HURT ME ONCE AGAIN

1172 Words
3 weeks later... Ella's POV Nagising ako nang maramdaman ang init ng araw sa aking mukha at agad naman akong bumangon. Sinilip ko ang oras sa wall clock, ang aga pa naman. "Ella? Ella! Hey weirdo, wake up!" Bulong niya. Agad akong tumayo nang paulit-ulit niyang kina-katok ang puso ko—este, ang pinto. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin; ang buhok ko ay magulo at ang mga mata ko ay puyat. Gusto ko pa sana matulog, kaso ang ingay ng katok ng bwesit na lalakeng 'to. "What the—bubuksan mo ba 'tong pinto o wawasakin ko?" tanong nito nang naiinis. I almost rolled my eyes. Ano na naman ang kailangan ng isang 'to? Ke aga-aga eh. "Wasakin mo na lang," sagot ko. Paniguradong naiinis na siya. Buti nga sa'yo. "You sure?" sambit niya ulit. "Bahala ka sa buhay mo," humihikab kong sagot. Humiga ulit ako at itinambak ang isang unan sa mukha ko, gusto ko pang matulog. Napabalikwas ako nang biglang bumagsak ang pinto. Lumaki ang mata ko habang umaangat ang tingin sa lalakeng naka-cross arms na ngayon. Seryoso ba talaga siya? Winasak niya ang pinto! "Seryoso?" Hindi makapaniwala ang tanong ko. "I told you," sambit niya na naka-ngiti pa. "Ayusin mo 'yan!" sigaw ko. Agad ko siyang nilapitan at dinuro-duro. "Ayusin mo 'yan!" dugtong ko pa. "Why would I?" Ab'at pina-iinis ako. "Ano bang kailangan mo ng ganito ka-aga?" "Magbihis ka na! May pupuntahan tayo!" "Ayukong sumama." "Tsk. Sa ayaw mo at sa gusto mo, sasama ka. I will give you three minutes to wear it." Binato niya sa akin ang isang paper bag. Binuksan ko ito. Damit? Para saan na naman 'to? "Pero ayuko—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla na lang siyang umalis. Wala na akong magagawa. --- Bumaba na ako sa hagdan, nakasuot ng cow girl outfit. Like, duh. "Nice, bagay sa'yo," ani niya. "Woh! Ang hot mo, Ella ah. Cow girl?" Tanong ni Vince. "Sasakay ba kayo ng kabayo?" Dugtong niya pa na ikina-ikot ng mata ko. Ay, malamang, Vince. Tumingin naman ako kay James, na nakatingin sa akin ngayon. "Tara na!" Hinila niya ako pero pumalag ako. "Ano ba? Sumama ka nga sa akin sabi eh," dugtong ulit niya. "Hindi ka ba marunong maging gentleman?" tanong ko. Mukhang hindi nga hinila—ba naman ako. Tinulak ko siya at nagpag-pag ng suot ko. "Ok, ok! Tara na po, sir," ani ko at nauna nang pumasok sa sasakyan. Napanguso na lang ako sa suot ko. Ang pangit. Hot daw? Tsk. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang ang atensyon ay nasa daan. Nagda-drive kaya siya, haler? "Ang pangit!" sagot ko naman habang nakatingin sa labas. "Bagay nga sa'yo eh, nagmukha kang tao." "Hindi ko alam kung humor mo 'yan o nanlalait ka na," sungit ko pa. "But seriously, you look hot." Nagulat ako doon. "Hot? Tsk. Hot mo mukha mo! Teka nga! Kanina pa tayo, saan ba talaga tayo pupunta?" "Be patient. We're almost there." --- "Ella! Ella, wake up! We're here!" Nagising ako sa mahina niyang tapik sa mukha ko. Napatingin ako sa paligid; huminto na pala kami. Naalimpungatan yata ako. Napalingon ako sa paligid at may nakita akong kabayo. Parang alam ko na kung saan kami ngayon. "Are you ok?" tanong niya. Ngumiti lamang ako habang nakahawak ang kanang kamay sa ulo ko. Napatingin ako sa kanya nang maramdaman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Ngumiti siya at hinila ako papasok. Hindi nga ako nagkamali. Nasa hacienda nga kami nila. Hindi nagtagal, pinapili na kami ng kabayong puwede naming sakyan. Pinili ko ang itim. Mukha kasi itong matapang at pakiramdam ko bagay sa outfit ko. Sinamahan kami ni Manong at tinuruan niya ako kung paano sumakay at patakbuhin iyon. "You ready?" tanong ni James. Tumango na lang ako at iniangat ang isa kong paa para makasakay. Akala ko madali lang sumakay, pero hirap pala. Hindi ko halos mabalanse ang pwet ko sa likod ng kabayo at natatakot akong baka tumakbo bigla at hindi ko alam kung paano pipahinto-in. "Dahan-dahan," paalala niya. "Ok." Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang akong nadulas sa pagkakahawak ko. "Ready to fall?" banat niya bigla. Naguguluhan talaga ako sa lalakeng 'to sa pinaggagawa niya sa akin eh. Tinulak ko siya at nagseryoso na. I got this. "Segurado ka bang kaya mo? Nandito lang ako, handang sumalo sa'yo." Corny. "Bitawan mo nga ako! Kaya ko 'to! For more information, Ella Balona ang pangalan ko! Handa ako sa lahat ng ito! Watch and learn." Nag-eyes to eyes pa ako sa kanya para malaman niyang kaya ko. Ako pa. "Ok!" Parang ayaw niyang maniwala. Sinubukan ko ulit na sumakay at this time, nagtagumpay na ako. "Sabi ko sa'yo eh," pagyayabang ko. Sumakay rin siya sa likuran, na may suot pang cowboy na sumbrero. "Kaya mo ngang sumakay, pero kaya mo bang patakbuhin ito?" tanong niya. Napakamot ako sa ulo. "Ah...hindi eh." Napa-kamot na lang ulit ako sa aking batok sa katutuhanan na hindi ko kayang patakbuhin ang kabayo. "Ikaw naman ngayon ang mag-watch and learn," sabi niya pa na parang ginagaya ako. Nagulat naman ako nang biglang umandar—este, naglakad ang kabayo. Mahina at mabagal lang, kaya medyo unti-unting natatanggal ang kaba ko. Napakapit ako nang gusto sa damit ko, hindi dahil takot ako kundi dahil ang bilis ng t***k ng puso ko nang ma-realize na sobrang lapit ng mukha ni James sa akin. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakatingin sa daan. Amoy na amoy ko ang perfume niya at hindi ko alam kung bakit napalunok ako. Bakit ganito? Ano 'tong nararamdaman ko? Nanindig pa lalo ang balahibo ko nang maramdaman ang kamay niya dahan-dahang yumakap sa tagiliran ko. Umiwas ako ng tingin. "You're blushing," komento niya bigla. "H-hindi ah. Bakit naman ako magkakagano'n?" Patay malisya kong sabi habang nakaiwas pa rin ang tingin. "Do you want to take a risk?" tanong niya bigla. Naguluhan ako. "Anong ibig mong sabihin?" "Be my girl, Ella. I don't care if you're my personal maid. Trust me, no one will know," bulong niya sa tagiliran ko kaya natigilan ako. "It will be our little secret—" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ihinto mo, bababa ako," utos ko. "Why?" tanong niya. "Ihinto mo sabi eh!" Medyo lumakas na ang boses ko kaya inihinto niya at nagmadali akong bumaba. "What's wrong?" tanong niya pagkatapos naming bumaba. "What's wrong? James, kung sa tingin mo gano'ng klase lang akong babae, pwes nagkakamali ka. Hindi ko huhubaran ang sarili ko sa harapan mo para magkapera!" Natawa siya kaya mas lalo akong nagalit. "Oh come on, Ella. Fling lang naman, no one will know and besides, I know you want it too—" "Gago ka ba?!" "Come on! Stop acting so innocent—" Hindi ko na napigilan ang kamay kong sampalin siya. "Napaka gago mo." Mabilis akong umalis doon habang pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Mababaw man, pero pakiramdam ko nabastos niya ako at ayaw ko 'yon kaya naiiyak ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD