TAKE CARE

661 Words
James POV 1 week later. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok habang dala-dala ang pagkain ni Ella. I can't believe na ginagawa ko 'to para sa isang maid na kagaya niya. Ipinatong ko ang pagkain sa lamesa sa tabi ng kama niya at bahagyang umupo sa tabi niya. It's been a week pero ganito pa rin siya. I admit, i hate seeing her this miserable. She looks dumb and annoying. Pinagmasdan ko lamang ang maamong mukha niya na natutulog. Nakita kong hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Dahan-dahan kong kinuha iyon at binuksan. Tumambad sa akin ang password. Nag-isip ako nang malalim baka sakaling malaman ko kung anong password niya. And boom! I finally open her phone. Napunta ako sa gallery niya. Wala naman akong nakita do'n kundi puro mga picture. Ano bang klaseng picture 'to? Ang labo tapos colorless. Binaliktad ko ang phone niya, tsk local. Magkano kaya kung bilhin nila 'to? 1? or 2 thousand? So cheap. "Anong ginagawa mo?" Hindi ako makagalaw sa gulat na sa isang iglap, wala na ang phone ni Ella na kanina ay hawak-hawak ko. "Bakit ba pinakeke-alaman mo ang gamit ko!" sigaw niya sa mukha ko. Did she just shout at me? The audacity of this maid! "I-I'm sorry. Na-curious lang naman ak—" "Wala akong pake!" putol niya sa sinasabi ko. Galit siya? Galit nga. "Umalis ka na nga," sigaw niya ulit at itinuro ang pinto. "Hey, that's very inappropriate—" "Mama mo! Labas!" "Pero you have to eat! I will not leave until you finish this," matigas kong sagot. Pagod na ako sa ugali niya, anong purpose ng pagiging boss ko kung hindi ko siya utusan. Ganito ba talaga maging heartbroken ang mga babae? So annoying! "Umalis kana nga eh! Bingi ka ba?" "Mukhang may nakakalimutan ka yata. Hmm? Remember, i your boss." "Ayaw mong umalis?" "No!" matigas kong sagot. Isang sampal ang dumapo sa mukha ko. "What the f**k? Para saan 'yon?" inis kong tanong. "Ayaw mo kasing umalis eh! Gusto mo isa pa?" Akmang sasampalin niya ulit ako pero this time nasalo ko na ang kamay niya. "Don't you dare slap me again or else..." pinutol ko ang sasabihin ko at ibinaba ang kamay niya. "Or else what?" tanong niya. "I will kiss you," nakanginting sagot ko. "Pinagbabantaan mo ba ako?" "Pwedeng oo," sacrastikong sagot ko. "Subukan mo lang! Papatayin talaga kita!" "'Wag, marami ang iiyak kapag namatay ako," kunwaring nasaktan ako. Napansin kong napangiti siya at medyo natawa kaya ngumiti rin ako. "'Yan, ngumingiti kana." "Sumeryuso ulit ito." "Ang bipolar mo na naman. I am serious. This handsome? Oh come on!" "Tsk. Umalis ka nga ryan. Kakain na ako." Itinulak niya ako at umupo at pinagmasdan ang mga hinanda ko. "Seryoso, ikaw talaga ang nagluto nito?" "Obviously...no." "Sabi ko nga." Kumuha siya ng isang kutsara at sinubo ito. Sarap na sarap siya sa pagkain niya. "Gusto mong kumain? Share tayo," yaya niya. Napangiti naman ako at umiling. "No need! Busog na ako." Hindi ko alam kung bakit natatawa ako kapag kumakain siya. Parang patay-gutom. "T-tubig! T-tubig! Nabulunan ako!" reklamo niya. Natatarantang nilapitan ko siya, binigyan ko siya ng tubig habang himas-himas ang likod niya. Hawak-hawak niya ang baso at patuloy pa rin sa pag-inom. Ibinaba na niya ang baso at patuloy sa pag-ubo. "Ayan kasi, kung kumain parang wala ng umaga! Eto susubuan na lang kita." Kumuha ako ng kanin. Sakto naman na lumingon ako sa kanya, nang lumingon din siya sa akin. Halos magkalapit na ang mukha namin. Pansamantalang natigilan kami pareho. Nakaramdam ako bigla ng kung ano sa dibdib ko kaya iniba ko ang usapan. "Ang panget mo!" pag-iiba ko sa sitwasyon at agad na umiwas ng tingin. "Now, eat!" Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya na umurong nang kaunti. "Tsk. Ayaw mo lang kumain dahil gusto mo lang na subuan pa kita eh—" "Akin na nga. Kakain ako. Bitawan mo sabi eh!" "Ok. Ok." Sumurender pa ako ng kamay. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD