KABANATA 5

3320 Words
“Late ka na naman?” Muntik na akong mapatalon nang may marinig na nagsalita sa likuran ko. Kanina pa ako nagtatago sa gilid ng wall. Pinag-iisipan ko kung papasok ba ako sa klase ni Sir Castro dahil halos ten minutes na akong late. Nilingon ko si Lucas na mataman akong pinagmamasdan ngayon. May hawak siyang libro at pinakaunahan no’n ay mayroon folder na kulay brown. Napakamot ako sa batok bago muling nag-angat ng paningin sa kaniya. Ngingiti sana ako at magpapalusot ngunit bigla niya na lang akong pinaningkitan ng mata. “Ano… kasi…” Wala akong maisip na palusot kaya yumuko na lang ako. Nakakahiya naman! Sa dinami-rami nang pwede kong makasalubong o makakakita sa akin, siya pa talaga? “Nagbanda ka kagabi. Sa Lunar hindi ba?” Alanganin akong ngumiti sa kaniya. “Don’t you dare deny it. I saw you there with my own two eyes.” Umiling siya nang ilang beses bago sumimangot. Halatang-halata na dismayado sa mga pangyayari tapos na-late pa ako ngayon. “Paano ka napunta sa Lunar? Sinong kasama mo kagabi?” curious na tanong ko. Instead of answering my question he just glared at me. Naglakad siya palapit sa akin bago tumingin sa kuwelyo ng suot kong coat. Napangiwi ako nang makitang hindi iyon pantay. Isa na namang patunay na nagmadali ako sa pagsuot nito. Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan iyon. “I followed you. I had to make sure you’re safe.” Sabi niya habang inaayos ang kuwelyo kong bahagyang nalukot. Pinagmasdan kong maigi ang kaniyang hitsura. Kaya ba siyang mukhang inaantok dahil hinintay niyang makauwi ako bago rin siya umuwi sa kanila? Hindi naman niya kailangang gawin ‘yon. Mapupuyat lang siya at mapapagod. “Hindi ba sinabi ko na sa’yo last week na kaya ko naman? Hindi mo na ako kailangang bantayan. Hindi na ako bata, Lucas. Kaya ko ang sarili ko.” Humarap siya sa akin at pinagmasdan ako sa mga mata. “Luke.” Kumunot ang nook o nang marinig ang sinabi niya. “Ano?” “Call me Luke.” Bumuntong-hininga ako saka humalukipkip. Paano niya nagagawang isingit ang nickname niya sa usapan naming dalawa? “Okay, Luke. You don’t have to make sure I am safe all the time. Magaling ako sa taekwondo remember? Kaya kong protektahan ang sarili ko.” “Yung pagbabanda mo, Mitchell. Hindi ba puwedeng itigil mo na?” Sumimangot ako dahil sa tanong niya. “Alam mo pareho kayo ni Sol. Bakit ba? Anong masama sa ginagawa ko?” Yumuko siya sandali at humugot ng malalim na hininga. “Wala namang masama sa ginagawa mo. Pero hindi ba dapat mas inuuna mo ang pag-aaral mo?” Alam ko naman ‘yon. Siyempre dumarating din ako sa punto na nagsisisi ako dahil masyado kong nabibigyan ng atensiyon ang pagbabanda kaysa sa pag-aaral ko. Nahihiya rin naman ako dahil palagi akong nale-late. Pero hindi ko talaga kayang ihinto ang pagtugtog. Saka kahit na umalis ako, paniguradong hindi rin ako papayagan ni Helix. “Anong oras ka eksaktong nakauwi?” “Mag-aala una.” tipid kong sagot saka ngumuso. “Siya nga pala bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya. “May ibibigay ako kay Attorney Castro.” sabi niya sabay pakita ng folder na brown. Nang maalala ko si Attorney Castro, bigla na naman akong kinabahan. Lumingon pa ako sa paligid dahil nagbabakasakali akong may makita akong blockmate ko pero wala. “Miss Altamirano.” Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Attorney Castro. Nagakat ko ang aking ibabang labi dahil sa sobrang kaba. Paano na? Mabilis namang hinawakan ni Luke ang kamay ko at hinila ako palapit sa propesor. “Good morning, Attorney.” magalang na bati ni Luke at saka marahang yumuko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, ginaya ko na lang ang ginawa niya. Attorney Castro cleared his throat bago dumako ang tingin sa kamay namin ni Luke na magkahawak. “Ah, regarding po sa inutos niyo sa akin na folder sa faculty…” Mabilis na iniabot ni Luke ang brown folder kay Attorney Castro. “Pasensiya na nga po pala kung na-late si Mitchell sa klase niyo. Pinakiusapan ko po kasi siya na kunin sa akin ang folder para siya na po sana ang magbibigay sa inyo.” Napatingin ako kay Luke dahil sa sinabi niya. Did he just lie in front of Attorney Castro? “Very well then, Mitchell, pumasok ka na sa lecture hall. And you…” tinuro niya si Luke. “May paguusapan tayo sa opisina ko.” Bigla akong kinabahan. Nalaman ba agad ni Attorney na nagsisinungaling siya? Luke squeezed my hand before letting it go. “Pumasok ka na.” sabi niya. Marahan ang naging pagkilos ko. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. He nodded as an assurance that he’s fine. Bago ako tuluyang pumasok sa hall ay muli ko siyang nilingon. Pero nakatalikod na siya ngayon at kasabay na naglalakad si Attorney. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba akong matuwa dahil nakalusot ako kay Attorney Castro o dapat bang kabahan ako dahil sa posibilidad na mapagalitan si Luke. Pagpasok ko sa lecture hall agad kong hinanap si Sol. Nang makita ko siyang nakatingin sa akin, mabilis akong tumakbo patungo sa bandang sulok kung saan may nakalaan na sa aking bakanteng upuan. Agad niya akong binatukan pagkaupo ko at pinagalitan dahil late na naman ako. Makalipas ang ilang minuto muling pumasok sa loob si Attorney Castro. Dala na nito ang folder na ibinigay ni Luke sa kaniya. Nang makarating siya sa kaniyang table ay sumulyap siya sa akin. Napayuko naman ako agad at kinabahan. Sa buong klase halos hindi ako makatingin sa kaniya. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko o kaya takpan ng libro ang pagmumukha ko. Nawe-weirduhan ako dahil panay ang tingin ni Attorney sa akin. Lumalakas lang tuloy lalo yung kutob ko na napagalitan nga si Luke. Kasalanan ko talaga ‘to. Kung hindi sana ako na-late sana hindi nangyari ‘to. “Hoy, Mitchell. Okay ka lang ba?” Napapitlag ako nang hawakan ako ni Sol sa braso. Sinamaan ko siya nang tingin. Dahil sa ginawa niya mas lalo lang akong kinabahan. “Anong problema mo?” taas kilay niyang tanong. Pabulong ang paraan ng kaniyang pagkakasabi dahil kasalukuyang sumasagot sa recit ang isa naming kaklase. Sumenyas lang ako na okay ako. Ayokong gumawa ng kahit anong ingay dahil baka mabaling sa akin ang atensiyon ni Attorney Castro. Nang matapos ang dalawang oras naming klase mabilis kong inilagay sa bag ko lahat ng gamit ko. “Madaling madali ka ‘te?” kunot-noong tanong ni Sol. Nagmamadali talaga ako. Kailangan ko nang makaalis dito dahil baka bigla akong tawagin ni Attorney at pagalitan pa ako. “Sol, una na ako ah!” Pagkasuot ko ng aking backpack mabilis akong tumakbo palabas ng hall. Sakto namang nakaharang ang mga kaklase ko sa labas kaya nakipagsiksikan pa ako at pinagtutulak yung ibang nasa pinto. Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyan akong makalabas. Lumuhod pa ako para ayusin ang sintas ng suot kong rubber shoes pero agad akong natigilan nang makita ang isang lalaking nakasandal sa sementadong dingding sa hindi kalayuan. Nagmadali ako sa pag-aayos ng tali ng sapatos ko saka tumayo at tumakbo patungo kay Luke. Hinihingal ako na huminto sa harapan niya habang siya ay gulat na tumingin sa akin. “Hinintay mo ba ako?” tanong ko. Marahan siyang tumango, gulat pa rin dahil sa hitsura ko ngayon. Maya-maya ay inabot niya sa akin ang hawak na bottled water. Wala pang bawas iyon. “Para sa akin ba ‘yan?” Alanganin siyang tumango. Mabilis kong kinuha iyon at uminom doon. Pakiramdam ko naubusan ako ng tubig sa katawan dahil sa sobrang kaba ko kanina. “Hoy, Mitchell!” Napalingon ako kay Sol na tumatakbo patungo sa akin. Mabilis akong nagtago sa likuran ni Luke dahil alam kong makakatikim na naman ako ng batok kay Sol. “Kaya mo ako iniwan dahil nandito ang jowa mo?” “Jowa?” sabay naming tanong ni Luke sa kaniya. Kumunot ang noo ko at lumapit kay sol para hampasin siya sa balikat. “Siraulo ka! Imbento ka?!” mahina ngunit mariin kong sambit sa kaniya. Lumingon ako sa paligid dahil baka may nakarinig ng sinabi niya. Tumawa lang si Sol nang makita ang reaksiyon namin ni Luke. Paglingon ko sa entrance ng lecture hall nanlaki ang mga mata ko dahil lumabas mula roon si Attorney Castro. Muli akong bumalik sa likuran ni Luke. Inilabas ko ang aking cellphone at nagpanggap na abala sa pakikipagtext. Umayos sa pagkakatayo si Luke nang mapadaan sa gawi namin si Attorney. Saglit ako nitong pinagmasdan bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng kaniyang opisina. Nanghihinang napakapit ako sa hem ng suot na shirt ni Luke. Saka ko naman naalala yung nangyari kanina. Mabilis akong humarap sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. “Pinagalitan ka ba kanina?” nag-aalalang tanong ko. Si Sol naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi bago diretsong tumingin sa akin. “Bakit? Are you worried?” Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. “Pinagalitan ka nga?” Umiling siya at hinila niya ang braso sa pagkakahawak ko para mahawakan niya ang kamay ko. “Hindi niya ako pinagalitan. May pinag-usapan lang kami kanina kaya pumunta kami sa opisina niya.” Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. “Oh, tapos na kayo mag-usap? Pwede na tayong umuwi?” nakangising tanong ni Sol na halatang nag-aasar. “Hindi raw magjowa.” Narinig ko pang bumubulong-bulong siya bago naunang naglakad. Sumunod na lang kami ni Luke sa kaniya. Paminsan-minsan ay lumilingon siya sa amin kaya pinagtataasan ko lang siya ng kilay. Paglabas namin sa mismong hall mabilis na sumakay si Sol sa sasakyan nila. Kumaway pa siya sa amin bago tuluyang umalis ang sasakyan niya. “Ilang taon na kayong magkaibigan?” Napabaling ako kay Luke na ngayon ay nakatanaw sa malawak na damuhan. “Almost three years na rin.” “What do you know about her background?” Inilagay ko ang dalawang kamay sa bulsa ng suot kong coat saka humarap sa kaniya. “Bakit mo natanong?” “I just want to know.” “Kung mapagkakatiwalaan ba talaga si Sol?” tanong ko sa kaniya. He looked at me straight in the face. “Yes. Kilala niya kung sino ang Dad mo.” Bumuntong-hininga ako. “Solace is a good friend, Luke. She knows how to keep a secret.” Nagkibit balikat lamang siya saka nagsimula nang maglakad. Tahimik na sumunod lang ako sa kaniya. “Saan ka ngayon?” tanong niya. “Sa studio.” “Sasama ako.” “Bakit?” “Inutusan ako ni Tita na bantayan ko muna si Steven dahil may lakad sila ngayong araw. Ibababa lang nila sa studio si Steven.” Tumango ako. Oo nga pala, nakatatandang pinsan nga pala siya ni Steven. “Bakit wala ba yung yaya niya or yung driver?” Umiling siya. “Absent yung yaya niya tapos yung driver nila kasama nila Tita sa pupuntahang event.” I nodded once again. Naglakad lang kami hanggang makasakay kami sa jeep. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na rin kami sa studio. Medyo maaga ako ngayon kaya mag oras pa ako para maglinis. “May vacant room doon. Pwede ka munang tumambay roon para hindi ka maingayan kapag nandito na yung mga bata.” Sabi ko sa kaniya sabay abot ng susi sa kaniya para mabuksan niya ang bakanteng kwarto. Bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto narinig ko ang pagbukas ng main door ng studio kaya sabay kaming napalingon doon. Isang nakangiting Steven ang pumasok sa studio. May dala itong backpack at nakasuot na ng white uniform. “Kuya DL, nauna ka sa’kin.” bungisngis na sambit ni Steven saka lumapit kay Luke at yumakap sab inti nito. Nakangiting ginulo ni Luke ang buhok ng bata bago lumuhod at kinamusta ang pag-aaral nito. Nagpatuloy lang ako sa paglilinis habang nagkukuwentuhan ang magpinsan sa isang sulok. Pagkatapos kong ilatag ang mat, humiga ako roon sandali at pumikit. Nang marinig ko ang sunod-sunod na pagpasok ng mga bata ay bumango na ako at pumunta sa maliit kong opisina para ayusin na ang sarili. Kinuha ko ang sariling dobok at sinuot na iyon. Paglabas ko kumpleto na ang mga bata at excited nang matutunan ang panibagong lesson na aaralin nila. Pagkatapos ng klase, lumabas na rin si Luke sa kwarto upang i-check ang kaniyang pinsan. Nauna nang umalis ang ibang estudyante habang silang dalawa ay nandoon pa rin sa labas. Pagkatapos kong maglinis saka ko pinatay ang mga ilaw at isinara ang studio. Kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi pa sila umuuwi. Nang makita nila akong dalawa, mabilis silang tumayo at ngumiti sa akin. Kumunot ang noo ko. “Bakit nandito pa kayo?” Ngumiti si Steven at humawak sa kaliwang kamay ko. “Sabi ni Kuya DL, kasama ka raw po sa maghahatid sa akin sa house.” Naguguluhang bumaling ako kay Luke. “Ihahatid sana kita pauwi kaso kailangan ko munang maihatid si Steven sa bahay nila bago tayo dumiretso sa inyo.” Marahan akong tumawa. “Hindi mo na ako kailangang ihatid, Luke. Kaya ko mag-isa. At isa pa, hindi pa ako uuwi. May praktis pa kami ng banda.” “Sasama ako.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Ano? Bakit? Hindi na.” Kinabahan ako bigla. Bakit naman pati sa band studio sasama siya? Nakakahiya naman kung manunuod siya ng practice namin. Hindi ako sanay na may ibang taong nanunuod sa akin habang tumutugtog ng gitara. “Sa labas naman kita hihintayin.” sabi niya nang makitang nag-aalangan ako. “Hindi na, Luke. Aabutin ako ng tatlong oras doon.” “Sasama nga ako.” Hindi na ako nakasagot nang sabihin niya iyon. Halatang siguradong-sigurado na siya at mukhang hindi magpapapigil. “Uwi na po tayo.” Sabay kaming napalingon kay Steven na nakamasid lamang sa amin. Maya-maya humikab na ito, halatang inaantok na. Lumuhod agad si Luke upang alisin ang mga buhok na humaharang sa mata ni Steven. “Gusto mo buhatin ka ni Kuya?” Marahang tumango si Steven at mabilis na lumapit kay Luke. Umupo rin ako sandali para kunin sa kaniya ang suot na bag dahil paniguradong mahihirapan siya kapag binuhat niya na si Steven. Ngumiti muna si Luke sa akin bago naglakad patungo sa elevator. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa baba. Ako na ang pumara ng jeep. Pinauna ko munang umakyat si Luke sa jeep habang nakaalalay naman ako sa ulo ni Steven dahil baka mabangga iyon sa bubong ng jeep. Nang umandar na muli ang jeep saka ko narealize na nakatingin sa amin halos lahat ng pasahero. “Mag-asawa ba ‘yan?” Napalingon ako sa isang babae na kasalukuyang kinakausap ang kaniyang katabi. “Oo yata. Feeling ko mag-asawa. May anak na eh.” Sagot naman ng kaniyang katabi. “Hala ang cute nung baby nila.” “Grabe ang suwerte ni ate, ang guwapo ng asawa niya.” Napayuko ako bigla at itinago ko ang mukha ko sa likuran ni Luke. Bakit naman ganoon? Hindi ba puwedeng magkakakilala lang kaming tatlo? Pamilya agad? Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luke kaya marahan ko siyang kinurot sa tagiliran. “Mommy, pakialalayan naman ang ulo ni Steven.” Pinaningkitan ko siya ng mata nang sabihin niya iyon sa akin. Wala akong nagawa kundi hawakan si Steven sa ulo habang inaayos niya ang posisyon nito. Mukhang nangawit na rin ang braso niya dahil kanina niya pa buhat ang bata. Nakita kong kinikilig ang mga kasabay naming pasahero dahil sa pagtawag niya sa akin ng Mommy. Pasimple ko siyang kinurot muli sa tagiliran saka ngumiti sa kaniya ng pilit. Pero imbes na magalit siya sa ginawa ko, tumawa lang siya at hinila ako palapit sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin kami sa jeep. Naglakad na lang kami papasok sa village dahil wala nang gaanong tricycle na dumadaan doon sa ganitong oras. Naglakad kami ng halos limang minuto hanggang sa tumapat kami sa isang magandang bahay. May second floor iyon at may malawak hardin sa labas. Pagkatapos pindutin ni Luke ang door bell, maya-maya ay may lumabas na para pagbuksan kami ng gate. “DL! Kayo na pala iyan.” Marahan akong yumuko at ngumiti sa matandang sumalubong kina Luke. Ngumiti rin sa akin ang matanda bago bumaling kay Luke at Steven. “Ah, siya nga pala, Lola. Si Mitchell po. Taekwondo teacher ni Steven.” Ngumiti muli ang matanda bago inilahad ang kaniyang kamay. “Ako ang lola ng dalawang batang ito, puwede mo akong tatawaging Lola Clarisse.” Malugod ko namang tinanggap ang kamay ng matanda saka ngumiti. “DL, hindi na ba kayo papasok sa loob?” Umiling agad si Luke. “Hindi na Lola. May pupuntahan pa ho kasi ako.” Mabilis namang tumango ang matanda. May tinawag ito sa loob at ilang sandali pa ay lumabas na ang isang helper. Ito na ang bumuhat kay Steven papasok sa loob. Nagpaalam na rin kami sa Lola ni Luke bago umalis. “Close kayo ng Lola mo?” tanong ko sa kaniya habang nag-aabang kami ng jeep. He smiled at me and nodded. “Lahat naman kami close kay Lola. Mabait ‘yon.” Ngumiti ako sa kaniya. Hindi naman niya kailangang sabihin ‘yon. Halata namang mabait ang lola niya at mukha ring maalalahanin. ‘Sigurado ka bang sasamahan mo pa ako sa music studio ng banda? Kaya ko naman mag-isa.” Tanong ko sa kaniya nang makitang kinukusot niya na ang mga mata, halatang inaantok na. Napatingin ako sa suot kong relo at saka napagtantong alas otso na ng gabi. “Inaantok ka na.” Ngumiti siya sa akin at umiling. “Hindi pa. Napuwing lang ako.” pagpapalusot niya. “Wala ka bang recit bukas?” “Ewan ko. Palagi namang surprise ang pa-recit ng mga prof. Nasanay na ako.” I heavily sighed before looking at him. “Sorry ah. Pati ikaw naaabala ko. Wala ka namang napapala sa ginagawa mong pagsunod sa akin. Napapagod ka pa. Imbes na nag-aaral ka ngayon, sinasamahan mo pa ako.” Yumuko siya at marahang sinipa ang mga maliliit na bato na naaabot ng kaniyang paa. “Sa totoo lang, masuwerte ako kasi isa ako sa mga napiling iskolar ng Dad mo.” Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang jacket at tumingala. “Hindi ako makakapag-law school kung hindi dahil sa kaniya.” “Kaya mo ba ‘to ginagawa dahil malaki ang utang na loob mo kay Daddy?” Bumuntong-hininga siya. “Noong una. Pero ngayon hindi ko na alam kung ‘yon pa rin ba ang rason kung bakit ko ginagawa ‘to.” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “I want you to be safe, Mitchell. Kaya kung kinakailangang sundan kita araw-araw. Kung kinakailangang isakripisyo ko ang oras ng pagtulog ko para lang masigurong ligtas ka, gagawin ko.” Hindi ko alam kung anong mayroon sa sistema ko sa mga oras na ‘yon. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Mas lalo pang kumabog ito nang tawirin niya ang maliit naming pagitan para mahawakan ang kamay ko. “I just want you to stay by my side. Can you do that for me?” Napalunok ako nang makita kung gaano siya kalapit sa akin ngayon. Umiwas ako ng tingin saka tumango. “Thank you.” Alanganin akong ngumiti at humakbang paatras sa kaniya. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin kapag hindi pa ako lumayo sa kaniya. Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka kaya nararamdaman ko ito ay dahil unti-unti ko na siyang nagugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD