NAGPUPUYOS pa rin ang dibdib ni Macoy dala ng galit kapag naaalala niya ang naabutang eksena ni Sandy at noong Arning. Kahit ilang beses ng nakakita siya ng kung ano-anong klase ng krimen, hindi pa rin siya masasanay. Lalong nahihirapan siyang kontrolin ang galit niya kapag nakita niyang may sinasaktan na babae.
“Hindi pa sila tapos?” tanong niya kay Rex.
Hanggang ngayon ay nasa interrogation room pa rin si Arning. Tamilmil ito noong una at sabi ay napag-utusan lamang pero hindi naman sabihin kung sino ang nag-utos.
“Si Miss Leah ay kasama na ni Miss Sandy sa infirmary, tinitingnan kung may nasaktan pa sa kaniya. So far ay ilang galos at sugat sa tuhod ang natamo niya.”
Nakuyom niya ang kamao. Sa ilang pabalik-balik niya sa tindahan ng mga ito at mula sa naririnig kina Miss Leah, unti-unti niyang nakikilala ang dalaga. Wala ng mga magulang ito gaya ng kaibigang kasama sa apartment. Matagal na silang nakatira sa barangay na iyon kaya naman kilala na parehas masipag at masayahin. Kaya naman lalong kumukulo ang dugo niya sa galit nang malamang pagtangkaan ito ni Arning kapalit ng maliit na pera at ilang paninda.
“Lalim ng iniisip mo, Macoy,” untag ni Rex sa kaniya na kanina pa pala salita ki salita.
“Wala lang ito.”
Tinapik siya nito sa balikat. “Alam ko ang iniisip mo pero magpasalamat tayo ay napataon na nagroronda kayo sa palengke ng mga oras na iyon.”
“But still…” Timing man sila, hindi niya gusto ang trauma na pwedeng makuha ni Sandy. Isang bagay na kanina pa niya hindi maunawaan. Nagagalit siya kay Arning pero mas matindi ang pag-aalala niya para kay Sandy.
“Nandito na pala sila,” anunsiyo ni Rex.
Tumunghay siya. Palabas ng pinto sina Miss Leah at Sandy. May manipis na benda sa may tuhod nito habang namumula naman ang mga gasgas sa binti. Tumayo siya dahilan para mapatingin ang dalaga sa kaniya. Naroon na naman ang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Nang magsimula siyang humakbang palapit ay sumilay ang munting ngiti nito sa labi.
“Hi!” bati nito sa pinasiglang tinig.
“lemen ang maghahatid sa kaniya pauwi,” anunsiyo niya na labis ikinabigla ng lahat. Umawang ang labi ng dalaga dala ng pagkamangha. “Gabi na at mas kailangang maging maingat.”
Tinanguan siya ni Miss Leah. Si Rex ay nginitian siya ng makahulugan. “Make her at ease, bro,” pahabol pa ni Rex.
TAHIMIK habang nasa sasakyan sina Macoy at Sandy. Nang hindi matiis ni Sandy ay siya na ang nagbukas ng usapan.
“Salamat sa pagliligtas sa akin,” aniya sa mahinang tinig.
“Wala iyon. Mabuti na lang at nataon na naroon kami.”
“Nagroronda daw kayo?”
“Oo. Nauso ang nakawan ngayon.”
Tumango-tango siya pero nanahimik na.
“Sa susunod, dapat palagi kang may kasama.”
“Gagawin na namin ni Mina iyan.”
“At kung kailangan mo ng tulong, magsabi ikaw… Bukas ang kapulisan para tumulong.”
Nilingon ni Sandy ang binata. “Maraming salamat.”
“No big deal.”
Inihilig na ni Sandy ang ulo niya sa may bintana habang pinapanood ang nagkikislapang ilaw ng mga sasakyan.
“Saan kayo kukuha ng mga paninda ngayon?” out of the blue ay tanong nito.
“Bahala na si Batman.” Nilingon niya ito. “Sabi nga sa BDO, we’ll find ways.”
Sinulyapan ito ni Macoy bago ibinalik ang tingin sa daan. Sa kabila ng nangyari kanina sa dalaga, nakakahanga na nagagawa pa rin nitong ngumiti ng ganoon.
Nakapagsara na si Mina nang dumating sina Sandy at Macoy. Gulat na gulat pa ito nang makita silang magkasama. Aarangkada pa sana ito ng mga sasabihin pero salitan nilang pinaliwanag ni Macoy ang lahat. Nagbabalak pa itong sugurin si Kuya Arning pagkaraan nilang ikwento ang lahat dito. Pero dahil nakakulong na ito at patuloy na iniimbestigahan ay wala ring silbi. Pagkatapo silang makausap ay nagpaalam na si Macoy. Naiwan sila ni Mina na hindi pa rin makabawi sa mga nangyari.
MALALAKI ang hakbang na tinunton ni Macoy ang maingay na palengke. Hindi pa siya nakasuot ng uniporme. Halos katatapos niya lang mag-jogging pero sa kabila ng pagod niya dala ng pagtakbo ay hindi mawala ang inis at pag-aalala niya. Dumiretso siya sa meat section.
“Sir, ano pong inyo?”
“Bili na po. Fresh na fresh po ang karne namin…”
“Manok po o baboy?”
Tumigil siya sa tapat ng isang matador. “Kilala ninyo si Arning?”
Medyo nagtaka ang mukha nito pero nang tila makilala siya ay kaagad itong tumuro sa dulong karnehan. “Doon po ang pwesto ni Kuya Arning pero wala siya ngayon.”
“Siya lang ba ang supplier ng mga panindang pang-ihaw-ihaw dito?”
Umiling ito. “Tatlo po sila. Si Baldo at Matilde pero wala pa si Matilde. Baka mamaya-maya pa iyon dahil minsan ay inuuna niyang mag-deliver.”
“Saan sila nakapwesto?”
“Si Baldo ay katabi lang ni Arning. Si Matilde ay dine sa tabi ko.” Itinuro nito ang bakante pang pwesto.
“Sige. Salamat.”
“Sige po, Sir.”
Sa isip ni Macoy, bago man lang sumikat ang araw ay may magawa siya para sa babaing buong gabing nagpagulo sa kaniya. Nagsasalit sa balintataw niya ang malawak at matamis nitong ngiting napalitan ng malungkot na pagluha. Minsan pa ay gusto niyang makita itong muling nakangiti.
ISINARA ni Sandy ang pinto at umupo sa tabi ni Mina lement-indian seat sa ibabaw ng foam at nakatulala sa T.V..
“Bill ng kuryente,” aniya sabay lagay ng resibo sa tabi ni Mina. Inabot niya naman ang mug sa gilid.
“Mukhang araw ng mga maniningil ngayon,” wala sa loob na usal ni Mina.
“Magtatapos na ang buwan eh.”
“Idagdag pa na talagang wala tayong maitinda.”
Isa pa iyon sa hinaharap nila ngayon. Wala silang maitinda dahil dalawang araw ng walang supply sa kanila. Malaking problema kapag nagalaw nila ang puhunan nila na halos pinaiikot lang nila. Sinubukan nilang magtanong sa ibang matador at magtitinda pero bigo sila. May kaniya-kaniya nang sinusuplayan sila kaya hindi na sila mapagbibigyan.
“Hanap na ba tayo ng bagong raket?” usisa niya.
“May choice ba tayo?”
“Well, maliban na lang kung may biglang kumatok diyan na may dalang mga karne, wala tayong choice.” Inubos niya ang kape. “Gusto mo pa?”
“Ayaw na. Palagay na lang din sa lababo.”
“Okay.” Eksaktong tumayo siya ay may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila ni Mina. “lemen naman kaya iyon? ‘Wag naman sanang maniningil na naman. Quotang-tuota na talaga pagka-umaga na.”
“Baka naman may order ka online?”
“Wala ha. Matagal na akong tigil diyan. Tinanggal ko na nga mga app ng Lazapee at Shozada sa cellphone ko.”
“Siguraduhin mo iyan, ha.” Tumayo na si Mina at itinupi ang foam bago naglakad patungo sa pinto. Dumiretso naman siya sa kusina. Sabay nang pagbuhay niya sa gripo ay ang pagbukas ng pinto. Diretso siya sa paghuhugas ng pinag-inuman nilang mug. Naulinigan niya ang boses ni Mina at boses ng isang lalaki. Medyo pamilyar ang boses nito pero natatakluban iyon ng isa pang tinig babae. Dali-dali niyang tinapos ang paghuhugas, kumuha ng basahan, at nagpunas ng kamay bago pumunta sa salas. Natigilan siya sa kinatatayuan nang makita si Mina at si Macoy sa salas. May dala ang huli na dalawang malaking eco bag. Hindi ito nakauniporme. May salamin sa mata na nalakagay sa ulo nito.
“Hey,” baritonong tinig nito ang nagpabalik ng diwa niya.
“Hi.”
“Padiretso na lang sa kusina. Salamat,” singit ni Mina sa kanilang dalawa. Hawak nito ang wallet. “Balikan ko lang si ate sa labas.” Lumabas na ito ng pinto habang siya ay naiwang nakatulala sa gitna nang maliit nilang apartment.
Isang kwarto lang kasi ang apartment na iyon. Pagkapasok ay salas bago ang pinaka-dinning area. May maliit lang na space para sa dirty kitchen, katabi ay bathroom at ang likod ay labahan. But speaking of maliit na nga ang apartment nila, pakiramdam ni Sandy ay sasabog ang dibdib niya sa kaba sa isiping naroroon lang si Macoy. Mabuti na lang at nakapaglinis siya nang mga sabit-sabit nila ni Mina.
“Sa lababo ko na lang inilagay,” sabi ni Macoy.
Walang nauunawaan si Sandy kaya sinikap niyang hamigin ang sarili. “Ano iyon?”
“Mga paninda,” si Mina ang sumabat bago binalingan si Macoy. “Umuna na po si Ate Matilde at may pagdadalahan pa daw siya.”
Tumango si Macoy. “Uuna na rin ako.”
“Ihahatid kita palabas,” mabilis na prisinta niya.
“Your shot.”
Sinenyasan ni Sandy si Mina na lalabas sila. Tumango naman ito bago dmiretso sa kusina. Sumunod naman siya kay Macoy palabas ng pinto.
“Ikaw ang naghanap ng bagong supplier namin?”
“Yep.”
“Pero bakit?” nauunawaan niya ang paghahatid nito noong nakaraan ay parte ng trabaho nito pero ang ihanap sila ng supplier, parang may something na.
“I just want to help,” sincere na wika nito.
“Pero…”
“Just let me help you, Sandy.”
“Napakalaking tulong nito. Baka nga kulang na ang tray ng barbeque bilang pasasalamat,” pagbibiro ni Sandy kahit na ang totoo ay nahihiya na siya sa lalaki. Hindi niya akalaing ang lalaking tinatanaw niya lang sa malayo noon ay tutulong na sa kaniya ngayon.
Hinarap siya nito. “Physically or verbally, you didn’t deserve what happened. Kung sakaling magkaroon pa ng aberya, bukas ang kapulisan para tumulong. At itong ginawa ko, maliit lang na bagay ito.” Sa sandaling lemen ay para bang hindi ito ang Macoy na tinatanaw niya lang noon. Sa paningin ni Sandy ay naging higit pa ito. Baka nga sa pagkakataong ito ay hindi niya na lang crush ito, in love na siya.
“Thank you ulit, Macoy,” usal niya habang nakatitig dito.
“Wala iyon.” Sumakay na ito sa motor nito. Ngayon lang nakita ito ni Sandy na nakasakay sa motor. Sa paningin niya para siyang isang kabalyero na nakasakay sa kabayo nito.
“Hindi mo lang alam kung gaano kalaking bagay nito para sa amin ni Mina.”
“I know, but the only thing you could do is to be safe. See you around, Sandy.” Bukod sa ngiti nito kanina ngayon lang nakita ito ni Sandy na ngumiti kasabay ng mga mata nito. Yeah, he’s smiling just as his eyes. And those made him more beautiful.
“Mag-iingat ka rin palagi.”
Tumango ito bago tuluyan nang pinaharurot ang motor.
TOTOO ang kasabihan na pagkatapos ng ulan ay tag-araw. Pagkatapos ng lungkot ay saya. At pagkatapos ng hirap ay sarap. Unti-unti ay nakababangon na ulit ang ihaw-ihaw nina Sandy at Mina. Hindi man bigla ay unti-unting nagsisibalikan na ang mga suki nila. Nagsasawalang-kibo na lang sila ni Mina sa tuwing may magkukwento sa kanila na mamimili na kaya lang sila bumibili kay Aling Bebang ay dahil daw nananakot itong hindi magpautang sa tindahan nila. Napapadalas na din ang pagpaparinig ni Matet sa kanila na kung hindi lang kasalanan ay kaysarap hagisan ng umuusok na baga.
Alas-kwatro na at nag-uubos na lang sila ng ilang pirasong tinda. Halos dumugin sila ng mamimili kanina habang ang mga ito ay walang gasinong bumibili kaya naman halos mapigtal ang litid ng lalaugan ni Matet kakapagparinig. Hindi na nga lang nila ito pinapansin.
Tuluyan nang magliwanag ang paligid ni Sandy nang tumigil ang isang motor malapit sa tindahan nila. Nag-alis ng helmet ang driver. Nakakunot ang noo at nakaisang linya ang labi pero kahit ganoon isang malapad na ngiti ang ibinungad ni Sandy dito. “Hi, Macoy!”
“Hey, Sandy, Mina.”
“Naku, kanina ka pa hinihintay ng isang ito,” pambubuking ni Mina sa kaniya.
Napakadaldal din nga talaga nitong kaibigan niya.
“Hindi, ah. Nag-alala lang ako na baka lumamig kaagad itong baked mac na niluto natin,” pag-iwas pusoy na pangangatwiran niya.
“Sus, kunwari ka pa diyan.” Pinandilatan siya ni Mina sabay tayo. “Dito ka na, Macoy. Sure ka bang sasamaham mo muna itong maingay kong kaibigan?”
Napatawa si Macoy habang siya ay masama ang tingin kay Mina.
“Oo naman.” Umupo si Macoy sa bangko kalapit ni Sandy kaya naman ‘yung puso niya para na namang nakikipaghabulan sa mga kabayo at ang mga paru-paro niya ay abala sa pagliliparan. Kinuha niya ang maliit na tuppwerware kung saan nakalagay ang niluto nila ni Mina na baked mac. “Heto pala. Masarap iyan.”
“Kaya napapasarap ang tambay ko dito, palaging may pakain,” nailing na ani Macoy.
Isa pa sa labis na ipinagpasalamat ni Sandy ay nagkaroon siya nang pagkakataon na maging kaibigan ang pulis. Madalas na seryoso pa din at nahihirapan siyang kapain ang lalaki pero napatunayan niyang hindi mahirap kunin ang loob nito. He’s a silent man, but he’s a good man. Minsan inaya nila ito ni Mina na magmeryenda sa bahay at napilitan itong magpaunlak dahil sa pangungulit niya. Simula noon basta walang trabaho ito at gusto makipagkwentuhan ay pumupunta sa tindahan nila. Gaya ngayon na nalaman nitong paalis si Mina at nalaman nitong maiiwan siya sa tindahan kaya nagsabi na sasamahan siya.
Tuwang-tuwa naman siya pero sinikreto niya lang iyon.
“Maganda ang kumakain ka ng marami para hindi ka mamayat dala ng maraming trabaho,” kiming aniya at inabutan ito ng palamig.
“Sus…” bulong ni Mina. Iningusan niya ito.
“Sabayan mo na lang ako,” natatawang alok ni Macoy.
“Ay bet niya iyan!” halakhak ni Mina.
“Tseee!”
“Sige, diyan na kayong dalawa,” paalam ni Mina sabay sakbat ng bag. Naglakad na ito palayo. May tatapusin itong project kaya naman loner siya dapat kung hindi lang dumating si Macoy.
“Ingat ka ha! Diretso uwi ka!”
“Opo, Nay Sandy!”
Lalong napatawa si Macoy dito pero kagyat din iyong naputol nang may magsalitang masamang lement. “Naniniwala talaga akong lement malandi ang maganda. Kapag kasi malandi makukuha loob ng kahit sino pero kapag maganda, chill ka lang diyan.”
Napatingin sila ni Macoy sa masamang lement este kay Matet na panay retouch ng make up niya. Alam niyang siya ang pinariringgan nito pero kung akala nito ay tatalab, nagkakamali ito, maganda siya hindi malandi.
“Sinabi mo pa, anak. Huwag kang gagaya diyan sa iba na kaniya pa at walang nagturo ng kabutihang asal ay kung kani-kanino na kumakabit para lang umangat sa buhay,” parinig naman ni Aling Bebang.
Pagkabing-pagkasabi pa lang ni Aling Bebang noon ay tumayo na si Macoy. Nang lingunin niya ito ay masama ang tingin nito sa direksyon nina Aling Bebang, lalo na sa mag-ina.
“Macoy…”
“That’s too much,” bulong nito at akmang hahakbang na pero maagap niyang hinawakan ito sa kamay. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob sa kabila ng takot na biglang naramdaman. Isa pang pansin niya ay medyo maikli ang pasensiya nito.
“Hayaan mo na sila.”
Nilingon siya nito. “You know it wasn’t the first.”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito dahilan para mapatingin ito sa kamay nila. “Mapapagod ka lang kapag pinansin mo sila. Hayaan mo silang mapagod kaiimik sa mga bagay na hindi naman totoo kasi iyon lang ang kaya nila. Ang mahalaga, alam mo at kaya mong ngumiti at tumawa sa kabila ng mga sinasabi nila.”
For the first time, nakakita si Macoy ng kakaibang liwanag, saya, at sigla. There’s something with Sandy na sa isang ngiti, tingin, isama na ang mga salita nito ay kayang buhayin ang dibdib niya.
“Fine,” sumusukong aniya sabay upo ulit sa tabi ng dalaga.
Ngumiti ito. “Salamat.”
“No. Salamat at pinigilan mo ako.”
“Kung anuman. Mabuti pa ay kumain na lang tayo.”
Pinagmasdan ni Macoy ang dalaga. May kinuha din itong lalagyan at sinimulang kainin ang sariling baked mac. Lihim na lang siyang napangiti habang pinapanood ang dalagang kumakain. Even that simple gesture made his heart thump. He’s really enjoying her presence.