prologue
Manhattan, New York
HUMINTO si Lindy sa tapat ng pinto ng Repro Lab.
Kinakabahan siya sa nakatakdang gagawin. Ngunit yari na
ang desisyon niya. Nakahanda na ang lahat. Naka-ready
na ang sperm na ii-inseminate sa kanya na mula sa isang
anonymous donor.
Yes. She was about to undergo artificial insemination.
She was ready to conceive a child without a father. She did
not need a husband. She only wanted a child.
Ang sabi ng best friend niyang si Maris ay baka nabibigla
at nagrerebelde lamang siya sa kanyang sinapit. Ang sabi ng
kaibigan ay huwag siyang magpadalos-dalos ng desisyon.
Palipasin daw muna niya ang dalawa hanggang tatlong
buwan bago magdesisyon uli sa gusto niyang gawin. Kapag
malinaw na ang kanyang isip at kahit paano ay makaka-
move na.
Tatlong linggo pa lang ang nakakalipas mula nang iwan
siya ng kanyang fiancé na si Alvin. Or she must say, ex-fiance.
They had been together for three years. They were about
to get married. But three weeks before their wedding, she found out that was having an affair with his childhood
friend. He broke off their engagement. He left her feeling devastated.
She was thirty years old. Her clock was ticking. She wanted to settle down so badly. She wanted to have a
husband and children, a family of her own. Ang akala niya
ay natagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng
habang-buhay. Nagkamali siya.
Kaya sa panahong nagdadalamhati sa sinapit ay nakaisip si Lindy ng isang desisyon. Gusto na lamang niyang
magkaanak, ayaw na niyang mag-asawa. Ayaw na niyang magmahal uli.
Kaya siya naging exposed sa ideya ng artificial
insemination at sperm donors ay dahil kay Dr. Martina
Adams na isa sa pediatricians sa USD Medical Center, ang
ospital na pinagtatrabahuhan niya bilang nurse. Thirty-
five years old na ang doktora at hindi pa rin nakakapag-
asawa. Kaya naman sumailalim ang babae sa artificial
insemination pagkatapos nitong bumili ng semilya na
nagmula sa isang anonymous donor sa Repro Lab. Sa ngayon
ay magdadalawang taong gulang na ang anak ng doktora.
Binubuhay ni Dr. Martina ang anak nang mag-isa.
Naisipan niyang gayahin ang doktora. A week ago, she
went to that sperm bank with Maris. Namili siya sa listahan
ng anonymous donors kung saan nakasulat ang physical
characteristics at profiles ng mga lalaki. Ngayon nga ang
schedule ng kanyang insemination.
She wanted to have a child so badly. Alam niyang sa
oras na magkaroon ng anak ay magiging masaya siya.
Makakalimutan niya ang ginawa sa kanya ni Alvin. Hindi
na siya maghahanap pa ng lalaking magmamahal sa kanya
dahil sapat na ang magiging anak niya para pasayahin siya.
Bubuhayin ni Lindy nang mag-isa ang kanyang anak.
Hindi niya kailangan ng lalaki para mag-provide para sa
kanila. She would be her child's mother and father at the
same time. She was a strong woman. She could fare well
being a single mother.
Huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang door
handle. She was ready.
She was ready to get pregnant.