GOODBYE

607 Words
Chance POV Nasa tapat ako ngayon ng bahay nina Manang Selma. Gusto kong pumasok pero hindi kaya ng mga paa ko at wala na rin akong mukhang ihaharap pa kay Ella. Nagi-guilty ako sa lahat ng nangyari kahapon. Hindi ko aakalaing ako rin pala ang taong mananakit sa kanya. Napangiti ako nang mapait nang maalala ang nangyari kahapon. [FLASHBACK] "Are you ok?" tanong ni Afia sa kanya. Napatingin naman ito kay Afia na nakangiti. "Ako? Oo naman. Congratulations Chance and nice to meet you, A-Afia. A-ano alis nako ah...bye." Tumakbo ito palabas ng bahay. Susundan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Afia. "Chance, alalahanin mo ang lahat ng sacrifices na ginawa mo kapag sinundan mo siya, masisira lang ang lahat ng iyon," paliwanag niya sa akin. Tama siya, mas mabuti nang masaktan siya na walang alam kesa sundan ko siya. Eto na lang ang nag-iisang paraan para maging ligtas ka sa kamay ng grandmother ko. I'm sorry, Ella. Noong isang araw ko lang nalamang pinirmahan na pala ng grandmother ko ang agreement between the marriage of Afia and I. Galit ako kay Daddy kasi wala siyang nagawa para pigilan ang grandmother ko. Ilang beses akong nagmakaawa pero ayaw niyang baguhin ang kanyang desisyon. Pinagbantaan niya ako. Akala ko nagbibiro lang siya noong sinabi niyang magiging delikado si Ella kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Pero noong makita ko ang isa sa mga tauhan niya kahapon na nagmamasid sa bahay na tinutuluyan ni Ella, doon ko na napagtantong my grandmother is serious. Ilang oras na rin ang nakalipas, hindi ko na kaya. Gusto ko na siyang sundan pa baka ano na ang mangyari sa kanya sa daan. Umuulan sa labas kaya mabilis kong kinuha ang payong at agad na tumakbo palabas. "Chance, come back! Chance!" sigaw ni Afia pero hindi ko na siya pinansin. Hinanap ko siya at sa wakas nakita ko rin siya na umiiyak sa daan. Gusto ko siyang lapitan pero may isang taong pumigil sa akin sa pangalawang pagkakataon. "Leave her alone," ni nito. "James..." "I can't believe you are this coward—" "Shut the f**k up, James. You know nothing—" "I know everything, Chance. So, if you want to save her, don't come near her." Tumawa ako nang mapakla. "Wow! Now who's talking...masaya ka na ba? Nasaktan ko siya. And she hates me now." "Of course I am very happy. You know why? Because I finally see how miserable you are. You look pathetic, Chance," ngisi niya. Hinila ko ang damit niya at inambahan ng suntok pero hindi ko itinuloy. "Sige! Suntokin mo ako! Dito oh! Sige!" galit niyang sigaw. Nanginginig ang kamao ko sa galit pero minabuti kong ibaba ito. "Fine. You won," ani ko. "Congrats, natalo mo na ako. So, please, take care of her," ani ko bago siya binitawan at naglakad palayo. Ang sakit para sa akin ang ginawa ko pero ito ang tama at ito ang pinili ko. Mas pinili ko na lang na saktan siya kesa labanan ang maling pagiibigan na pilit kong pinaglalaban. [FLASHBACK END] Isang ngiti lang ang pinakawalan ko bago humakbang palayo sa bahay nila. Tamang-tama naman ang pagdating ng aking sasakyan. "Let's go, Chance," mapait na ngiti ni Afia sa akin. Nasa loob na ito ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto ngunit hindi muna ako pumasok, hinarap ko muna ang bahay nila. "She will be ok." Ngumiti ako nang mapakla. "I know," sagot ko at sumakay na ng sasakyan. "Goodbye, Ella." Sumakay na ako roon at kinuha ang kamay ni Afia sabay ngiti. Napangiti kami sa isa’t isa habang magkahawak ang aming kamay at umalis na ang aming sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD