Next day…
Napalingon ako nang makarinig ng pitak ng gitara. Kahit hindi pa kumakanta si Chance ay alam ko na kung anong kanta iyon. Bagay Tayo by Almost. Sobrang favorite ko ang kantang iyon.
"’Di na ako mag-dalawang isip kung gusto kita. Kitang-kita ko rin ang saya sa'yong mga mata." Napangiti ako nang marinig si Chance na kumanta. Nasa pinto na ako ngayon ng bahay nila pero hindi muna ako pumasok; gusto ko lang pakinggan ang himig niya.
Patuloy lang siya sa bawat lyrics kaya mas lalong lumalaki ang ngiti ko. Hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa pag-awit.
"Bagay tayo, bagay tayo, bagay tayo, bagay tayo, bagay tayong dalawa. Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na ng sabay. Ohhh-ohhh..."
Nang mapansin kong tumigil na siya, tsaka naman ako pumalakpak na umagaw ng atensyon niya. "Ah… eh… nandyan ka pala," nahihiyang sambit niya habang napakamot sa kanyang batok.
"Hanep! Ang ganda talaga ng boses mo." Umupo ako sa tabi niya at inilagay sa mesa ang sling bag ko.
"Hindi nga maganda eh." Napatingin naman ako sa sinabi niya.
"Anong hindi? Ang ganda kaya," ani ko.
"Hindi maganda dahil wala nang mas gaganda pa sa'yo." Namula naman ako sa sinabi niya.
"Kantahin mo nga 'yong chorus kung kaya mo," ani niya.
"Sus, ang dali lang eh." Tumikhim ako. "Bagay tayo, bagay tayo, bagay tayo, bagay tayo, bagay tayong dalawa—"
"Talaga? Bagay tayong dalawa?"
"Tumigil ka nga. Sabi mo kantahin 'yong chorus, bakit ngayon..." Tumalikod ako sa kanya. "Bakit ngayon nagpapakilig ka?" bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya kaya mabilis naman akong humarap sa kanya.
"Wala! Pumunta ako dito para—" Naputol ang sasabihin ko nang may nagaalita sa pinto. Babae? Sino naman ito?
"Chance! Chance, baby!" sigaw niya at mabilis na dinamihan ng yakap si Chance na nakatayo na ngayon. Napatayo na rin ako sa inasta ng babaeng iyon.
"Baby?" tanong ko sa mahinang tono. Taas kilay na napatingin ako kay Chance.
"Y-yes. Afia, this is Ella Balona, my childhood best friend. Ella, this is Afia Desallisa… m-my fiancée." Pagkasabi pa lang niya sa katagang fiancée, bigla na lang lumambot ang tuhod ko kaya napa-upo ako. Parang may kung anong matigas na bagay na humapas sa akin kaya lumambot ang buong katawan ko.
Parang wala na akong marinig kundi ang t***k ng puso ko.
"Are you ok?" tanong ng babae sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at ganoon na rin kay Chance na nakayuko na ngayon.
"Ako? Oo naman. Congratulations, Chance, and nice to meet you, A-Afia. A-ano, alis nako ah… bye." Mabilis akong lumabas sa napakasikip na lugar na iyon. Hindi ako makahinga. Huminto ako malapit sa gate para punasan ang luha ko.
Nanlulumo na ako sa sakit, sa kaba, at sa mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Bakit mo pa ako pinasaya? Bakit mo pa ako niligawan? Bakit mo pa ako pinakilig? Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit, Chance? Bakit?
'Ni hindi niya man lang ako sinundan nang lumabas ako. Ang sakit.
Sa sobrang dami ng namumuong luha sa mga mata ko, halos hindi ko na maanininag ang daan na tinatahak ko kaya nadapa ako. Hindi na ako nag-abala pang tumayo sapagkat doon ko na binuhos ang bawat patak ng luha ko.
Sasagotin na sana kita. Sasabihin ko sana sa'yo kanina na ikaw ang pinipili ko, pero bakit?
Naramdaman ko ang malamig na tubig na pumatak sa kamay ko. Tumingala ako sa langit at dinama ang pagbuhos ng ulan. Bakit ganito ang sakit? Bakit pa ako umasa kung ikakasal ka na pala? Subrang sakit.
"Bakit mo ito nagawa sa akin, Chance? Bakit?" Nilalamig na ako roon at hindi ko na kaya pang bumangon. Malala na ang sugat na binato mo sa puso ko; hindi ko na kaya pang hilumin ang lahat ng iyon.
Hindi ko na malay na nasa tapat na pala ako ng bar. Nakita kong nagkakasayahan ang mga tao sa loob nito. Mas lalo pa akong humagolhol nang tumunog ang kantang nagpasakit ng damdamin ko na galing sa kantahan sa bar.
"Stop crying, stupid." Napatingin ako sa lalakeng may dalang payong; sinilungan ako nito.
Inalalayan niya akong tumayo at binuhat sa likod niya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko habang buhat-buhat niya ako.
"I want to say sorry for my past behavior," tanging sagot niya.
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko ulit.
"Can't you stop asking any questions? And please, stop crying—it irritates me." Medyo naiinis na ito kaya tumahimik na ako at napapikit ng mata.
Nagising ako sa mismong kwarto ko. Nakita ko si James na natutulog sa tabi ng kama ko. Pinagmasdan ko siya. Sobrang maamo niya kapag natutulog—’yong tipong hindi niya kayang gawin lahat ng pananakit niya sa akin. Bakit ba siya ganyan?
"Gising ka na pala. Gusto mong kumain? Nauuhaw ka ba? Anong kailangan mo?" sunod-sunod niyang tanong nang mapagtantong gising na ako. Umiba na naman yata ang ugali niya.
"Gusto kong iwan mo muna ako," walang-buhay kong sagot.
"Pero Ella—"
"Umalis ka na, please," putol ko sa sinabi niya.
"Ok, kung 'yan ang gusto mo, nandito lang ako sa baba, maghihintay sa tawag mo," saad niya at isinarado ang pinto.
Pagkalabas niya ay siyang paghagulhol ko sa aking kama. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kahapon. Ang sakit-sakit pa rin.
[5 hours later…]
Limang oras ang nakalipas at ngayon ay mugto na ang mga mata ko.
"Gusto mo bang kumain?" tanong niya na may dalang pagkain sa tray. Inilapag niya ito sa maliit na mesa at ipinatong sa kama ko.
"Wala akong ganang kumain," walang-ganang sagot ko.
"Kanina ka pa walang ganang kumain—"
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" sumeryuso ang mukha ko.
"What do you mean?"
"Kahapon lang ang sama ng pakikitungo mo sa akin tapos ngayon bumait ka bigla? Ano bang gusto mong iparating, ha? Na maangkin mo na ako kasi heartbroken na ako? Ulol mo!"
"Your words."
"Wala akong pakealam! Pare-pareho lang kayo, ginagamit nyo lang naman ako! Ano bang kasalanan ko sa inyo? Ha?!" Tumaas na ang boses ko at nag-umpisang umiyak ulit. Hindi ito sumagot sa akin.
"Apaka-gago nyo naman!"
"I'm sorry." Unang salitang binuka ng bibig niya.
"Gago." Humagulhol na ako nang mahina.
"Lalabas lang ako. Balikan kita dito," sabi niya na para bang may nasa-isip na ayaw niyang sabihin sa akin.