KABANATA 4

2525 Words
Nakamasid lamang ako sa mga estudyanteng naglalakad sa pathway papasok at papalabas ng UP Law area. Nakaupo kami ngayon ni Lucas sa damuhan sa ilalim ng punong acasia. Sa loob ng halos isang oras na nandoon kami, siya lang ang nagsasalita habang ako naman tahimik na nakikinig. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako sa kaniya dahil tama siya, marami nga siyang alam tungkol sa akin. Napatunayan niya ‘yon noong ikuwento niya sa akin kung paano kami nagkakilala at kung bakit niya pinili na pagmasdan ako sa malayo kaysa ipagpatuloy niya ang pakikipagkaibigan sa akin. “You should apologize to your Dad.” I heavily sighed and nodded. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtanaw sa mga sasakyan at mga taong dumadaan sa malawak na pathway. He explained everything to me. He even said that my father is doing everything to keep me safe from his enemies. Hindi biro ang ginagawa ni Dad para maprotektahan niya ako. Lucas even told me about what happened to my brother Vincell last month. Isinugod ang kapatid ko sa ER dahil nabaril ito habang papalabas ng Ateneo. Hindi ko man lang alam ang balitang iyon. Hindi man lang ako binalitaan nila Mom tungkol sa nangyari. And up until now, hindi pa rin nila nakikilala kung sino ang gumawa no’n sa kapatid ko. “Believe them when they said it’s for your safety, Mitchell.” Yumuko ako at muling tumango. Kinuha ko na ang bag ko at mabilis na tumayo. Napatingin ako sa kaniya nang makitang tumayo rin siya. Pinagpag pa niya ang suot niyang jeans at humarap sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong niya habang kinukuha sa damuhan ang mga libro na inilapag niya roon kanina. Sa kapal ng mga librong ‘yon, hindi ko alam kung paano niya ‘yon nabuhat habang hinihila niya ako kanina papalayo sa lobby ng Malcolm Hall. “Papasok sa klase.” Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Napabuntong-hininga ako nang makitang halos kalahating oras na akong late. Hindi ko alam kung papapasukin pa ba ako ni Sir Madrigal sa klase niya at wala rin akong maisip na excuse kung bakit ako na-late ngayon. Yung mga law students na umattend ng event sa auditorium ay pili lang. Hindi naman lahat kasama roon kaya yung mga naiwang estudyante nagpatuloy pa rin sa kani-kanilang klase. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ako at hinatak niya ako palapit sa kaniya. Agad niyang inilapat ang kaniyang palad sa aking noo. He’s checking my temperature! “May lagnat ka.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Inilapat ko ang sarili kong palad sa aking noo para kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi niya and once again he was right. “H’wag ka na munang pumasok. Magpahinga ka na lang muna.” Diretso pa rin siyang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasalubungin ko ba ang tingin niya o hindi. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang abnormal ng t***k ng puso ko ngayon. Parang gustong kumawala nito sa ribcage ko. “Ako na ang bahala sa excuse letter mo. You should go home and rest.” Ilalapat niya sanang muli ang kaniyang kamay sa noo ko pero mabilis akong umatras kaya hindi iyon natuloy. I don’t know why he’s doing that. Hindi naman kami close. Tumingin ako sa paligid upang tingnan kung mayroon bang nakakita sa amin. Baka kung ano pa ang isipin nila. Mabuti na lang walang gaanong taong dumadaan sa mini pathway na malapit sa kinaroroonan namin. “S-sige. A-alis na ako.” nauutal kong sabi sa kaniya. Pumikit ako nang mariin pagkatalikod ko. Gustong-gusto kong sapakin ang sarili ko. Alam kong nakakaintimidate yung presence ni Lucas pero bakit kailangan kong mautal? Nakakahiya! Pakiramdam ko pulang-pula ang pisngi ko dahil nag-iinit na iyon. Nang makakita ako ng paparating na UP Ikot, agad akong sumakay roon. Hindi ko na siya nilingon pa. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa kaba. He said that he’s my very first friend and playmate when I was young. But I don’t remember anything about us being friends. I don’t want him to be my friend. Ewan ko. Hindi ko makita ang sarili ko na kinakaibigan siya. Pagdating ko sa bahay nagulat ang mga helper nang makita akong umuwi ng maaga. Dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga. Ilang minuto pa lang na nakakalapat ang katawan ko sa higaan nang bigla akong makareceive ng sunod-sunod na text. Confirmation text iyon mula sa mga professor ko na nareceive nila ang excuse letter ko. Kumunot ang noo ko nang maalala ang sinabi ni Lucas na siya ang bahala sa excuse letter ko. Napatitig ako sa kisame at bumuntong-hininga. Who are you exactly, Dean Lucas? Sino ka sa buhay ko? I was really bothered about the fact that he knows so much about me. Parang hindi kapani-paniwala. Kinabukasan maaga akong nagising. Magaan na rin ang pakiramdam ko at handang-handa na rin akong pumasok. Pagbangon ko sa kama agad kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Kumunot ang noo ko nang makitang napakaraming missed calls doon ni Sol. May mga kaklase rin akong nagtext sa akin, tinatanong ako kung ayos lang ba ang pakiramdam ko o kung makakapasok na raw ba ako ngayong araw. Napakamot ako sa batok habang binabasa iyon isa-isa. I also checked my f*******: account. Mas lalo akong nagulat nang makitang napakarami kong notification at mga tags sa isang f*******: photo. I squinted a bit at inilapit pa sa mukha ko ang cellphone ko para makita iyon nang malinaw. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang larawan namin iyon ni Lucas. Nakatitig ako sa kaniya habang siya naman nakalapat ang palad sa noo ko. Umani ng samut-saring reaksiyon ang post na iyon. It was posted in UP Law Freedom Wall in f*******: at may caption na “Dean Lucas Contreras spotted with a girl under the acasia tree near Malcolm Hall. Minention ako ng karamihan sa mga blockmates ko. They were asking if ako raw ba ‘yong babae sa post. Hindi kasi gaanong makita dahil naka-side view lang ako. Kinakabahang ibinaba ko ang aking cellphone at nagtatakbo patungong CR. “Kayo na ba?” tatawa-tawang tanong ni Sol habang naglalakad kami patungong lecture hall. Sinadya kong agahan ang pagpasok ngayon para wala akong masalubong na ibang estudyante. Hindi ko rin naman inexpect na maagang papasok si Sol. Mukhang sinadya rin niyang pumasok ng maaga para maasar niya na naman ako. “Hindi.” tipid kong sagot. Diretso lang ang tingin ko sa hallway. “Talaga ba?” Kung puwede lang tapalan ng masking tape ang bibig ni Sol, kanina ko pa ginawa. Humarap ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. Ginawa ko ‘yon para hindi ako magmukhang kinakabahan. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba ko ngayong araw. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang ako yong babae? For sure magkakaroon ako ng maraming basher. “Hindi nga, Sol. Nagkataon lang yung ano… yung kahapon.” Tumawa siya. “Akala mo ba hindi nakita ng karamihan yung paghila niya sa’yo papalayo sa Dad mo kahapon?” She crossed her arms and examined my face. “Nagulat pa kami dahil siya mismo ang naghatid ng excuse letter mo kay Attorney Madrigal habang nagkaklase kami.” My eyes widened with that information. “Ano?” Muli siyang tumawa dahil sa reaksiyon ko. “Everyone is thinking that you and Luke is in a relationship.” Inismiran ko siya. I even rolled my eyes at her bago nagpatuloy sa paglalakad. Not a good joke but that’s really funny. Ako? Magiging boyfriend si Lucas? Himala na siguro kung mangyayari ‘yon. Hindi naman ako magugustuhan ng lalaking ‘yon. Dalawang klase lang naman mayroon kami ngayong araw. Sa unahan ako umupo para makapagfocus ako sa lesson namin. Sinabi rin ni Sol na ihanda ko raw ang sarili ko sa mga tsismis na posibleng kumalat. Panigurado raw na maraming palihim na nagmamasid sa akin ngayon. Lalo na ang mga kababaihan na may gusto kay Lucas. Pagkatapos ng klase namin isa-isang naglapitan ang mga kaklase ko sa akin. Panay ang tanong nila sa akin kung ano raw ang mayroon sa amin ni Lucas. Gustuhin ko mang sumagot at sabihing magkakilala lang kami pero sinunod ko na lang ang payo ni Sol na manahimik na lang. Medyo nahirapan kaming lumabas ng lecture hall dahil maraming nakaharang sa pinto. Kailangan pa naming sumiksik para tuluyang makalabas. Inis na inayos ko ang bahagyang nalukot na long sleeves paglabas namin ng hall. Maglalakad na sana ako nang bigla akong mapahinto nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Sigurado akong hindi ako namamalikmata. Dean Lucas is right here in front of me right now. Kaya ba maraming tao ang nasa pinto ng hall kasi nandito siya? Lumingon ako sa mga blockmate ko na nakatingin sa amin. Bigla akong kinabahan nang bigla siyang ngumiti sa akin at inabot ang librong hawak ko. “Sabi ko na sila eh.” Rinig kong sabi ng isa sa mga nakamasid sa amin. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumiti siyang muli. Ngayon ko lang napansin ang dimples niya sa kaniyang pisngi. But it’s not about his dimples. It’s about him being here in front of me. “Sinusundo kita.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Sinusundo? “Bakit?” “Sabay tayong kakain ng lunch.” Lunch? Sabay kaming kakain ng lunch? Bakit? Para saan? Anong meron? Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sol sa tabi ko. Tumigil lang siya at tumikhim nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya. Lumapit siya kay Lucas at inextend ang kaniyang kamay. “Hi. I’m Solace, Vienne Mitchell’s bestfriend.” Ngumiti naman sa kaniya si Lucas at tinanggap ang kaniyang kamay. “Dean Lucas.” Tumango si Sol at pasimple akong siniko sa tagiliran. “Akin na ‘yang libro ko.” mahina kong sabi kay Lucas. Mabilis niya itong iniwas para hindi ko ito maabot. “I’ll give it back kung sasabay ka sa akin maglunch.” aniya habang nakataas ang isang kilay. Umusod palapit sa akin si Sol “Sige na ‘te, pumayag ka na. Nakatingin na sa inyo lahat ng tao rito sa second floor oh.” Labag man sa loob ko, wala akong nagawa kundi ang tumango at pumayag. Hindi ko alam kung anong pakulo at problema nitong si Lucas at bigla-bigla na lang siyang susulpot para yayain akong kumain ng lunch. Parang pinatutunayan niya lang na tama ang hinala ng karamihan kahit ang totoo ay hindi naman talaga kami. Nakakainis! Ilang minuto kami naghintay ng jeep pero walang dumadaan kaya naglakad-lakad na lang muna kami hanggang makarating sa Area 2 kung saan matatagpuan ang kainan na dinadayo pa ng ibang estudyante mula sa malalayong building para lang kumain. Malayo ang agwat namin dalawa ni Sol kay Lucas. Sinasadya kong lumayo dahil may mga nakakasalubong kami na napapatingin sa aming tatlo. “Nag sorry ka na sa dad mo?” Sabay kaming napalingon ni Sol sa kaniya nang bigla siyang magsalita. Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Sol bago naunang naglakad para bigyan kami ng privacy tungkol sa pinag-uusapan namin. Umiling ako. “Hindi pa.” Paano ko naman gagawin ‘yon kung hindi naman umuuwi sa bahay si Dad? “Matagal na siyang hindi umuuwi sa bahay.” Lucas looked at me as if he knew what I’m talking about. “Yes. I know. They’re living in the condominium near our house.” I bit my lowerlip. Buti pa siya alam niya kung nasaan ang mga magulang ko. Ngumiti ako ng pilit. “Are you close with my Dad?” Tumango siya. “A bit. Palagi kasi siyang nasa bahay kaya palagi rin kaming nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap.” “Suwerte mo kasi kinakausap ka niya. Samantalang ako na anak niya, hindi man lang niya magawang kumustahin.” I said bitterly. “But it’s all for you.” concerned na sabi niya. Hindi na ako sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa carinderia na palagi naming kinakainan ni Sol. Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain. Paminsan-minsan naman nag-uusap sila ni Sol tungkol sa mga lessons sa law school. Nanghingi rin siya ng tips kung paano maging pinakamagaling sa klase. They’re both laughing while eating. Hindi ako makasabay sa kanila but I honestly enjoyed seeing the two of them being at ease with each other. “Paano ba ‘yan, Mitchell, nagtext na yung driver ko. Mauuna na ako sa inyo ah!” Nakangiting kumaway si Sol sa amin dalawa bago nagmadaling tumakbo patungo sa JP Laurel waiting shed. Nakatayo kami ngayon sa labas ng carinderia. “Ikaw, wala ka pang sundo?” tanong ko kay Lucas. Tumawa siya ng marinig ang tanong ko. Kumunot naman ang noo ko at humarap sa kaniya. “You’re making fun of me?” diretsahan kong tanong. “No.” sabi niya at umiling-iling pa. “Mukha ba akong rich kid?” natatawang tanong niya. “Hindi kami mayaman, iskolar lang ako ng daddy mo kaya nakakapag-aral ako dito sa UP. About sa tanong mo kung wala pa akong sundo, ang sagot ko ay wala. Kasi wala naman talagang sumusundo sa akin. I go to school alone, I study alone, I eat alone, and I go home alone.” Natahimik naman ako sa isang tabi. “Your dad, ilang taon na siyang nagtatrabaho sa Daddy ko?” Humarap siya sa akin at saglit na tumitig sa mukha ko, halatang nag-iisip. “19 years. They we’re practically best friends. They were college buddies.” I just nodded and let the information from him enter my system. Marami akong hindi alam tungkol kay Dad. For some reason, nagsisimula na akong magkainteres sa mga kuwento ni Lucas tungkol sa dad ko. We decided to walk from Area 2 to Area 1 para doon na mag-abang ng masasakyan. “Mitchell.” Saglit akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa kaniya. “Why do you hate me?” Hindi ako handa sa ambush question niyang iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung paano ‘yon sasagutin. Paano ko sasabihing ayaw ko sa kaniya kasi nananakit siya ng feelings ng mga babae? Na masyado siyang insensitive sa feelings ng iba? Paano ko sasabihin ‘yon sa kaniya kung sa isang iglap binago niya yung pagtingin ko sa kaniya? It’s just that don’t hate him anymore. “Okay lang naman kung ayaw mong sagutin.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ang unang sumalubong sa akin ay ang kaniyang mga ngiti. “Will you believe me if I tell you that I don’t hate you anymore?” His smiles automatically faded. Kumunot ang noo niya at marahan siyang humakbang palapit sa akin. “What did you just say?” Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. “Friends?” I asked. May kung anong emosyon ang bumalot sa kaniyang mga mata. Matagal siyang tumitig sa kamay ko bago niya iyon tinanggap. “Friends.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD