Padaskol na isinara ni Crane ang pinto ng kanyang silid gamit ang kanyang paa habang hindi pinuputol ang marahas na halik sa akin. Ramdam ko ang nagbabagang galit at selos na humahalo sa kanyang pagnanasa. Inihagis niya ako sa kama—hindi masakit, ngunit sapat na para maramdaman ko ang kanyang awtoridad. Bago pa ako makabangon, nasa ibabaw ko na siya. Ang kanyang mga kamay ay mabilis na hinuli ang aking mga pulso at itinaas ang mga ito sa ibabaw ng aking ulo, diniinan niya ang mga ito gamit ang isa lang niyang kamay. "Ano, Meisha? Masaya ka ba na nakita mo ang Denver na 'yon?" bulong niya, ang boses ay puno ng poot. "Ang tamis ng ngiti mo sa kanya, ha? Pero sa akin, puro pag-iwas ang ginagawa mo. Gusto mo bang siya ang gumagawa nito sa'yo? Ha?" "Crane, nasasaktan ako..." reklamo ko, pero

