GINTO kung ituring ni Veronica ang phone niya, hindi dahil sa mamahalin ito kundi dahil naroon ang mahahalagang mensahe at contacts niya. Panay ang kapa niya sa bulsa pero hindi niya mahanap doon ang telepono. Napansin naman iyon ng kaniyang kaibigang si Stella. She wasn’t aware where she put her phone. All she thought was that, it was inside her pocket. Luminga-linga pa siya sa sahig pag-aakalang nalaglag lang ito. Pero kahit ang ano'ng hanap niya sa paligid niya, walang phone na nagpapakita sa kaniya. Doon na lalong nag-alala si Veronica. Sa pagkakaalam kasi niya, hawak lang niya ang sariling phone bago siya lumabas ng dressing room. “What's wrong?” sita ni Stella sa kaniya nang mapansin nitong wala siya sa sarili. Ikot na kasi ang mga mata niya sa paghahanap. “My phone,” wika niya.

