KABANATA 19

1302 Words
He watches her as she walks left and right. Tossing her killer heels at the far corner of the living room and carelessly sit right in front of him. He closed his eyes out of annoyance. How she looks at him is surpassing how he looks at her. Her eyes are like fire that can burn him whole if it's possible. But he's too pissed to care for that at the moment. He wanna know her connections with Chris. That really threw him off guard. He never once thought that Chris and Sarah are together. "I paid your night." "Ganyan ka na ba ngayon? Dinadaan sa pera ang lahat?" Tuya ni Sarah kay Erick na hindi man lang natinag sa anghang ng bawat salita nito. "If it favors, why not. Money talks you know." Sarah didn't respond, but the hatred that crosses her face almost made him flinch. He sighs and relaxed his stiff shoulders. Pressing his hand on his nape to release the tension that's been there for God knows how long. " I didn't mean to insult you, Sarah." "Sure." Ingos ng dalaga. Muli siyang Napa-buntong hininga. "Nag-aaksaya lang tayo ng mga oras natin, Erick. Ang sabi mo'y hinanap mo ako, ngayong nakita mo na ako, siguro naman ay matatahimik ka na at hahayaan na lang ang mga buhay natin para sa sarili natin? In the first place, bakit pa natin kailangang magkita? Mag-usap? Para saan pa? " " I still love you. " Walang prenong aniya na halatang nakapagpatigil sa iba pang nais sabihin ng dalaga. Gilalas itong napatitig sa kanya, ang anumang galit, inis, o pagkamuhi ay pansamantalang naglaho. Napalitan iyon ang pagkalito, at kung hindi siya nagkakamali ay takot at pagka-taranta. Marahas niyang naisuklay ang mga daliri sa buhok, ang kalabog sa dibdib ay tinatalo ang kanyang pandinig. "At gusto mo'ng maniwala ako?" Mabalasik na anito, matapos makahuma sa narinig. "Malinaw ang memorya ko, Erick! At sa pagkakatanda ko, sa dalawang taon na naging magkarelasyon tayo, kahit na minsan ay hindi mo sinabi o binanggit na mahal mo ako! Ako ang tanging nagpapakita, nagpaparamdam at nagsasabi sa iyo ng bagay na iyan! Tapos ngayon? Ngayon, sasabihin mo na mahal mo pa din ako? Hibang ka kung iniisip mo na maniniwala ako sa kung ano pa ang lalabas sa bibig mo! " Mariin at puno ng galit na anito sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamao, at tumingin nang diretso sa mga mata nito. Wala sa itsura ni Sarah ang paniniwala nang sabihin niyang mahal pa din niya ito. Hindi nito magawang maniwala, at hindi niya kayang sisihin ang dalaga kung bakit. Hindi niya kayang itanong kung bakit hindi nito magawang paniwalaan ang sinabi. "Iyon ang totoo, maniwala ka man, o hindi. After what happened... I can't find my self, nor can I imagine to be anyone else, but you. So I'm here, sticking to you like a fool, trying to get you back." "Inuulit ko. Hindi ako naniniwala sa iyo, Erick! Isa pa, hindi na kita mahal. Matagal na, kaya wala na din halaga ang mabulaklak na salita mo. Kung ako pa din siguro iyong labing anim na taong gulang na patay na patay sa iyo, baka sakaling hanggang langit ang naging kasihayahan ko. Ang kaso ay hindi ganoon. " " You're lying.. " " Iyon ang totoo, maniwala ka man, o hindi. " Naka-ngising balik nito sa sinabi niya. Huminga siya nang malalim nang magsimulang manakit ang bawat pintig ng puso niya. Pilit na iniignora ang tila kamay na humahalukay sa sikmura niya. He can't believe how much pain she can brought to him just by saying those words. "Did Chris feed you with lies?" Tanong niya. Kinakain ng selos ang isip. "Ano ba ang kailangan niyang sabihin sa akin na laban sa iyo? Hindi ka naman namin napag-usapan kahit na minsan." "Really? Or you've been seeing each other behind my back before-" Nag-ngalit ang panga niya nang pumaling ang kanyang mukha sa ginawang pagsampal ni Sarah. Dinig na dinig niya ang humahangos na paghinga nito dala ng labis na galit. Mukhang wala siyang gagawing matino sa mga sandaling iyon kundi galitin ang dalaga. " Tangina ka!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa malutong na murang lumabas sa bibig nito. Para siyang nabingi lalo na nang ulitin pa nito iyon. "Gago ka! Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko para ibintang mo sa akin ang ginawa mo! Hindi ako katulad mo!" Napa-igik si Sarah nang marahas siyang hilahin ni Erick sa braso. Halos sumampa ang kalahati ng katawan ng dalaga sa mesita na pumapagitna sa kanilang dalawa. Subalit hindi nagpadaig si Sarah. Sa halip, kumawala ito sa mahigpit na pagkaka-hawak ng binata at tuluyan nitong isinampa ang sarili sa ibabaw ng mesita hanggang sa mapunta siya sa harapan ni Erick. Walang pakialam si Sarah kung halos lumitaw na ang lahat ng pwedeng lumitaw. Ang bawat hampas, at kalmot na pilit na pinapadapo sa mukha ng binata ang tanging nais nitong magawa. Habang patuloy sa pag-ilag si Erick upang huwag maukit ang kanyang mukha. "Wala kang alam!" Iyon ang paulit-ulit na binibigkas ni Sarah habang patuloy sa pag-atake sa kanya. "Stop it! I said stop that, Sarah!" Nang mahuli niya ang parehong braso ng dalaga ay dinala niya iyon sa likuran nito at saka mahigpit na niyakap. Nagkumawala ito sa pagkakaipit sa katawan niya, ngunit dahil kanina pa ito nagwawala ay inalihan din nang pagod. Kagat-labi niyang naipikit nang mariin ang mga mata nang sa bawat paghahabol nito ng hininga, kasabay niyon ay ang hagulgol nito sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit nadarama niya ang sakit na dinadala nito. Doon niya lubos na nauunawaan na mayroong ayaw sabihin sa kanya ang dalaga. Na kahit mauwi sila sa sagutan, palitan ng mga nakakasakit na salita ay tila ba mas gusto pa nito iyon. Mayroon itong pilit na tinatakpan na gustong niyang ungkatin at malaman. "What I said is the truth.. Tamaan man ako ng kidlat ngayon, totoong mahal kita noon, magpahanggang sa ngayon. Why can't you just accept it.." Mahinang anas niya sa tuktok ng ulo nito. Sa halip na sumagot ay walang kibong kumalas sa kanya ang dalaga at tumayo. Walang katumbas na salita ang lungkot sa mga mata nito habang tinitingnan siya. Hindi na siya tumutol pa nang magsimula itong maglakad palayo at tunguhin ang nakapinid na silid. Nang pumasok ito doon ay hindi na muling lumabas pa. Doon lamang niya napansin ang oras sa maliit na wall clock, ilang minuto na lang ay puputok na ang liwanag. Nahahapong inihiga niya ang katawan, kahit na kalahati lang niyon ang nagawang pagkasyahin sa maliit na plastik na mahabang upuan. Itinakip niya ang braso sa mga mata, ang isip ay akupado ng dalaga hanggang sa nagpahila siya ng tuluyan sa pagod at antok. Nang magising siya ay ang sunod-sunod na katok ang unang gumambala sa tenga niya. Animo dinudutdot ang sintido, kasabay nang pagsalakay ng sakit ng ulo ay muli niyang inihiga ang katawan at inignora ang mga katok. Halos tatlong oras pa lamang ang naitutulong niya kaya hindi na nakapagtataka kung bakit gayun na lang ang nararamdaman, bukod pa sa pagsakit ng likod at kasu-kasuan dala nang pagkakahiga sa maliit na espasyo. Subalit ang sinuman na nasa likod ng pintuan ay desididong manggising. Padarag siyang bumangon at napamura nang mahilo sa biglaang pagkilos. Dinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo na kanugnog ng kusina. Batid niyang si Sarah iyon kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbuksan ang sinumang Poncio Pilato na gusto niyang pulbusin sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay dinaig pa niya ang babaing may buwanang dalaw sa nadaramang pagkairita. Halos masira niya ang doorknob sa pagpihit niyon pabukas. Subalit nagkagulatan pa sila nang naghihintay sa labas nang mabungaran ang isa't-isa. "Erick?!" "Joseph?!" Maang na anas niya. "What on earth are you doing here man?" Salubong ang kilay na aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD