"I should ask you the same. Kung mag-tanong ka parang ikaw ang may-ari nitong apartment. Anong ginagawa mo dito? Hindi mo nagawang umuwi?"
Salubong ang kilay na tinitigan ni Erick si Joseph. Ano ang koneksyon ni Sarah kay Joseph? O, baka naman..
"What the hell.."
Nag-kakamot sa ulong anas niya.
"Don't tell me..naging client ka din ni Sarah?"
Usal niya pero siya din ang napangiwi sa sinabi. Saang lupalop niya naapuhap ang salitang *client* gayong siya ang nag-alok ng pera sa dalaga. But she took the money right?
"Client?"
Naguguluhang tanong ni Joseph.
"Are you still drunk? Sober up man, if I'm not mistaken Bianca introduced you to Sar-ah.."
Pareho pa kaming napamulagat. Pakiramdam niya ay lalo siyang nahilo nang maalala na may ipinakilala si Bianca sa kanya na pinsan daw nito noong gabi ng art covention na dinuluhan nila. Pero hindi niya nakita si Sarah ng mga oras na iyon dahil natatakpan ito ng dalaga. He didn't know that it was Sarah.
"Are you f*****g my wife's cousin?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Joseph.
"s**t I forgot.."
Halos parang sa sarili niya lang sinabi iyon.
"So tapos na ba ang reality check ninyong dalawa diyan?"
Napalingon pareho si Erick at Joseph kay Sarah na naka-tapis lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito at sa katawan.
"Close your eyes man.."
Gigil na itinakip ni Erick ang mga kamay sa mukha ng kaibigan na halos mawalan pa ng balanse sa pagkakatayo.
"Get dressed! Wala ka ba talagang kahihiyan?"
Bulyaw niya sa dalaga. Humalakhak lang si Sarah tsaka nag-dirty finger pabalik na lalong nag-pakulo sa dugo niya.
Sa halip na sundin siya nito ay humalukipkip pa at sumandal sa isang istante.
"What's gotten into you, Erick?"
Ungkat ni Joseph. Kinabig siya nito upang makapasok. Ang maliit na sala ay lalong lumiit sa para sa kanilang tatlo.
"I forgot that she's Bianca's cousin."
*Not that he's aware of.*
Aniya, sapo ang noo. Hindi naman siguro niya kasalanan kung hindi siya aware doon? Lalo pa at hindi naman niya nasilayan ang dalaga noong gabi ng Convention.
Naputol lang ang paglalakbay ng diwa niya nang may madinig siyang kumalansing. Kasunod niyon ay ang pagtama ng metal sa kanyang dibdib at malaglag iyon sa kanyang kandungan. Susi iyon ng kanyang sasakyan.
"Pwede ka nang lumayas. Over staying ka na."
Walang anuman na anang dalaga habang matalim ang tingin sa kanya. Ginantihan niya iyon.
"I paid you."
Taas ang kilay na aniya. Matamis ang ngiti sa labi ni Sarah pero iba ang sinasabi ng mga mata nito.
"You paid for the night of my service not the whole me. Now get out."
Turo nito sa pinto. Kasabay niyon ay inalis nito ang display frame na nakasabit sa pader at saka walang alinlangan na ibinato sa direksyon niya. Kung hindi niya iyon nasalo ay pihadong sa mukha niya ang landing niyon.
"I said get the f**k out asshole!"
"Hey, hey..chill out."
Tumayo at pumagitna si Joseph, makaraa'y nilapitan siya nito habang hindi niya mahiwalay ang matiim na pagkatitig sa dalaga.
"I think you should leave for now Erick. Baka mamaya kutsilyo na ibato niya sa iyo. I still want you as my best man."
Anang kaibigan niya matapos siyang tapikin sa balikat. Muntik na niyang malimutan ang tungkol sa pina-plano nitong proposal sa darating na annual party sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito.
"We're not done yet, Sarah."
"Oh, I'm scared.."
Anito na umaktong tila nahihintakutan. Pasiring niyang minasdan ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit tila kinu-kutkot sa panibugho ang dibdib niya dahilan upang maapektuhan ang katinuan niya at kung anu-ano na lang ang masabi na natitiyak niyang gagambalain siya sa oras na mapag-isa.
Inihatid siya ni Joseph hanggang sa labas ng bahay. Pahapyaw nitong ipinaliwanag kung bakit ito naroon. Nilingon niya ang pintuan bago siya humakbang palayo pero wala na sa sala ang dalaga.
Nang makapag-paalam kay Joseph ay dumiretso na siya sa sasakyan. Pabagsak siyang na-upo sa driver's seat at mariing napasandal sa backrest niyon. Naihilamos ang mga palad sa mukha at saka muling sinulyapan ang apartment na kinaroroonan ng dalaga. Habang tumatagal ay tila ba lalo niyang hindi mawari kung paano aamuhin si Sarah. She's never the same. She's no longer easy to tame.
Bago pa makarating ang takbo ng utak niya kay Chris ay binuhay na niya ang makina at nag-drive na pa-uwi.
Tahimik ang kabahayan nang makarating at makapasok siya sa malawak na sala. Sinipat niya ang suot na relo, at gaya ng inaasahan niya ay pababa na ang daddy niya upang pumasok sa munisipyo.
Pinanood niyang huminto si Florence sa tangkang pagbaba sa hagdan at bigyan siya ng nagtatanong na tingin. Inayos-ayos ang kuwelyo ng suot na Barong bago tuluyang bumaba.
"Goodmorning, Dad."
Bati niya bago pa man ito makalapit.
"Where have you been? Hindi ka umuwi. Monica waited for you."
Anito at saka itinutok ang bitbit na attache case sa kanyang ulo.
"Dad, I'm not a child."
Himas ang ulo ay aniya. Tiningala niya ang ikalawang palapag ng bahay. Sa mga oras na iyon ay gising at nag-iingay na dapat ang anak niya pero tahimik ang kabahayan.
"I forgot to call her last night. I'm, caught up with something..."
"Something? Or someone?"
Palatak nito.
"Anyway, you should check up with her. Monica is acting weird these days."
"Napansin ko din nga. I'll just take a shower and get her for breakfast."
Aniya. Tumangu-tango si Florence bago nagpaalam na aalis na.
Nang makatalikod ang ama ay kaagad siyang umakyat patungong silid. Dumiretso siya sa banyo at kaagad na tumapat na malamig na tubig na ibinubuga ang dutsa. Sapat na iyon upang kahit papaano ay maibsan ang pagkaliyo niya dala ng pinagsamang antok at kawalan nang maayos na tulog.
Matapos makaligo at makapagbihis ay hindi na niya inabala ang sarili na tuyuin ang mamasa-masang buhok. Muli siyang lumabas ng silid at tinungo ang silid ni Monica. Marahan siyang kumatok pero walang naging tugon sa nakapinid na pintuan.
"Monica...err, I mean, Monique. Baby, are you up?"
Nagsimulang kumunot ang noo niya na siguradong luma-lalim na ang gatla sa hindi mabilang na pagkakataon niyang ginagawa iyon. Muli siyang kumatok at nang hindi siya muling sagutin ng dalagita ay pinihit na niya ang knob niyon.
Hindi naka-lock ang pintuan kung kaya malaya siyang nakapasok doon. Bahagyang nakasiwang ang liwanag sa makapal na kurtina. Inilibot niya ang paningin sa ilang bahagi ng silid. May ilang supot ng junk foods na wala ng laman ang nagkalat sa sahig, at ilang can ng softdrinks. Sa ganoong senaryo pa lang ay natitiyak na niyang may pino-problema ang anak.
Humakbang siya patungong kama at na-upo sa gilid niyon. Bahagyang lumubog ang bahagi na kinaupuan niya.
"Monique,"
Marahan niyang bigkas sa pangalang nais nito.
"Baby, tanghali na. Come and let's have some breakfast."
"Monica.."
Untag niya. Inalis ang comforter na tumatalukbong sa buong mukha nito. Saglit pa siyang natigilan nang makitang gising na gising ang anak at diretsong nakatingin sa kanya.
"I hate that name, daddy."
Mariing anito.
"What? I gave you that name though."
Salubong ang kilay na turan niya.
"I don't like it now."
Pinag-aralan niya ang itsura ng dalagita. Seryoso ito at hindi man lang kababakasan ng biro sa salita. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya hanggang maglapat na lamang iyon. Nag-iwas ng tingin ang anak niya at tatalikuran pa sana siya kaya kaagad niya itong pinigilan sa balikat.
"You're not just having a tantrum right?"
Seryosong tanong niya. Bihirang magmaktol ang anak niya. Kung mayroon man siyang labis na ipinagmamalaki pagdating kay Monica, iyon ay ang paglaki nito ng disiplinado, sa paraang hindi na kailangang dumaan sa parusa o palo, mapa-tsinelas man o piraso ng patpat.
She's already matured, unlike any other kids of her age, she thinks like an adult. Siguro dahil na din sa madalas ay sila-sila lamang ang magkakasama. She barely associate her self with other kids.
"You love me, daddy.. right?"
Kagat-labing anito. Natigilan siya nang marinig iyon, lalo pa at mabilis na pinangiliran ng luha ang anak.
"What kind of question is that? Of course, I love you. You're my daughter. Is this about... Sarah?"
Alanganing tanong niya. Nagseselos na ba ang anak niya sa oras na naigu-gugol niya dito?
"No, daddy. I'm actually happy for you and her already."
Mahinang tugon nito. Napangiti siya dahil doon. Dinala niya ang kamay sa ulo nito at hinagud-hagod ang buhok ng dalagita.
Matagal na hindi nakakibo si Monica na para bang pinag-iisipan nitong mabuti ang sasabihin.
" I don't wanna upset you.. "
" How's that possible?"
Malambing na tanong niya. Gusto niyang kabahan sa paraan ng pagbabago sa reaksyon ng mukha nito. She's wary, afraid, reluctant.
"Monic-"
"She's here, daddy."
Mabilis na anito.
"Who? Who's here?"
Takang aniya subalit sunud-sunod na patak ng luha ang isinagot ng dalagita sa kanya.
"I saw her. She spoke to me too.."
His stomach churns with disdain. Kahit hindi banggitin ni Monica ang pangalan ng tinutukoy nito ay mayroon na siyang ideya kung sino iyon. She doesn't need to articulate that name for him to know.
"Ilang beses na?"
Mahinahong aniya, kahit na ba tila nanginginig na ang buong katawan niya sa galit.
"She approached me twice, and talked to me twice. But I know, she's stalking me even before that."
Nag-igtingan ang panga niya sa narinig.
"Daddy, what if. What if she's -"
"She won't get you away from me Monica. I won't let her."
May diin na bigkas niya.