SEULGI'S PINK DIARY
Seulgi's POV
"BEESSSS!! TIGNAN MO YUNG BAGONG PINOST SA GROUP PAGE NI FAFA BLAKE!!" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Patulog na sana ako ngunit nagising ang aking buong diwa sa sinabi ng bestfriend ko.
Kasalukuyan kasi kaming nagpa-pajama party kasama ang dalawa kong bestfriends na sina Aleyah at Itsuki.
Simula first year high school ay sila na ang kasama ko. Ngayong nag third year highschool ay kami parin ang magkakasama. Minsan nakakasawa na nga ang pagmumukha nila e—joke. Baka pagtulungan pa ako ng dalawa HAHAHA.
At dahil magbe-bestfriends na kami noon pa ay alam na namin ang isa't-isa. Simula noong mga baby pa kami na palaging naiihi sa panty hanggang sa nagdalaga at may mga crushes na.
Crush lang pala ang meron ako, walang "ES".HAHAHHAHA. Loyal lang kasi ako sa isa. Loyal ako kay Blake.
Kung sino siya? Well, siya lang naman yung lalaking unang nagpabihag sa aking puso. Gwapo, matangkad, singkit, maputi, mayaman, sporty, may abs , at mabait pa! In short, heart rob siya sa school namin. And yeah, hindi lang ako ang nagkakagusto sakanya. Pch. Andami kong ka-agaw.
"OH EM JI! Ganda ng built ng kanyang abs bes!Wohhhh!!"
"Tumahimik ka jan Itsuki. Abs ng mga crush mo pagnasaan mo huwag yung future husband ni Seulgi."
"Hindi ko kaya pinagnanasaan!Kino-complement ko lang! Super judgemental naman nito!"
"Kaya lab na lab ko talaga si Aleyah e" niyakap ko si Aleyah at ganoon rin ang kanyang ginawa.
"Oh sige! Pagselosin niyo ako,lagot talaga kayo sa'kin!" pinagtawanan lang namin siya na siyang dahilan kung bakit niya kami kiniliti dalawa.
"HAHAHAHAH HOY TAMA NA 'YAN!"
"Nakakakilitiiiii!!"
Tumigil naman siya at tumawa. Habang kaming dalawa ni Aleyah ay naghahabol ng hininga.
"Back to topic nga tayo! So anong meron nga ba Aleyah?"
"May update na sa group page ni Blake"and dahil nga sa heart rob siya sa school. Andami niyang fan girls na umabot sa point na ginawan siya ng group page ng mga 'yun sa f*******:. Syempre kasali ako sa group page nayun! Hindi ako pwedeng magpahuli sa balita noh!
Binasa ko ang pinaka-latest update ng admin na yun sa group page. May kasama itong picture ni Blake na may abs na siyang kinomplement ni Itsuki kanina.
Admin_Chichi0987
ANNOUNCEMENT:
•Blake Ace Stallion ay may crush sa school!!This is not a fake news! Totoo 'to. Narinig ko silang nag-uusap ni Ashton Standford kanina. Hindi ko pwedeng ilagay dito yung convo nila. Basta yun lang ang masasabi ko sainyo. Kung sino man ang babaeng yun ay maswerte siya!Support ako sakanilang dalawa ni Blake!
537klikes 836k comments 15.89k shares
——————————–——–———
Dyosugh: Omaygadd!! Sino si ate gurlll!! So lucky naman!
215 likes 75 replies
Ejej: Wa7@nG aAg@W kAY F@fA B7aK3 KhowXz!!ShAkHen 7@nG sHa!!!?????
569 angry 1k replies
Ejej:S3rYøsø?AnGrY t4@7aGazxznxn?
GwapoNgBuhayMo: Congrats parekoy! Sa wakas hindi ka na torpe! Yan ang mga gwapo!?
Ashton_Standford:Can't wait to see you asking her out @_Blake69. HAHAHA bawal magpakabakla ha? Ingatan mo rin yung pahina. Yan lang ang meron ka sa ngayon ??
72k wow 20 replies
_Blake69: Shut up dre. Si @TrisFerell04 lang ang bakla sa'tin.
107klikes 1replies
TrisFerell04:Mga gago to! Sinasali pa ako sa mga kabaklaan. Huwag niyo nga akong pakealaman muna. Busy ako kay babe!?
40khaha 1replies
Ashton_Standford:Babe mo mukha mo ulol! Wala ka nun! Binasted ka nga ni @Kyeopta_Itsuki. Oopss ? na mention. Sorry. Napindot✌?
15khaha 1replies
TrisFerrel04:Tangina? delete mo yan. Kundi sasabihin ko kay @AleyahKim na gusto mo siya. Opps. Sorry rin bro. Na-mention✌️?
20klove 1replies
_Blake69: Ambabakla talaga ninyo. Nakakahiya kayo!?
99klike 1replies
TrisFerell:Porket walang f*******: yung crush mo mamaliitin mo na kami!??
100klike 1replies
Ashton_Standford: Kaya nga?
view more comments...
"Wow! Na-mention pa tayo bes!"
"Famous na ba tayo nito Itsuki?"
"Mukhang ganun na nga HAHAHAHA" at nag-apir silang dalawa.
Minsan nakaka-selos rin sila eh. Kasi pinapansin sila ng mga crush nila. Si Itsuki may isang Tristan Ferell. Tapos si Aleyah ay may Ashton Standford. Mga heart robs din ang mga 'yan pero nagawa parin nilang mapansin ang dalawa kong kaibigan. Pero yung crush ko, ni-first name ko hindi niya alam! Mukhang hindi niya nga rin alam ang existence ko sa mundo eh.(T-T)
"Pero yieee. Crush ka daw ni Fafa Ashton?Naku. Ibang level na yan te!"
"Huwag mo akong ma-ano jan Itsuki. Anong meron sainyo ni Tristan?"
"Ahihi. Ano—secreett"
"Secret secret pa, ibubulgar din naman!"
"Edi kayo na!" pagsingit ko sakanilang usapan. Napanguso ako at napahalukipkip habang nakatingin sa aking diary.
Mabuti pa kami ng diary ko, may forever sa'ming dalawa.
"Ays. May nagluluksa dito."
"Nga naman. Papaano ba yan? May ibang gusto si Blake?"
"Wala akong pakealam! Huhu. Bakit ba kasi hindi niya ako mapansin-pansin!?" wahhhhhh i hate myself! Ano ba kasing meron sila na wala ako!
"Diba nasabi ni Tristan na yung crush ni Blake ay walang f*******:?" napalingon ako kay Aleyah.
"And/So?" sabay naming sambit ni Itsuki.
"Wala kang f*******: Seul. Baka ikaw yung tinutukoy nila!!" sabay kaming napairap ni Itsuki.
"Sa dinami-dami ng babae sa school natin baka hindi lang si Seul ang walang f*******:!Tsaka hoy, huwag mo nga siyang paasahin!" panunumbat sakanya ni Itsuki. Sa totoo lang, dahil sa sinabing iyon ni Aleyah ay umaasa na ako. At hindi na ito matatanggal sa aking sistema.
"Oh bakit ka umiiyak?" hindi ko pala napansing umiiyak na pala ako. Pinahid ko ang aking mga luha tsaka napangiti ng mapait sakanila. Binigyan naman ako ng dalawa ng mapa-echoserang tingin.
"Oh? Anong iniisip niyo?"
"Ayses. Feeling ko hindi simpleng pagkaka-crush lang ang nararamdaman mo para kay Blake e."
Kumunot ang aking noo." Anong pinagsasabi mo jan?" itong si Itsuki talaga binibigyan ng malisya lahat ng ginagawa ko.
"Sa tingin mo bakit ka umiyak?" seryoso niyang tanong.
"Ewan ko."
"Naku Seul. Baka tama si Itsuki. Baka hindi mo na siya crush kundi mahal mo na siya!!" napasimangot ako sakanilang pinagsasabi.
Seriously? In love? That's ridiculous.Gusto lang siguro, oo. Ni hindi ko pa nga nakausap yang si Blake e. Kaya bakit ako mahuhulog sa lalaking yun?
"May advice kami sa'yo!!" kahit gusto kong umayaw ay naki-ride na lamang ako.
"Ano na naman ba?"
"Icheck natin kung si Blake na ba talaga ang THE ONE mo." at in-emphasized pa niya talaga ang salitang 'the one' ha?
"What do you mean?"
" Sabi ng mga pinsan ko effective daw 'to." may isinulat na kung ano si Itsuki sa Pink kong diary.
5 signs to prove that he's the one
"Seriously? Gusto mo akong bumalik sa pagiging jeje?" para sa'kin kasi napaka-ako nito. BASTA! AYAW KO TALAGANG GAWIN!"
"Duh. Hindi lang mga bata ang gumagawa niyan. May ibang high school students rin! "ani Aleyah.
"Yeah. Most of them are grade seven students. Am i right?" at inosenteng tumango silang dalawa. At sabay pa nila ginawa yun ah!
"Gusto niyo ring gawin ko kung anong ginagawa ng mga grade seven?" gusto kong matawa sa ideyang ito. I mean, sinong baliw ba ang gagawa ng ganitong kalokohan? Alam naman nating impossible ang mga ganitong bagay. Gawa-gawa lang ang mga 'to ng iilan para libangin ang sarili nila.
"I'm too old for this!" reklamo ko pa ngunit hindi tumalab ang pagrereklamo ko sa dalawa.
Ilang beses ko pang sinubukang tumanggi kaso blinack mail nila ako! "Okay fine. So anong gagawin?" sa wakas ay naisipan ko naring sumuko.
"Ilagay mo lang yung limang bagay na gusto mong maging sign ko siya na ba talaga. Example:
1)Makakasabay ko si Blake sa bus bukas ng hapon, bago sumapit ang alas singko.
Ganern ganern lang. Ikaw na ang bahalang jumema jema." madali ko namang nagets ang gusto niyang ipahiwatig.
Kinuha ko mula kay Itsuki ang cute kong pink ballpen at pink na diary.
Iniwan muna ako ng dalawa tsaka gumawa ng sarili nilang mundo para hayaan akong makapag-isip.
Hmm..ano kaya ang pwede?Wala akong maisip!
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko narin ang limang signs na yun. Tinawag ko silang dalawa at excited silang nakinig sa'kin.
1) Matapos dumaan ang sampung jeep na kulay pink ay dadating ang taong gusto ko.
2) During sa practice nila, dapat makita kong kulay pink ang towel na ginagamit niya.
3) Kapag nagkasalubong kami sa lobby na malapit sa library ng dalawang beses sa isang araw ay siya na.
4) Kung ano ang kakainin ko sa lunch time this Friday ay ganun rin ang kakainin niya.
5) Kapag may nakita ko siyang nay hawak-hawak na pink roses sa rooftop, wala na akong takas. Siya na talaga.
"MYGAHD SEULGI!! ANG HIRAP NAMAN NITO!!"
"Wala na talaga finish na." napasimangot na lamang ako sa kanilang reaksyon.
Akala ko ba kung anong gusto kong sign ay yun ang isusulat ko dito?
"Unang-una, hindi sumasakay sa pampublikong transportasyon si Blake dahil may sarili siyang taga-hatid sundo. Pangalawa, he hates pink!Kulang nalang yata ilibing niya yung taong nagpauso ng pink na yan e! Pangatlo, hindi siya dumadaan sa lobby na malapit sa library kasi magkaiba tayo ng building! Grade 10 kaya yun!Nasa kabilang building siya! Pang-apat, hindi siya kumakain tuwing lunch. Ewan ko kung bakit, hindi naman ako stalker. At panghuli, hindi siya mahilig sa mga bulaklak! Though may chance kang makita siya sa rooftop pero ang humawak ng boquet of roses tapos kulay PINK pa? Nah.nevermind. "mahabang lintaya ni Aleyah. Kinuhanan pa siya ng tubig ni Itsuki na agad niya ring tinungga.
"Grabe! Ang haba ng sinabi mo bes!" sabi ni Itsuki.
"Kaya nga mas challenging e! Ayaw kong maniwala sa mga ganito pero dahil pinilit niyo ako ay aba, gagawin ko na kung anong gusto ko! Tsaka..ayaw kong umasa dahil lang natupad yung limang simpleng signs. Kaya pinahirapan ko na. Kapag nangyari lahat ng mga 'yan ay maniniwala na talaga ako sa mga ganyan. Pero sana, habang nangyaring ang limang signs na sinulat ko, mapansin na niya sana ako. Wala kasing kwenta ang signs kung ganoon parin ang status namin. Strangers." tinapik ni Itsuki ng dalawang beses ang aking balikat.
"Kaya mo yan bes! Ikaw pa!"
"Fighting!" pagla-lakas loob nilang dalawa sa'kin. Napangiti ako sakanila. Ang sarap lang magkaroon ng ganitong mga kaibigan.
Pagkatapos naming magkwentuhan ay dumeretso na kami sa aming higaan sapagkat nakaramdam na kami ng antok. Nagsulat muna ako sa diary ko bago humiga.
Nagtataka parin ako kung papaano nawala yung isang pahina ng diary ko.
~*~
[Kahapon]
"Guys, mauna na kayo. May gagawin pa ako sa library e." tumango naman silang dalawa tsaka nag-unahan sa pagtakbo papalabas ng school.
Dismissal time na ngayon pero stastambay pa ako sandali sa library. Mahaba-haba pa naman ang oras kaya doon ka na lamang gagawin ang aking research paper.
Pagkapasok ng pagkapasok ko ay wala akong nadatnang tao sa library. Inikot ko pa ang buong gusali ngunit wala talaga. At nagpapasalamat naman ako dun! Kadalasan kasi ay may nahuhuli akong gumagawa ng kababalghan sa pinakadulo ng library e. Siguro nahuli narin sila ng librarian dito.
Nakakainis sila! Dinudumihan nila ang banal na tahanan ng mga libro!
Inilapag ko sa lamesa ang aking diary tsaka dumeretso sa paghahanap ng libro. Aabutin ko na sana yung libro sa shelf nang biglang tumunog ang aking phone.
Daddy calling...
Agad ko namang sinagot ang tawag.
"Hello Dad?"
"Anak! Pumunta kaagad sa hospital na malapit sa bahay natin!!" nasuklaban ako ng takot nang marinig kung gaano ka taranta si Dad.
"B-Bakit?! Anong nangyari?!"
"Y-yung Mama mo kasi !!"
"Anong nangyari ngaaa? Huwag kang pabitin Dad! Kinakabahan na ako dito e! "mabuti na lamang at walang librarian, kung hindi matagal na akong pinatalsik dito dahil sa kaingayan ko.
"Nanganak na si Mama mo!! HAHAHAHHAHA ang gwapo gwapo ng baby boy kooo! !Punta ka dito dali!! "napahugot ako ng malalim na hangin.
Nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya. Akala ko kung ano ng masamang nanyari kay Mama. Yun pala isang magandang balita lang pala yun. Itong si Daddy talaga. Over maka-react. Parang first time niya makitang nanganak si Mama e!
Pumunta ako sa table kung saan ko inilagay ang diary. Nagtaka naman ako dahil nakabuklat ang diary ko.
May tao dito? O sadyang naiwan ko lang nakabuklat ang diary ko? Hmm. baka nga.
Kinuha ko na ito tsaka naglakad papalabas sa library.
~*~
[Day 1]
"Seul. Saan ka pupunta? Akala ko ba papauwi ka na?" tanong ni Itsuki. Kasama niya si Tristan na kay gwapo tignan kahit naka uniform. At hindi yan ibang tao, si Tristan Ferell talaga 'yan. Yung pambato sa soccer dito sa school namin. Ang crush ni Itsuki.
"Mag-co-comute lang ako. Hindi kasi makakasundo si Dad kasi binabantayan niya si Mama tsaka yung bunso namin." nakangiti kong tugon.
Tsaka chance ko narin 'to para matupad ang first sign na isinulat ko.
"Nga pala, nasaan si Aleyah?" napansin ko kasing hindi nila kasama si Aleyah. Nakakapagtaka lang kasi madalas na magkasama silang dalawa ni Itsuki. Hindi talaga sila mapaghiwalay.
"Ayun! Sinolo ni pareng Ashton!HAHAHA" binigyan ko ng mapag-echoserang tingin silang dalawa.
"Eh ikaw ba Tristan? May balak karing solohin ang kaibigan ko?" sabay nguso ko kay Itsuki na ngayon ay namumula na ang mga pisngi dahil sa kahihiyan.
"Naman! Take the opportunity tayo dito! HAHA"
"Nice one! Sige, bye na. Ingatan mo bestfriend ko ah? Pakisabi narin kay Ashton!" nag thumbs si Tristan bago sila naglakad papaalis at iniwan akong mag-isa.
Mag-isa. Nag-iisa.
Kalungkot naman : (*O*)
Lumingon-lingon ako sa paligid para sana siguraduhin na ako yung kausap niya. Baka kasi nagfe-feeling lang ako at ibang tao pala kinakausap niya.
"Binibilang mo yung pink na jeep na dumadaan diba? Pang sampu na'to "sabay turo niya sa jeep na kaka-park lang sa di kalayuan. Mukhang hinihintay pa nitong mapuno ng pasahero ang kanyang jeep bago lumarga.
Pero teka? Papano niya nalaman na yung pink na jeep nga ang binibilang ko?
"P-paano mo nalaman na binibilang ko nga yung mga dumadaang pink na jeep." bakas ang pagkagulat sakanyang mukha at tila hindi ito mapakali? Pero agad naman siyang nakabawi at ningitian ako. Or nahihibang lang ako?
That smile :( nakakainis siyaaaa. Pinapakilig niya ako sa simpleng pangngiti niya lang?!
"Napansin ko lang." at ayun. Ningitian na naman niya ako." Mag-ko-comute ka lang ba?" sa totoo lang gusto kong sampalin ng sampung beses ang aking sarili. Hindi kasi ako makapaniwalang nangyayari 'to!! Liek omaygaddd parang dream come true. Sa wakas nagste-step up na kami bilang mag strangers! Kapag siniswerte ka nga naman!HAHAHAHHA
"Yup! Ikaw ba?—teka hindi ka ba susunduin ng taga sundo mo?" napatakip ako ng bibig.
Bakit ko sinabi yun?! Baka kung anong isipin niya! Baka paghinalaan niya akong stalker!!
"Hahaha ang cute mo!" omaygad. cute daw ako. "Hindi e, pinauwi nila Mama pansamantala si Manong. Pumanaw kasi ang ina ni Manong kaya hinayaan nalang muna ng parents ko na dumayo siya sa probinsiya nila."
"Kalungkot naman.." actually kinikilig akooo. Pero hindi ko yun pinahalata syempre!
"Paalis na yung pink na jeep oh! Tara!" hindi na ako naka-angal ng hilahin niya ako.
Teka? Hinihila niya?
Hindi yata 'to simpleng paghila.
NAKAHAWAK SIYA SA KAMAY KO?!
Naka holding hands kami (0_o) omaygash.
Kung panaginip 'to,huwag niyo na ako gisingin! (*O*).
~*~
[Day 2]
"Besss!! May practice game sila Ashton ngayon!!" pinagtulungan nila akong hilahin dalawa patungo sa basketball gym.
Kahit kailan talaga hindi ako makatanggi sakanila.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sakanila yung tungkol sa first sign na nangyari na. Ayaw ko munang sabihin sakanila. Baka kasi pang-aasar lang ang matamo ko sakanila e.
"Itsuki look!! Kailan pa siya nagkaroon ng interest sa kulay pink?! "napatingin ako sa gawing itinuturo ni Aleyah. Doon ay nakita kong nagpupunas ng pawis si Blake gamit ang isang towel na kulay...pink?
Agad na sumagi sa isip ko ang pangalawang sign na isinulat ko sa diary.
2)During sa practice nila, dapat makita kong kulay pink ang towel na ginagamit niya.
Natupad ang second sign?! Omaygash. Hindi ako makapaniwala!
~*~
[Day 5]
Friday na ngayon at isang sign nalang ay malalaman ko na kung si Blake na nga ba.
Lahat ng apat na naunang signs na yun ay natupad.
Ang pangatlo..
3)Kapag nagkasalubong kami sa lobby na malapit sa library ng dalawang beses sa isang araw ay siya na.
Nung wednesday ilang beses ko siyang nadatnang dumaan-daan sa lobby. Dahil lunch time nun ay tumambay lang ako sa lobby na yun. At himalang nangyari nga ang pangatlong sign.
4) Kung ano ang kakainin ko sa lunch time this Friday ay ganun rin ang kakainin niya.
Kahapon ay nakisabay sa aming kumain ang grupo nila Blake. Mukhang makikisabay na talaga sila samin palagi e dahil sa dalawa kong kaibigan. And yeah, dating na sila tapos ako napag-iwanan. Pero ayos lang! Lumevel up naman status namin ni Blake. Magkaibigan rin kami at hindi na isang stranger ang tingin niya sakin.
5) Kapag may nakita ko siyang nay hawak-hawak na pink roses sa rooftop, wala na akong takas. Siya na talaga.
Yan. Yan ang panghuling sign. Ewan kung bakit kinakabahan ako e wala namang dapat ikabahala. Sa mangyari man o sa hindi ang sign, nagkataon lamang yun. Hindi parin ito totoo. Kagaya nga ng paniniwala. Libangan lamang ng mga taong in love ang mga ganitong bagay.
"Miss Kang?" agad akong lumapit sa aming guro ng tawagin niya ang apelyido ko.
"Yes Ma'am?"
"Paki-sabi nga kay Kuya Jerry na pinapupunta ko siya dito ngayon na." tumango ako sabay sabing. "Masusunod po."
Tumungo ako sa isang room kung saan stumastambay ang janitor sa school namin. Ngunit pagdating ko ay wala siya doon. Nagtanong-tanong naman ako sakanyang mga kasamahan.
"Baka nasa rooftop. Tignan mo nalang" tumango ako bilang tugon.
Hays. Ito talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat kapag inuutusan ako ng mga teacher e. Ang hirap hagilapin ng taong pinapahanap sa'yo sa school na'to. Lalong-lalo na't kung wala sila sa room nila. Napaka hassle talaga. Bakit kasi ako ang naging President ng klase. Ako tuloy ang pinagkakatiwalaan ng teacher namin (T-T)
"Wohhh!!" napaupo ako sa panghuling hagdan patungo sa rooftop para maghabol ng hangin. Nakakapagod umakyat ng ilang floors sa totoo lang! Grabe. Pwede na yata 'tong gawing pang-exercise.
Nang maging maayos na ulit ay napagdesisyonan ko ng pumasok. Ang malamig ng simoy ng hangin kaagad ang sumalubong sa'kin pagkabukas ko ng pinto.
Pinakiramdaman ko ang bawat pagdaplis ng hangin sa aking balat. Nang biglang makarinig ako ng isang tunog.
Isang tumutunog na Piano?
Napalingon ako kung saan ito nanggaling at dinala ako ng aking mga paa sa bandang likuran ng rooftop.
Nagulantang ako sa aking nadatnan.
Nakita kong nakaupo at kaharap ng isang keyboard si Ashton. Marunong pala 'tong tumugtog ng Piano? At teka, bakit nandito rin si Tristan?
Binigyan ko lang ng nagtatakang tingin si Tristan na nakasuot ng pang waiter? Waiter talaga? As in?
Ang mas ikinagulat ko pa ay nandito ang mga bestfriends ko!
May hawak-hawak na gitara si Aleyah habang si Itsuki ay may hawak na microphone at kumakanta. Kinakanta niya ang paborito kong kanta, Especially for you.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito kayong lahat?" tanging pangngiti lamang ang itinugon nilang lahat sa'kin na mas lalong nagpadagdag sa'kin ng kuryosidad.
"Proud na proud ako sa'yo bes!"
"Yiee sa wakas natupad narin wish mo!!" wish ko? Anong wish?
Itatanong ko pa sana yan ngunit may itinuro si Itsuki sa aking likuran. Kahit naweiweirduhan ako sa inaakto nila ay lumingon parin ako.
At sa lahat yata na nadatnan kong nakakagulat sa rooftop ay ito ang PINAKA-NAKAKAGULAT.
Sa tingin ko ay nakanganga ang bibig ko ng bongga bongga dahil sa pinaghalong emosyon. Gulat, kilig, saya, WAHHH POSITIVE LAHAT!
Hindi ko maiwasang purihin kung gaano ka gwapo si Blake sa suot-suot niya. Lalong-lalo na kung paano sumisilip ang malalalim niyang dimples sa tuwing ngumingiti siya.
"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko para sa'yo Seulgi?"
P-para sa'kin?
"Nga pala, para sa'yo!" nakangiti niyang inilahad sa akin ang boquet ng roses tapos kulay...pink?
PINK?! KATULAD NA LAMANG NG PANGLIMANG SIGN!
Natupad nga. Omaygad. So ibig bang sabihin nito ay si Blake na ang taong para sa'kin?
"Ang ganda. Salamat!" hindi parin ako makapaniwalang nangyayari 'to. As in hindi ako nanaginip! Wahhh!!
Iginaya niya akong maupo sa isang table at chairs na mukhang inihanda nila para sa'ming dalawa.
"May gusto akong sabihin sa'yo." may kinuha siyang kung ano sakanyang bulsa. Kulay dirty white na may pink na line patterns.
Teka, parang pamilyar yung papel.
"Noong makaraan ay napadaan ako sa library, nakita ko yung diary mo sa table and I purposely read the last entry. At doon ko nabasa ang limang signs na isinulat mo."
Alam niya?
Kaya pala unti-unting nangyayari yung mga naisulat ko ay dahil alam niya?
So hindi pala yun nagkataon dahil sinadya niya yun?
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. So kung hindi pala niya nabasa yung diary ko ay walang mangyayari na kahit na anong sign?
"Noong una ay hindi ko na sana ipagpapatuloy yung pagbabasa pero dahil doon ay nagka-ideya ako. Naisip ko na kapag ba natupad ang limang signs na yun ay mapapansin mo na ba ako?
And yeah, matagal ko na talagang gustong magpapansin sayo kaso inuunahan ako ng hiya.
Pero noong nabasa ko yung diary mo na may gusto ka pala sa'kin doon ako nabuhayan ng loob. Sinunod ko talaga ang plano ko at mabuti na lamang at gumana. Mula sa pagiging strangers ay naging magkaibigan na tayo. At habang mas tumatagal ay mas lalo tayong nagiging close. At masaya na ako doon.
At ngayong Friday na, which is kung kailan dapat mangyari ang panghuling sign mo. Kinuha ko na ang opportunidad na'to para masabi ko sa'yo 'to." hinawakan niya ang isa kong kamay at tinignan ako sa aking mga mata.
"Seulgi, mahal kita. Imposible mang pakinggan pero totoo ang mga sinasabi ko. Walang halong biro. Walang halong prank. O kung ano pa man. Iyan talaga ang isinisigaw ng aking puso kaya sana payagan mo akong ligawan kita." napahinto ako.
Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko alam kung ano ang irereak ko. Alam kong masaya ako sa puntong ito. Sobrang saya.
Sadyang hindi lang ako makapagsalita dahil sa gulat.
Ang tagal kong hinintay na mangyari ang ganito sa buhay ko. At matagal ko ng hiniling na sana magkagusto rin sa'kin si Blake, ang lalaking una kong minahal. And yeah, aaminin ko na talagang mahal ko na siya!
Para akong nasa isang magandang panaginip?Ganito pala ang pakiramdam kapag natupad ang isang impossibleng bagay na matagal mo ng ninanais noh? Napakasarap sa pakiramdam.
"Oo naman! Magpapaligoy-ligoy pa ba ako?Gusto rin kaya kita! Simula pa lang ikaw na talaga ang gusto kong makatuluyan." kung nag confess siya, aba ako rin! Take the opportunity nga!
Kitang-kita ko kung papaano nagliwanag ang kanyang mukha. Bakas dito ang sobrang kagalakan. Napayakap pa nga siya sa'kin e!Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"GROUP HUG!!" nakisali narin sa yakapan ang iba ko pang mga kaibigan. Nakakatuwa lang dahil hindi lang ako ang nag-uwing masaya. Pati narin sina Itsuki at Aleyah.
Dear Diary,
May isang bagay akong napagtanto sa araw na'to. Wala pala talagang imposible sa mundo. Minsan, kailangan mo lang maniwala :)
Nagmamahal,
Seulgi <3