"What's wrong?"
Pukaw ni Chris kay Sarah na nakatitig sa kawalan. Nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi siya nito pansinin ay mariin niyang pinisil ang magkabilang pisngi nito.
"What?"
Asik ng binata nang samaan siya ng tingin ni Sarah.
Naiiling na dinampot niya ang baso ng alak at saka sumimsim doon. Hindi niya alam kung frustrated lamang ba ito dahil ilang araw na silang tumatambay sa Midnight's ay hindi pa din nila nati-tyempuhan si Jeremy. Bukod doon ay kapansin-pansin ang pag-babago sa kilos ng dalaga. Bagay na bago sa kanyang paningin.
Nakasimangot na inayos nito ang bra na unti-unti nang lumilitaw ang padding kaya lumingon siya sa ibang direksyon. Hindi pa din niya nakakasanayan ang barubal na kilos nito.
Muli sana niyang dadalhin sa labi ang baso nang mahinto at mapatitig sa lalaking masama ang tingin sa gawi nila. Ilang beses siyang napalunok bago pasimpleng nilingon si Sarah na sa baba, sa pinaka-dance floor nakatuon ang pansin.
"We have to leave."
Aniya. Kunot noong humarap si Sarah sa kanya bago sinipat ang relong pambisig, matapos ay humalukipkip kaya napangiwi siya nang maipon ang dibdib nito mula sa pagkakaipit sa mga braso nito.
"Maaga pa."
"No, it's already half past two in the morning. May lakad pa ako mamaya. We can go back again some other time."
"No. Maiiwan ako kung ganoon. Pwede ka nang mauna sa pag-uwi."
Tanggi nito.
"Sarah, it's late. We should call it a night."
Naglapat ang labi niya sa inis nang matigas na pag-iling ang isagot sa kanya ng dalaga.
"May ibang pagkakataon pa naman."
"I'll stay.."
"No, we'll leave!"
Aniya sabay tayo at hawak sa braso nito. Maang na na patingala si sarah sa kanya. Nagtataka sa kilos niyang iyon pero wala na siyang oras, o wala hindi niya magawang isatinig ang dahilan.
Bahagya niyang hinila patayo ang dalaga dahilan upang tumama ang bandang tiyan nito sa gilid ng mesa.
"I'm sorry-"
Natitigilang aniya nang lalo siyang bigyan nang nagtatanong na tingin ng dalaga.
Aalisin na sana niya ang kamay sa braso nito nang gawin iyon ng sinuman mula sa kanyang likuran at saka pwersahan siyang pihitin paharap.
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo Chris!?"
Mariin at halos magkalso ang mga panga ni Erick sa pagpipigil ng galit upang huwag makapagsalita ng higit pa sa sinabi. Ngayon niya napatunayang totoo ang ibinalita ng kaibigan niyang si Joseph sa kanya. Na muling lumitaw at tumatambay sa club nila ang binata. Sa mga pagkakataon na naroon siya ay ngayon lamang niya ito naabutan. Ngunit higit pang sorpresa ay ang kaalaman na kasama nito si Sarah na ilang araw na din siyang iniiwasan.
Ano't magkasama ang dalawa? Sa pagkakatanda niya ay wala ni isang pagkakataon na nagkasama ang mga ito sa nakaraan.
Nahinto sa pagala-ala ang utak niya nang bawiin ni Chris ang pulsuhan na mariin niyang hawak-hawak. Sa nakikita niya ay nagulat din ito, gayon din si Sarah na tahimik na nakamata sa kanilang dalawa, na matapos niyang bigyan nang nang-uusig na tingin ay mabilis na umiwas upang huwag magtagpo ang mga mata nila.
"How did you knew each other?"
Tanong niya. Pasiring na lumayo nang ilang hakbang si Chris sa kanya bago sumagot.
"Matagal na tayong magkaka-kilala, hindi ba? Since highschool.."
Sarkastikong anito. Sa tono at paraan nang pagkakabigkas ni Chris ay natitiyak niyang may iba pa itong nais na ipakahulugan. Kumuyom ang kamao niya.
"We both knew that you and Sarah aren't close, not even once that you've been acquainted with her."
"Things changed. As you can see.."
Naka-ngising lingon nito sa dalaga na lalong nagpainit sa dugo niya. Hindi na niya napigil ang sarili, kinuwelyuhan niya ito at saka padaskol na itinulak hanggang sa mapasandal sa barandilya. Dinig niya ang boses ni Sarah na pinahihinto siya pero naroon kay Chris ang buong atensyon niya.
"Ano ba Erick!"
Singit ni Sarah. Inihihiwalay ang mga kamay niyang mahigpigpit na naka-pulupot sa damit ni Chris.
"Kaya ba gayun nalang ang pag-iwas mo sa akin huh? Dahil dito?"
Asik niya, hindi inihihiwalay ang mga matang matalim na nakatuon kay Chris.
Nang magtagumpay na paghiwalayin ni Sarah ang dalawa ay kaagad na pumagitna ang dalaga. Sa gulat niya ay hinapit siya ni Chris papalapit sa katawan nito. Pumulupot ang mga braso nito sa nakahantad niyang tiyan bagay na lalong nagpa-dagdag sa galit ni Erick.
" Both of you are already over. Iwasan ka man ni Sarah ay wala ka nang pakialam doon Erick. She belongs to me now-"
"Erick!"
Hindik na tili ni Sarah nang hawiin siya ng binata palayo kay Chris at undayan ito ng suntok, subalit gumanti si Chris na para bang balewala dito ang ginawa ng binata. Hanggang sa magpalitan na ang mga ito ng kamao sa isa't isa.
"Chris tama na! Erick!"
Halos mamaos ang dalaga, sa lakas ng musika ay nilalamon lang niyon ang boses niya. Wala sa loob na pumagitna siyang muli sa dalawa at huli na para mapansin ang paparating na kamao ni Chris diretso sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla at ipinikit na lamang nang mariin ang mga mata.
Hinintay niyang maramdaman ang sakit sa alin mang bahagi ng mukha niya, ngunit walang kahit na ano ang tumama doon. Sa halip ay si Erick ang bumungad sa kaniyang paningin nang magmulat siya.
Ang isang braso nito ay nakataas at pino-protektahan ang gawi ng kanyang ulo.
"You okay?"
Tanong ni Erick. Bahagya siyang tumango. Maya-maya pa ay nadinig niya ang pagmumura ni Chris at saka ito tumalikod. Iniwan siya, at hindi man lang lumingon sa gawi niya. Hahabulin sana niya ang binata nang mas lumapit si Erick at magmistulang pader sa kanyang harapan.
"You can't get away. Not now, not ever."
Hindi siya hinayaang maka-piyok man lang ni Erick, hinablot nito ang kamay niya at saka siya hinila patungo sa likurang bahagi ng second floor.
Walang kibo na binuksan nito ang isa sa nakapinid na silid. Unang bumungad sa kanya ang mahabang sofa, isang medium size na glass center table, at dalawang flush seat. Sa bandang unahan pa ay isang malaking offisce table na may mangilan-ngilang libro na maayos na nakasalansan.
Napapihit siya sa likuran nang madinig ang pagsara ng pintuan. Doon lamang tuluyang tumahimik.
"Sound proof ang silid na ito."
Anito nang mapansin ang pagtataka niya. Napatirik na lang ang mata niya bilang tugon.
"Hindi mo dapat sinaktan si Chris."
Umpisa niya nang magsimulang humakbang papalapit sa kanya ang binata. Kaagad itong napahinto, bago sumama ang mukha sa pagkadinig sa pangalan ni Chris.
"He's an asshole."
"Bakit ikaw? Hindi?"
Siring niya.
"Depende sa kaharap ko."
"Talaga ba ? O, baka naman dahil hindi mo pa rin matanggap na si Chris ang naunang-"
"Don't start with that, Sarah!"
He warned.
Sa sinabi nito'y tila may pumitik sa tenga niya. After all, si Chris ang sinagot noon ng babaeng gustong-gusto nito.
"You didn't know what he did. You don't know him."
"Sa inyong dalawa, mas gugustuhin ko pang makasama si Chris! I'll choose him in a heartbeat, Erick. Wala ka di'ng alam, para umasta ka nang ganiyan!"
Sigaw niya sa harap nito.
"Then tell me! Bakit magkasama kayong dalawa? How long have you been together?!"
Ganting sigaw ng binata. Kung kaharap lamang nila si Chris sa mga oras na iyon, malamang ay lalong nagsiklab ito sa galit.
"Matagal!"
Tugon niya. Nabago man ang reaksyon ni Erick, nabahiran man nang bahagyang pagkagulat ang galit nito ay tila ba puputok naman na ang ugat nito sa leeg sa sintido.
"Narinig mo? Matagal! Naroon siya... Siya lang."
Nagsimulang gumaralgal ang boses niya. Paano niya sasabihin kay Erick ang mga bagay na ginawa para sa kanya ni Chris. Paano niya iyon masasabi nang hindi tinutuklap ang langib sa sugat na hindi na naghilom sa paglipas ng panahon.
Malakas na buntong-hininga ang tanging nagawa ni Erick habang nakatunghay sa kanya. Ilang sandali pa ay hinablot nitong muli ang kamay niya at saka siya hinila patungo sa office table. Padarag na hinila ang swivel chair. Nang maalis iyon ay tumambad sa kanya ang isang vault. Mabilis itong nag-punch ng code doon at nang mabuksan ay napalunok siya sa hilera at salansan ng perang papel doon. Kinuha nito ang isang bungkos, matapos ay muli iyong isinara.
"One hundred thousand pesos. Cold cash."
Anito sabay lapag sa palad niya ng pera.
Mula sa pagkaka-titig kay Erick ay bumaba ang paningin niya sa palad niyang may nakapatong na salapi, bago muling ibinalik sa binata ang mga tingin. Naiinis, natatawa niyang hinigpitan ang pagkaka-hawak doon.
"Naisip mo pa talaga ito?"
Tukoy niya sa pera.
"I have the money now. So let's go."
Bago pa man nito muling mahuli ang kamay niya ay kaagad na niya iyong iniiwas.
"Kaya kong maglakad nang hindi ka nakahawak sa kamay ko."
Angil niya at saka ito iniwan. Gigil na muli niyang ibinaba ang tingin sa pera bago napangiti nang mapakla.