kamay ko para hawiin ito, pero biglang pumasok sa isipan ko na hindi ko dapat ito ginagawa. Hinayaan ko na lang itong sumandal sa akin kahit na nakakaramdam na ako ng pangangawit ng braso.
"Anong oras na? Umaga na ba?" Bumaling ako sa kanya nang magising ito at oras ka agad ang unang lumabas sa bibig. Napatingin naman ako sa relo ko sa kamay. "It's almost midnight. I think we better go—" Napatigil ako nang may kung anong nilalang ang humuni sa ibabaw ng puno kung nasaan kami ngayon. Nagulat naman ako nang umusog lalo ito papalapit sa akin.
"A-ano 'yon, J-James?" Nauutal nitong tanong. So, takot pala siya. May ideyang pumasok sa isipan ko. "I don't know, baka nakawalang tigre, leon or something," Pananakot ko. Mas lalo pa nitong umusog papalapit sa akin.
"I'm just joking," Tawa ko nang makitang takot nga talaga ito.
"Eh ano 'yong tunog na 'yon?" Tanong ulit niya. Tila nawala yata ang antok niya.
"Macaw~ macaw~"
Nakaka-takot na tunog na aming narinig.
"Nandyan na naman...ahhh!" Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinulak kaya napadapa ako. Grabe na ang takot niya, ang OA.
"Aray!" Sigaw ko nang umupo ito sa likod ko habang nagmamasid sa paligid. "Shh. Huwag kang maingay," Sambit niya. Ang sakit na ng likod ko, ang bigat pala niya.
"Ok, ok! I'm just joking. Ibon lang 'yan," Paliwanag ko.
"Ibon? Pa'nong ibon 'yon? Aswang ba 'yon?" Tanong niya.
"What? Of course not! It's a macaw! So please, umalis ka na sa ibabaw ko!" Sabi ko.
"Macaw~ macaw~," Tunog niya ulit.
"See? It's just a Macaw," Sabi ko.
"Ano nga 'yong macaw?!" Tanong niya.
"Macaw is a bird, and it mostly lives in a remote island. Like this, ok?" Sabi ko.
"Ano naman 'yong remote island na 'yan?" Tanong niya.
"Remote island i-is... pwede ba umalis ka muna ryan! Ang bigat mo!" Sabi ko.
"Sabihin mo muna kung ano 'yong remote island! May TV ba sila ro'n kaya may remote?" Tanong niya.
"What?" Tanong ko.
"No! A-ang remote island a-ay," Nahihirapan na akong humingi grabe. "Ay, isang isla o lugar na kaunti lang ang residente kaya tinawag na remote island! Gets?"
"Ah---ok." Tumayo siya at umalis sa likuran ko. Nabalian yata ako. "Aray. Aray! Papatayin mo ba ako? Ang sakit ng likod ko!"
"Sorry na, ikaw kasi tinakot mo 'ko, so anong na pala mo ngayon?" Tanong niya.
"Nabalian ako!" Sabi ko.
"Hindi ko na 'yan kasalanan." Sabi niya.
"Ikaw kaya ang may kasalanan!" Sabi ko.
"Bakit ako?" Tanong niya.
"Oh, sino ba 'yong umupo sa likod ko?" Tanong ko.
"Ako." Sabi niya.
"Oh, edi ikaw! Tsk. Tulungan mo nga ako dito!" Sabi ko. Hays, ang sakit ng likod ko. Tinulungan niya akong tumayo. Ininat ko pa ang likod ko dahil masakit iyon. "Ayos ka lang?" Tanong niya. Masama ko naman itong tiningnan pabalik. "Mukha ba akong maayos?" Sarkastiko kong tanong.
Pero ngumiti lang siya saka nag-peace sign. And in a second, I feel guilty. Pero minabuti kong umiling na lang para mawala iyon.
Umupo siya sa tabi ko at sandali kaming natahimik. "Pwedeng magtanong?" Tanong niya. Hindi na ako nagulat nang magsalita siya. Hindi niya yata talaga kayang manahimik ng ilang minuto. Sobrang dal-dal.
"You're already asking," Sabi ko at humiga sa buhangin at ipinikit ang mga mata. "'Wag ka sanang magalit ah," Dugtong niya.
"Spill it," Bagot kong tanong. "Gusto ko lang kasi malaman kung bakit... parang ayaw na ayaw ni Mommy mo sa mga paintings at drawings mo."
Napamulat ako ng mata pero tumahimik sandali bago sumagot. "Why?" Tanong ko pabalik. "Anong why? Gusto ko ngang malaman."
"Because she thinks my hobbies are useless for her company. So she forbids me to do any of the things that I love to do," Sabi ko.
Natahimik siya sandali bago nagsalita. "Kaya ba pinadala ka niya rito sa probinsya?" Tanong niya. "Yeah. She thought na makakalimutan ko ang sinasabi niyang 'kabaliwan' kaya she tortured me and here I am," Sabi ko. "Tanong ito ulit ah... ano ba ang buhay mo sa Manila?"
"Why, are you interested on me now? Do you like me?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata niya at panay ang iling. "Hoy hindi ah! Nagtatanong lang ako para mas makilala kita ng husto kasi yaya mo ako eh. Walang ibang ibig sabihin, promise!"
Natawa ako nang mahina. "My life? A mess, to be honest," Sabi ko at ngumiti nang mapakla. "Eh 'di ba parang ang successful mo naman? I mean nakikita ko lagi 'yong mga brand advertisement mo sa TV eh," Sabi niya. Natawa ako nang mapakla. "That's what people like you thought. And besides, I don't have plans to continue my career in that industry."
"Bakit naman?" Tanong niya.
Huminga ako nang malalim. "Let's continue our conversation tomorrow. I'm tired," Sabi ko. Tumayo na ako.
"Ang daya mo naman!" Inis niyang ani. "Let's go," Sabi ko at ibinigay ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. "Tinatamad pa ako kasi!" Reklamo niya. "Bahala ka!"
Akmang aalis na ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan upang mawalan ako ng balanse at pumatong sa kanya. Nagulat din siya sa ginawa niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
"You really like me, huh?" Tanong ko.
"H-hoy! Gago! Alis nga ryan baka kung anong isipin nilang ginagawa natin dito!" Nauutal niyang ani. "Bakit may gusto ka bang gawin natin dito?" Ngumisi ako. "Ang bastos mo! Umalis ka na nga kasi!"
Nakangising hinawakan ko ang buhok niya pababa sa mukha niya kaya naramdaman kong nanlamig ito bigla. "A-anong gagawin mo? H-hoy!" Tanong niya.
Ngumisi ako lalo dahil natatawa ako sa pang-iinis sa kanya. "You want me to kiss you?" Tanong ko.
Biglang tumagilid ang mukha ko sa sobrang lakas ng sampal niya. Malakas niya akong tinulak, napahiga ako sa buhangin. "Ouch! What's wrong with you?!" Reklamo ko habang nakahawak sa pisngi ko. Pakiramdam ko naging manhid siya.
"Ang bastos mo ah! Dyan ka matulog!" Galit niyang sigaw at nauna nang umalis. Napa-iling na lang ako at inikot nang mahina ang leeg ko dahil napalakas yata ang sampal niya.