KABANATA 6

2851 Words
“Late ka ngayon.” bungad sa akin ng bandmate ko na si Alec. Umiinom ito ng iced coffee habang nakasandal sa refrigerator. Pinaglaruan pa niya ang hawak na plastic cup bago uminom doon at muling tumingin sa akin. “May inasikaso lang.” tipid kong sagot bago inilapag ang bag sa sofa at naglakad patungo sa ref. Marahan ko siyang tinulak para mabuksan ko iyon at mabilis na kumuha ng bottled water. Bumalik ako agad sa sofa at padarag na umupo roon sakto namang lumabas si Migo galing sa washroom. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niya ako pero agad ding ngumisi at sumaludo sa akin.  “Late. First time.” naiiling na sambit niya. Nagkibit-balikat lang ako bago ipinikit ang mga mata ko. Hanggang ngayon dama ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko. What Luke said several minutes ago still lingers on my mind. He wants me to be safe, that’s understandable. But sacrificing his time for me just to make sure I’m safe… Hindi ko maiwasang isipin kung ginagawa ba niya iyon dahil pakiramdam niya responsibilidad niya iyon o ginagawa niya iyon dahil may gusto siya sa akin. Nahilot ko ang aking sintido dahil sa naisip. Mas posible pa nga na magustuhan ko siya but him, liking me, that’s really impossible. I’m not the type of girl who is likeable as well. Hindi naman ako kagandahan. Hindi rin ako kasing talino ng mga kapatid ko. I’m just normal, a commoner. “Mitchell.” Napamulat ako nang marinig ang boses ni Raphy. Mukhang kalalabas lang nito sa opisina ni Hell. “Nakita ka raw ni Helix na may kasamang lalaki sa bus station.” I bit my lower lip and sighed heavily. Nagkatinginan silang tatlo at maya-maya ay naghiyawan, halatang nang-aasar. Alam ko naman ang tinutukoy ni Raphy. Sigurado akong si Luke ang nakita ni Helix na kasama ko. “Kaya pala badtrip si Master. Ayun, parang impiyerno tuloy sa opisina niya. Parang si Lucifer pala yon kung magselos.” tatawa-tawang saad ni Raphy. Agad naman siyang siniko ni Migo sa tagiliran bago alanganing ngumiti sa akin. “Selos? May pinagseselosan si Helix? That’s new! Sino?” naguguluhang tanong ko kay Migo. Ngumiti ito sa akin ng pilit bago umiwas ng tingin. Tumalikod pa ito at kumuha ng beer sa ref. “Sino nga? May girlfriend na ba si Hell? Bakit hindi ko alam? Kailan pa kayo nagsimulang maglihim sa akin?” reklamo ko sa kanila. We’ve been friends since this band started at ni minsan hindi kami nagkaroon ng lihim sa isa’t-isa. Open kaming pag-usapan lahat ng mga bagay na nangyayari sa isa’t isa. Panay lamang ang iling ni Raphy sa isang tabi habang si Alec ay pangiti-ngiti lang sa akin. Halatang wala silang plano na sabihin sa akin ang mga nalalaman nila. “Mitch, may mga bagay kasi na hindi mo malalaman kung hindi ka makikiramdam. Gut feel, talasan mo ang pakiramdam mo. Sa ganoong paraan, malalaman mo.” Napangiwi ako sa sinabi ni Migo. Mabilis kong kinuha ang maliit na notebook sa table at binato sa kaniya. “Dami mong alam.” Kung ayaw nilang sabihin eh di ‘wag. Hindi naman ako mamamatay kung hindi ko malalaman. Napaangat kami ng tingin nang makita si Helix na lumabas ng kaniyang opisina. Tama nga si Raphy. Badtrip na badtrip ito. Nakakapagtaka rin. Si Helix kasi yung tipo ng tao na hindi nagpapadala sa emosyon lalo na kapag may practice pero bakit ngayon ganito siya? Halos isang oras lang ang itinagal namin sa studio dahil hindi makapag-focus si Helix. He kept on uttering curses while we were practicing. Nasugatan pa siya ng guitar string habang nagsstrum ng gitara. Hindi na ako nagtatanong kung bakit baka bigla niya akong pagalitan. Paglabas ko ng studio, nakita kong nakasandal sa pader si Luke at panay ang tingin sa suot nitong relo. “Hindi ba sinabi kong umuwi ka na?” Hindi niya ako pinansin bagkus kinuha niya pa sa akin ang suot kong backpack at isinabit agad iyon sa kaniyang balikat. “Hindi ba sinabi ko ring hindi ako uuwi hangga’t hindi ka umuuwi? Hindi ka naman siguro bingi.” I rolled my eyes at him bago sinubukang agawin ang bag ko sa kaniya. Mabilis niya naman iyong iniiwas kaya hindi ko maabot-abot. Hanggang makarating ako ng bahay hindi pa rin niya ako nilulubayan. Nagtaka pa nga yung guwardiya namin sa labas kung sino ang lalaking kasama ko. Mabuti na lang na-explain ko nang maayos. Bigla akong kinabahan dahil baka isipin ng guard na boyfriend ko ang kasama ko. Baka i-report pa niya kay Daddy. Plano ko sana siyang imbitahan na dito na maghapunan kaso mag-aalas onse na kaya hindi ko na itinuloy. Paniguradong mag-aaral pa siya pag-uwi niya. Knowing Luke, he’s the kind of guy who won’t waste his time for nonsense things. He looked so responsible and intelligent. Sa hitsura, sa pananamit, wala akong masabi. Kaya maraming may gusto sa kaniya. Lahat ng mga babae sa buong UP Law pinagpapantasiyahan siya. Kahit mga estudyante mula sa ibang department, pumupunta pa ng Malcolm para lang makita siya. Karamihan ay halos araw-araw nagbabakasakali na makita siya. He is a snob, literally snob towards girls. Masyado siyang ilag at halos walang kinakausap na babae maliban na lang siguro kung kaklase niya at kung talagang kailangang-kailangan. Laman din siya ng library kapag wala siyang klase. Dahil sa kaniya, napupuno ang library ng mga estudyante hindi para mag-aral kundi para pagmasdan lang siya. Kung tutuusin pwede na nga siyang mag-artista sa hitsura niya kaya lang mukha wala namang siyang interest sa showbiz. I’ve learned all these things through Sol. Ayoko sa kaniya noon dahil nga pakiramdam ko masyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili when in fact, hindi naman pala talaga. Na ganoon lang talaga siya dahil mas kailangan niyang bigyan ng pansin ang pag-aaral niya. Mas importante iyon sa kaniya lalo na at iskolar siya ng Dad ko. I can see how he adore my Dad. I can feel how much inspired he is because he’s able to see his idol personally.  sa lang naman ang hiling niya. Ang masigurong ligtas ako. Kaya sino ba naman ako para maging makulit pa? After all he’s doing my dad a favor and I have this feeling that I should obey him to lessen the burden he’s carrying. Kahit ‘yon na lang, para hindi ko na siya maabala ng sobra. Maaga akong nagising kinaumagahan dahil mayroon kaming quiz sa Civil Procedure. Alas sais pa lang nakasakay na ako sa taxi patungong UP. Plano ko kasing sa school na lang magreview dahil hindi rin naman ako makakapagfocus kung dito pa ako mag-aaksaya ng oras sa bahay. “Aga natin ah!” Kumunot ang noo ko nang biglang magsalita ang babaeng kasabay ko sa paglalakad papasok ng Malcolm. Hindi ko naman kasi kilala ang babae kaya bakit niya ako kinakausap? She even tapped my back kaya mas lalo akong naguluhan. Ngumuti lang ako sa babae bago nagpatuloy sa paglalakad. Marami na ring estudyante sa lobby ng hall at mayroon na ring mga nakapila sa elevator. Tumigil ako sandali para kunin ang libro sa bag ko bago muling nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. Ngunit bago pa man ako tuluyang makarating sa pila ay biglang tumilapon ang mga librong hawak ko sa sahig at maging ako ay napaluhod din doon. Marahas kong nilingon ang babaeng bumangga sa akin. Agad nagsalubong ang kilay ko nang makitang kaklase iyon ni Luke. Ang rank two sa buong second year. Denise Del Valle. “Oops! Sorry. It’s not my intention to bump you. Nagkataon lang na nakalagay kasi sa likod mo na bump me.” saad niya habang nakaturo sa likuran ko. Marahan akong tumayo at pinagpag ang suot kong slacks. Bakas doon ang alikabok na dumikit kaya pinagpag ko pa iyon ng paulit-ulit. I checked my back and she’s right. May bond paper nga na nakadikit sa suot kong coat. Inalis ko iyon sa pagkakadikit doon at mabilis na itinapon sa basurahan. “Serves her right. Kung makadikit kay Luke akala mo naman girlfriend.” “What I don’t understand is why Luke is so into her, hindi naman siya maganda.” I bit my lowerlip when I heard someone say that. Umayos na ako sa pagkakatayo at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga libro ko. Pupulutin ko na sana ang mga ito nang biglang may sumipa sa isang libro palayo sa akin. It was her again. Denise. “Anong problema mo?” tanong ko, pinipilit ang sarili na kumalma kahit ang totoo ay pikon na ako. “Ay sorry. Akala ko basura.” saad niya sabay takip ng kaniyang palad sa kaniyang bibig. Halatang-halata naman na sinadya niya iyon. Kahit na sabihin pa niyang hindi niyang aksidente lang ang pagkakabangga niya sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi mahalatang naiirita siya sa akin. Mabilis kong pinulot ang libro sa hindi kalayuan. Hangga’t maaari ayokong pumatol sa mga ganitong petty fights. Pero nakakapagtaka lang talaga kung bakit nila ginagawa ito. They’re all smart people and supposed to be agents of change hindi yung sila pa ang nambubully sa kapwa nila kamag-aral. Nang makuha ko lahat ng libro sa sahig mabilis akong umayos sa pagkakatayo. Pinagmasdan kong maigi si Denise ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay at halatang tuwang-tuwa sa nakikita. “Luke has no taste when it comes to women. Sayang ang talino niya. Hindi niya nagamit nang maayos sa pagpili ng magiging girlfriend.” I scoffed in front of her. Umarte pa akong tawang-tawa kahit ang totoo ay gusto ko nang hilahin ang buhok niya. “Puwede ka pa lang maging comedian, Denise.” The smile on his face suddenly fades at agad napalitan iyon ng pagkairita. Marahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “How dare you call me by my first name, we aren’t even close?!” Her voiced echoed in the lobby of the hall. Hindi ko maiwasang mapangisi nang makita ang pagkairita sa kaniyang mukha. “Eh ikaw, sino ka para banggain ako. Naturingan kang isa sa pinakamagaling sa klase niyo pero ikaw itong nambubully ng lower year student. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” She bit her lowerlip, halatang pinipigilan ang kaniyang sarili na muling sumigaw dahil marami nang mga estudyante ang napapadaan sa gawi namin. “You’re a future lawyer, Denise. Ikaw dapat ‘yong nagtatanggol hindi ‘yong nagsisimula ng gulo.” Nakita ko ang pagkagigil sa kaniyang hitsura. She immediately raised her left hand and ready to slap me in the face. I was ready to be slapped too kaya lang biglang may sumalag sa kaniyang kamay. Mabilis na bumaling ang atensiyon ko sa lalaking nasa harapan ko. Luke. “I don’t think you have the right to slap her.” “Luke!” “Slapping a person amounts to assault or battery depending on the state. Depending how seriously the person is hurt and how good your lawyer is, it can be a minor charge, but don’t count on it. You can do jail time.” Natigilan si Denise nang marinig ang sinabi ni Luke. Marahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at alanganing tumingin sa amin ni Luke. She shook her head in dismay bago naglakad palayo sa amin. Karamihan ng mga estudyanteng naroon ay nakamasid sa amin pero halatang balewala iyon kay Luke dahil nagawa pa niya akong hilahin patungo sa sa elevator. Lahat ng nakapila roon ay tumabi kaya nang saktong bumukas ang pinto ng elevator mabilis niya akong hinila papasok doon. “Okay lang ako, Luke.” saad ko habang sinusubukang bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Marahan naman niyang binitawan ang kamay ko saka humarap sa akin. “What happened?” Mabilis akong umiling. Ayokong pag-usapan at balikan muli kung ano ang nangyari dahil wala na akong oras para isipin pa ‘yon. Kailangan kong makarating agad sa hall para makapagreview pa ako. Kung hindi, babagsak ako sa quiz namin. “H’wag na nating pag-usapan.” At some point, I really thought he knew that it happened because of him, dahil marami ang may gusto sa kaniya at dahil na rin lumalapit siya sa akin. She’s every girl’s ideal guy kaya hindi ko rin sila masisisi kung maiinis sila sa akin. Pagbukas ng pinto ng elevator mabilis akong lumabas at tumakbo patungong lecture hall. Ginawa ko ang lahat, binuklat ko agad ang mga libro at inilatag sa harapan ko. Sana, sana talaga makapasa ako. Isang bagsak na quiz na lang sa CP panigurado mapapatalsik na ako ng prof ko subject na ‘to. Makalipas ang halos isang oras na pagrereview nagsimula nang magsidatingan ang mga kaklase ko. Halatang walang tulog ang karamihan dahil paniguradong nag-aral sila magdamag. Si Sol naman walang ganang umupo sa tabi ko at sumandal sa kaniyang upuan. “Babagsak ako.” bulong niya. Ako rin. Alam kong babagsak ako pero kumakapit pa rin ako sa mga stock knowledge ko sa subject na ‘to. Sana lang talaga umayon sa akin ang suwerte ngayon. Pagkatapos ng quiz namin para kaming pinagbagsakan ng langit at impyerno. Lahat kami nakadukmo sa desk at hindi makatayo. Si Sol humihikbi pa sa isang tabi. Mukhang hindi kinaya ang quiz namin lalo na at karamihan ay situational. Nauna akong tumayo para maalalayan siya. Lahat ng mga kaklase ko parang hinang-hina at halos ayaw tumayo sa kani-kanilang upuan. “Mitch, ‘pag bumagsak ako, yari ako kay Dad.”  Bumuntong-hininga ako bago marahang tinapik ang likuran ni Sol. “May bawian naman. Makakabawi pa tayo.” I tried to cheer her up but she ended crying over and over. Sa totoo lang, sa lahat ng subject namin, sa Civil Procedure kami nahihirapan. Bukod sa terror ang prof namin sa subject na ‘yon, mahirap din siya magbigay ng quiz at examinations. Yung tipong talagang dudugo ang ilong mo sa lalim ng mga words na ginamit at sasakit ang ulo sa pag-intindi ng bawat situation at paragraph na included sa exams. Paglabas namin ni Sol sa hall, sinalubong agad kami ni Luke at inabutan ako ng mineral water. “Salamat.” “Kumusta kayo? Yung quiz ba, mahirap?” nag-aalalang tanong niya. Napatingin din siya kay Sol na mahigpit ang kapit sa kanang braso ko. “Hindi ko alam kung paano ka naka-survive sa subject na ‘yon tapos ikaw pa ang rank one sa klase niyo. Gaano ba kahalimaw ang utak mo?” naiiling na tanong ni Sol sa kaniya bago nagpaalam sa amin na mauuna na sa area 2 para kumain. Gaya ng nakasanayan, kinuha niya ang bag ko at isibukbit niya iyon sa kaniyang balikat. It took us twenty minutes before we arrived at Area 2. Naabutan pa namin doon si Sol na kumakain kaya sinabayan na rin namin siya. “Siya nga pala, baka may oras kayong dalawa sa Linggo, may event kasi sa Arellano University. Tutugtog ang banda namin baka gusto niyong sumama.” Marahang umiling si Sol. “Hindi kaya ng schedule ko Mitch. May pupuntahan kami ni Dad na business meeting sa Sunday sa Makati kaya pass muna.” Tumango ako at bumaling kay Luke na matamang nakatitig kay Sol. “Ikaw? Gusto mo bang sumama?” tanong ko sa kaniya. He shook his head and smiled at me. “Hindi rin ako puwede. May pupuntahan din kasi kaming business meeting ng Daddy mo.” aniya sabay subo ng pagkain. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil mukhang parehong malalim ang iniisip nila. “Okay lang ba—“ “Sol. Kaanu-ano mo si Prosecutor Laurel?” Napatigil ako nang biglang tanungin ni Luke si Sol. Kumunot ang noo ni Sol nang marinig ang tanong ni Luke. May kung anong ekspresyon din ang bumalot sa kaniyang hitsura pero hindi makuha kung ano iyon. “Bakit mo tinatanong?” diretsahang tanong niya kay Luke. “Is he your father?” Solace scoffed. “Do I have to answer that?” Luke shrugged. He seemed cool but his aura tells the otherwise. “It’s up to you. I just need a yes or no answer for a yes or no question.” I don’t know what’s going on. Hindi ko rin maintindihan ang pinag-uusapan nila. Matagal silang nagtitigan hanggang sa biglang umiwas si Sol at napayuko na lang. “I plan to tell her soon.” sagot ni Sol habang hinahabol ang kaniyang hininga. Lumingon din siya sa akin. I know she’s telling me something through her stares but I don’t understand what is it. Tumayo na si Luke at mabilis akong hinila patayo. “Teka lang, si Sol.” Huminto ako sandali para lingunin ang kaibigan ko. Nakita ko itong nakayuko habang marahang hinihilot ang kaniyang sentido. Muli akong hinila ni Luke hanggang sa makarating kami sa labas. Bakit kailangan naming umalis agad? Bakit namin iniwan si Sol? “Ano bang nangyayari?” Huminto si Luke at mariin akong hinawakan sa magkabilang balikat. “Ang tatay ng kaibigan mo ang nag-utos na ipabaril ang nakababatang kapatid mo sa Ateneo. Solace Laurel is the daughter of Aurel Laurel, your father’s enemy in prosecution.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD