KABANATA 17

1350 Words
Hawak pa din ang doorknob ay pinanood ni Sarah na ilapag ni Erick ang mga plastic bag ng mga pinamiling sa mesa. Sa lakas ng kalabog sa kanyang dibdib ay hindi magawang umalpas ng boses sa kanyang lalamunan. Gaano na ba katagal buhat ng makasama niya ito sa iisang lugar? Sobrang tagal na.. Isa iyong eksena na hinding-hindi na yata niya malilimutan pa. Dahil hindi lang puso niya ang huminto noong mga panahon iyon. Hindi lang ito ang nawala sa kanya.. Nag-igting ang panga niya sa ala-alang unti-unting lumilinaw sa kanyang memorya. Nang mag-angat siya ng tingin kay Erick ay kasalukuyan na din itong nakatingin sa kanya. Paano nitong nagagawa na humarap sa kanya na para bang maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Paano nitong natatagalan ang tila sibat niyang mga titig na kung mag ma-materialize lang ay baka natadtad na ang katawan nito at bumulagta na lang sa sahig. Paano nitong nagagawa na maging kalmado at ngumiti na para bang walang maraming taon ang lumipas. "Paano mo nalaman kung saan ako tumutuloy?" "I have my ways.." Naipikit niya ang mga mata sa inis. Marahil ay sinundan siya nito noong magkita sila sa shelter. Kung alam lang niya aabot ito sa punto na pupuntahan ang lugar niya, disin sana'y hindi muna siya dumiretso ng uwi. "Bakit ka narito?" Tanong niya nang sa wakas ay kumalma ang nagre-rebeldeng dibdib. "I want to see you." "Hindi mo naisip kung gusto din ba kitang makita?" Ingos niya na tila balewala lang dito. "Looking at you now, I'm sure you don't wanna see me." Kaswal na sagot nito bagay na lalong ikinainis niya. "Oh, eh 'di umalis ka na." Turo niya sa nakabukas na pintuan. "Sarah.." Sambit nito sa pangalan niya na animo hindi mabilang na karayom na tumusok-tusok sa puso niya. Wala sa hinagap, o kahit sa panaginip man lang na naisip niyang magkikita pa sila ni Erick. At kung siya ang pa pipiliin ay ayaw na niya itong makita pa. Binanggit lang nito ang pangalan niya pero ibayong sakit na ang naihatid niyon sa buong sistema niya. Ipinilig niya ang ulo upang iwasan ang pagragasa ng mga ala-ala. Ang pakikipaghiwalay nito sa kanya dahil sa nakabuntis ito habang tila siya isang masunuring aso na naghihintay sa pagbabalik nito. Ang pagtalikod nito sa kung ano ang mayroon sila.. Ang pagkamatay ng nanay niya.. Ang pagtakwil sa kanya ng kapatid na si Jamila.. Ang pagtira niya sa tiyahin.. Pagkupit sa pera nito upang lumuwas lang sa Maynila..na ang tanging dahilan pa din ay ang binata. "Sarah.." Gulat, at otomatikong napa-iwas si Sarah nang tangkain siyang abutin ni Erick. Kunot-noong nakatitig ito sa kanya. "Sorry, I didn't mean to startle you. Bigla ka kaseng natahimik... I mean you're spacing out." "Makakaalis ka na." Pag-uulit niya. "No, I want us to talk.." Iling nito. Natitigilang tiningala niya ito ng tingin bago pagak na natawa. "Talk? Wow, close ba tayo? Ang pagkakaalam ko kase, wala na tayong kailangan na pag-usapan eh. Maaaring may nakaraan sa pagitan nating dalawa pero matagal na iyong natapos. Tinapos mo, Erick! Ngayon ay bigla ka nalang susulpot sa harapan ko na para bang okay tayo, at magde-demand ng talk? Siraulo ka ba?! " Halos hingalin na bulyaw niya dito. Kung may makakadinig sa kanila sa labas ay iisiping may away na nangyayari. " I, Uhm.. I didn't mean it like that. " Nabibiglang ani Erick. Hindi nito akalain na kayang sumigaw nang ganoon kalakas ng dalaga. Matalim ang tinging ipinupukol nito sa kanya at halos malasahan niya ang pait sa galit na ipinapakita nito. Batid niyang hindi pa siya napapatawad ni Sarah. Hindi din niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya upang tuluyang lumapit dito at umasta na para bang isa itong kaibigan na matagal lang na nawalay. Kahit yata sino ay hindi magugustuhan ang ganoon. "Wala akong gustong pag-usapan lalo na sa iyo, Erick." "Just a few minutes.." "No." "Sarah, please. Just for a little while?" "Ano ba'ng mahirap intindihin sa no? Ayoko nga 'di ba? Bakit ang kulit mo." Duro nito sa dibdib niya. "Dahil alam ko' ng pagkatapos nito ay iiwasan mo ako. And who knows if you are still here after this day! I've been looking for you everywhere for God knows how long, Sarah!" "Sinungaling!" Singhal nito sa kanya sabay tulak sa kanyang dibdib. Napa-hakbang siya ng ilang beses pero bago pa man siya makahuma nakalapit na ulit ang dalaga at muli siyang itinulak. Sa pagkakataong iyon ay palabas na ng pintuan. "Hinanap mo ako? f**k you! Umalis ka na bago tuluyang magdilim ang paningin ko sa iyo! Alis na!" Hinuli niya ang mga kamay nito bago pa man siya muling maitulak, at tuluyang makalabas ng apartment. "Nagsasabi ako ng totoo. Hinanap kita, paulit-ulit na hinanap, pero si Jamila lang ang nakita ko.. She told me na naglayas ka sa bahay ng tiyahin mo at hindi na nagpakita pa.. I looked everywhere, Sarah.." Desperado niyang pahayag. Kay tagal niyang naghintay na muli itong makita. Nasuyod na nga yata niya ang buong Pilipinas pero anino man ng dalaga ay hindi niya natagpuan. Kaya nga ba, ngayong narito na ito, abot na ng kanyang tanaw, nahahawakan..nasisigurong hindi basta isang panaginip na lang ay hindi niya kayang umalis, kahit na ba abot yata hanggang langit ang galit nito sa kanya. "I'm sorry...for everything." Buong puso niyang sinabi. Malaki hindi lang ang pagkukulang, kundi maging ang kasalanan niya dito. He can't imagine the pain that he'd caused by leaving her. Sa mismong araw pa man din na kailangang-kailangan siya nito. It's too late when the news was brought to him. And before he knew it, she's nowhere to be seen. "You can curse me. Tell me how much you hate me, anything. But please, don't push me away.." Sunud-sunod na hikbi ang naging sagot ni Sarah, subalit nang tangkain niya itong yakapin ay patulak siya ulit nitong pinalayo at hindi na kumibo pa. Sa pagkakataong iyon ay mas gugustuhin pa niyang mura-murahin at itulak-tulak ng dalaga, kaysa makita itong unti-unting nauubusan ng lakas sa pag-iyak. "Let's get inside?" Hinawakan niya ito sa mga balikat at iginiya papasok. Ini-upo sa mahabang plastic na upuan at ikinuha ng isang baso ng tubig. Nang i-abot niya iyon sa dalaga ay walang kibo nitong tinanggap ang inumin subalit nanatili lang iyon sa mga kamay nito. "Umuwi ka na Erick." Napabuntong-hininga si Erick sa sinabing iyon ni Sarah. "I told you, I won't go, not unless we talk." "Hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto mo'ng pag-usapan natin." Anito kasabay ng malamyang pagtawa. "Hindi naman na natin kilala ang isa't isa." "What do you mean? It may have been years Sarah-" "Iyon na nga, sobrang tagal na. At sa mga panahong iyon, hindi na natin kilala ang isa't isa." '"You're wrong." Iling niya, "Umalis ka na, may pupuntahan din ako." Pagtatapos nito. "Where?" "Bakit kailangan ko ba na sabihin iyon sa iyo? Sa pagkakatanda ko ay patay na ang nanay ko. Kaya, who you?" Tikwas ang kilay na anito. Naglapat ang labi niya pero hindi niya nagawang sumagot. "Ihahatid kita." "No, thanks." Mabilis na sagot nito. "Importante ba ang pupuntahan mo? Saan ba?" "Bakit ba ang kulit mo? Huwag mo nalang sayangin ang oras ko, dahil oo, tama ka importante ang pupuntahan ko." Anito sabay tayo. Humarang siya sa daraanan nito kaya muli siyang nakaani ng matalim na tingin sa dalaga. "Gaano ka-importante? I'll pay for it. Babayaran ko ang gabi mo kahit na magkano. Name your price." Seryosong aniya. Awang ang bibig na napa-tulala si Sarah sa kanyang harapan. Matapos ay namula ang mukha nito, hindi sa kaaya-ayang dahilan, kundi dahil sa galit, o marahil ay pagka-insulto. Naitikom niya ang bibig nang mawari kung ano ang dating ng mga sinabi. Pihadong lalo itong magagalit sa kanya. "T-teka.. That's not how it sounds like." Kaagad niyang kambyo bago pa man makapagsalita si Sarah. "Isan' daang libo." "W-what?" "Cold cash." Dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Wala akong ganoon kalaking pera sa bulsa, Sarah." "Eh, 'di mabuti. Alis na." Wasiwas nito ng kamay sa harapan niya at saka siya tinalikuran patungo sa nakapinid na pintuan ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD