"Monique?"
Namamanghang ani Sarah nang buksan ang pintuan ng apartment at tumambad sa kanyang harapan ang dalagita.
"Hello, ate Sarah. Aalis ka ba?"
Tanong nito nang mapansin ang gayak niya, partikular sa suot niyang pantalon na na animo pinagtripan sa punit-punit niyong disenyo mula tuhod hanggang itaas ng hita.
"Maggo-grocery lang naman sana.."
"Can I come with you?"
Sasagutin sana niya ito nang, sa ibang araw na lang, pero kumibot-kibot lang ang labi niya habang nakatitig sa mukha nito. Mukhang malungkot ito kahit na ba nakangiti. May parte sa kanya ang nagsasabing huwag masyadong idikit ang sarili sa dalagita, pero animo ito isang magnet na hindi niya magawang takasan. Napakamot siya sa pisngi bago kibit-balikat na tumalikod at ini-lock ang pintuan.
"Alam ba ng Daddy mo kung nasaan ka?"
Tanong niya. Pansin niyang wala itong dalang sasakyan, dahil kung mayroon ay nagprisinta na itong ihatid siya sa nais puntahan.
"I called him. Wala naman siya sa bahay. I think uncle Joseph needs his assistance on something.."
Tila nag-iisip na sagot nito.
"And my daddy Florence isn't home too. Nasa munisipyo."
"Munisipyo?"
"He's the mayor."
Otomatikong napalingon si Sarah sa dalagita.
"Sinong Mayor?"
"Mayor Florence James Moncillo."
Proud na anito habang siya ay parang aatakihin ng hika kahit wala naman siya niyon. Apo ito ng isang politiko, hindi lang basta isang politiko, kundi maimpluwensyang tao. Isa ito sa pangunahing sponsor sa art exhibit/conference na nadaluhan niya at kinabilangan ng kapatid ni Bianca na si Ellie. Kung gayon ay hindi basta-bastang dalagita ang nasa harapan, at bakit pakalat-kalat ito nang walang kasama?
"Hindi kaya magkasabit ako dahil sa pagdikit-dikit mo sa akin?"
Aniya habang naghihintay ng masasakyang jeep.
"Hindi naman. I swear."
Nakataas ang kamay na pangako nito. Nang may humintong jeep sa harapan nila ay ito pa ang naunang umakyat pasakay. Naiiling na sumunod na lang siya at pinanood itong mag-abot ng bente pesos para sa kanilang dalawa.
"I thought we're going to grocery shop."
Ungkat ni Monica nang bumaba sila sa tapat nang isang mall.
"Meron naman d'yan sa loob. Tara?"
Nakangiting akay pa niya sa kamay nito. Pero dahil hindi siya madalas magpunta sa mall ay nangangapa pa siya kung saan unang dadalhin ang kasama.
"Ang totoo, unang beses ko na maglibot sa mall. Hindi ko kabisado ang mall na ito. Masyadong malaki."
"Seriously? I actually think na laman ka ng shopping malls."
"Hmn, minsan lang. Pero hindi dito."
"Where then? Palengke?"
"Nope.."
"Ukay-ukay?
Umiling siya.
" Online?"
"Hindi din."
Natatawang aniya.
"Sa lugar na tinirhan ko sa Japan mayroong night market. Iyong mga kalye, madalas puno ng paninda. Iba-iba, halos lahat ng kailangan mo naroon na. Pero iyong mga pagkain talaga ang madalas kong suyurin kapag nagpupunta ako sa night market."
"So, all this time nasa Japan ka pala? Bakit hindi naisip ni Daddy na nasa ibang bansa ka... "
"Ano iyon?"
Lingon ni Sarah sa dalagita nang hindi niya masyadong nadinig ang sinabi nito. Nagugulat na umiling-iling ito.
"Hindi ko lang naisip na sa ibang bansa ka pala tumira. Kaya pala ang ganda ng skin mo. Anong ginagawa mo doon?"
Anito matapos sumabay nang paglalakad sa kanya.
"Performer, entertainer."
Maiksi niyang sagot.
"Really! Eh 'di marunong ka' ng kumanta at sumayaw?"
Excited na tanong nito. Tumango siya bagaman hindi siya sigurado kung bakit tila big deal iyon dito.
"I know where to go first!"
Bigla ay bigkas nito. Hinuli ang kamay niya at saka siya hinila patungo sa escalator.
"There!"
Turo ni Monica sa arcade center, particular sa arcade dance machine.
"Parehong kaliwa ang paa namin ni Daddy kaya wala kaming pag-asa sa dance machine."
"But maybe you can teach me how."
Anito at saka siya hinila papasok sa loob.
Hindi niya alam na desidido pa lang magpaturo sa dance machine si Monica dahil hindi sila tumigil hangga't hindi ito nakaka-combo ng steps. Matapos niyon ay sa singing booth sila lumipat. Doon niya nalaman na bukod sa parehong kaliwa ang paa ng dalagita ay tone deaf din ito. Nang sumuko ang lalamunan nito sa pagbirit ay nag-aya itong kumain. Pinili nito ang Japanese restaurant.
"Sigurado ka na gusto mo dito?"
Tanong niya habang nakatingin sa menu.
"Yep, parang gusto ko ng Onigiri, tsaka Onmitsu, and mochi. It sounds delicious."
Sagot ni Monica habang hinahanap sa menu ang mga binanggit na pagkain. Nagpa-kwento kase ito nang mga ginagawa niya sa Japan. Kung anong klase ang buhay doon, at kung ano ang mga kinakain niya. Bigla ay naging interesado ito doon. Nang tanungin niya ito ay gusto daw nitong magbakasyon doon.
"Kanina ka pa tanong nang tanong tungkol sa akin. Eh ikaw?"
Aniya nang maka-order sila at naghihintay na lamang na mai-serve iyon.
"Ako?"
"Wala ka naman ibang katabi, malamang ikaw nga."
Ingos niya sa dalagita. Tumatawang inabot nito ang baso ng tubig at lumagok doon.
"What about me?"
"Bakit bigla ka na lang sumulpot sa harap ng apartment. Mayroon naman akong number sa cellphone mo."
"Para sigurado na hindi ka tatanggi na makita ako."
Tugon nito na para bang alam na alam nang iiwas siya. Nangiti siya dahil hindi ito nagkakamali. Wala talaga siyang balak na i-entertain ang dalagita. Pero iba ang pagkakataon na iyon. Hindi niya makapa o maatim sa sarili na tanggihan ang presensya nito.
"Oh, eh bakit nga ba? Problema ng mga mayayaman, walang makasama dahil busy sa pagpapayaman lalo ang magulang? Naiiwan mag-isa sa bahay ang anak kaya nililibang na lang ang sarili kasama ang isang eatranghero? "
Taas kilay na aniya. Natigilan siya nang sumimangot ito at lumarawan ang inis sa maganda nitong mukha.
"Hindi ganoon si Daddy, o si Daddy Florence . They have duties, but they're not greedy when it comes to money."
Mariin nitong sagot.
Napapahiyang napatuwid siya nang upo. Foul nga naman ang sinabi niya.
"Sorry.."
"It's okay. They're just.. They don't deserve to be talked like that."
"Tatandaan ko iyan."
Nakangiting aniya.
Nang dumating ang order nila ay doon na lang itunon ni Sarah ang atensyon. Panaka-naka niyang minamasdan si Monica na panay ang pagbibigay ng komento sa mga pagkain nito.
Matapos ang pagkain ay nag-aya naman ang dalagita sa cinema. Ang inaasahan niya ay matured movie ang pipiliin nito, marahil ay iniisip niyang, kumpara sa edad ay matured na itong mag-isip ang magsalita? Pero cartoons ang pinili nito bagay na ikinatawa niya. Perhaps she's still a child..
"Thank you, ate Sarah."
Ani Monica nang maihatid siya sa apartment. Dumidilim na nang makalabas sila sa mall bitbit ang mga grocery items niya. Nagpasundo ang dalagita sa driver nitong si Pol. Sa pagkakataong iyon ay buong pasasalamat na hindi siya tumanggi dahil nananakit na ang mga binti niya kakalakad. Wala siyang binatbat kay Monica pagdating sa paglalamyerda.
"Next time, tawagan o itext mo ako, para siguradong narito lang ako sa apartment kapag pupunta ka."
Aniya matapos makababa. Sa gulat niya ay dumukwang si Monica upang mas makalapit sa harapan niya.
"Talaga?"
Nabibigla, natutuwa nitong tugon.
"Oo,"
Sagot, at tango niya. Hindi man nagsalita ang dalagita ay batid niyang may pinoproblema ito ng araw na iyon. Kaya nga ba kahit na naghuhumiyaw na sa ngalay at sakit ang mga paa at binti niya ay hinayaan niyang kaladkarin siya nito sa kung saan-saan nito naasin.
"Then, I won't hesitate to visit you next time."
Naka-ngising anito.
*At nagdadalawang isip pa pala ito nang magtungo sa apartment?*
Natatawang nasa isip niya.
"Sure."
"Thanks. Bye, ate Sarah!"
Kaway nito at saka isinara ang pintuan sa passenger side. Nang makaandar ang sasakyan ay tsaka lamang siya nakahinga nang maluwag. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa apartment nang makarinig nang sasakyan na bumukas naman.
Muntikan pa niyang mailaglag ang mga plastic bag nang ma-sino iyon.
"Erick?"
Hindik na anas niya, pero ang paningin nito ay nakatuon sa direksyon na tinahak ng sasakyan ni Monica.
"Anong ginagawa mo dito? Paano?"
"Good evening, Sarah."
Bati ni Erick. Lumapit ito at inabot ang mga dalahin niya. Sa gulat ay hindi niya nagawang mag-protesta, o kumilos man lamang.
Awang ang labi na nasundan niya ito nang tingin habang naglalakad patungo sa harapan ng apartment.
"It's your door right?"
Turo nito sa pintuan. Wala sa loob na napatango siya.
"Then open it."
Nakangiting anito na muntik na niyang ikasamid. Ngunit ang higit na ikinatataka niya ay katotohanan na tila may sariling buhay ang mga binti niya na sumunod sa sinabi nito.
Pakiramdam ni Sarah ay nabudol-budol siya, o nahipnotismo kaya? Dahil natagpuan na lang niya ang sarili na binubuksan ang lock ng pintuan habang diretsong nakatunghay sa mga mata ni Erick.