Pagbaba ko sa taxi, agad akong naglakad papasok sa loob ng bahay.Sinalubong agad ako ng dalawang house helper upang kunin ang bag na dala ko.
Dire-diretso akong naglakad patungo sa center table kung saan naroon ang mga kapatid kong lalaki na si Kuya Voltaire at Vincell.
Umupo agad ako sa tabi ng nakababata kong kapatid at dumukmo sa lamesa. Naramdaman ko ang marahang paghagod ng kamay ni Vincell sa likuran ko. Umayos ako sa pagkakaupo at humarap sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at marahang hinaplos ang mukha ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Among the two of them, Vincell is my favorite. Napaka-soft ng pakikitungo niya sa akin. Siya rin ang palaging nangangamusta sa akin. Kahit na mas matanda ako ng isang taon sa kaniya, siya pa yung nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Kung hindi lang kami pilit na pinaglalayo ng mga magulang namin, siguro masaya kami, masaya ako.
“I miss you, Yen.”
Umiwas ako ng tingin sa kapatid ko nang tumulo ang luha sa pisngi ko. Pero pilit niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap iyon sa kaniya. Hinila niya ako palapit sa kaniya at marahang niyakap. Patuloy ang pagtapik ng kaniyang palad sa aking likuran.
“Okay ka lang ba? Masaya ka ba?” tanong niya.
Sinubukan kong patatagin ang sarili ko. Sinubukan kong pigilan ang pagtulo ng luha ko. Okay ako. Okay naman ako palagi. Pero masaya ba ako? Hindi. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Mas matatanggap ko pa na hindi ako ang paborito ng mga magulang ko pero kahit kailan hinding-hindi ko matatanggap na pinaghihiwalay nila kami dahil sa mga walang kuwentang dahilan.
Nang tumingin sa akin si Kuya Voltaire, mabilis kong pinunasan ang pisngi ko at agad na bumitaw kay Vincell
“You know why our parents have to do this. Pino-protektahan lang nila tayong tatlo. We can’t live in the same house. Paano kung bigla na lang may nanloob sa bahay na ‘to at pinatay tayong tatlo? Do you think magiging masaya ang mga magulang natin?”
Huminto sandali si Kuya Voltaire at isinara ang hawak na libro.
“You’re lucky, you can go outside without having bodyguards. You’re lucky, you can live your life normally.”
Sumandal siya sa backrest ng upuan at pinagmasdan ako. Umiwas ako nang tingin sa kaniya dahil hindi ko maiwasang matawa sa mga sinasabi niya.
“Nabubuhay nga ako ng normal. Pero masaya ba ako? Do you think I’m happy Kuya?”
Tinitigan niya ako at nginisihan.
“Sa tingin mo ba masaya rin kami? Stop whining. Tama na ‘yang karereklamo mo. Binigyan ka ng kalayaan ng mga magulang natin na mabuhay ng normal at malaya. Gusto mo bang magaya sa amin ni Vince? Na palaging may nakabantay na guwardiya sa paligid para lang masigurong ligtas kami sa mga kalaban ni Papa? Pag-isipan mong maigi Vienne.”
I understand that it’s really hard to be known as our father’s children. Being a child of a state prosecutor means danger.
Dad had to make sure everyone of us are safe. Naiintindihan ko naman ‘yon. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan nila akong itago sa mga tao. I wasn’t known for being an Altamirano—the child of the famous state prosecutor Marcus Altamirano, unlike my two brothers. Hindi naman sa gusto kong makilalang anak ako ni Dad para maging sikat ako sa ibang tao. Gusto ko lang na malaman din ng iba na anak niya ako. Gusto ko ring marinig sa kaniya na proud siya sa akin, na mahal niya rin ako kagaya ng pagmamahal niya sa mga kapatid ko. Alam ko naman na mas magaling sila sa akin. Both of them are studying in Ateneo De Manila University. Kuya Voltaire is in his third year in law school while Vincell is on his fourth year in his course legal management. Ako lang ang nahiwalay sa kanila. Ako lang ang napunta sa UP dahil ayaw ni Dad na magsama-sama kaming tatlo sa iisang eskwelahan. Sa totoo niyan, Dad doesn’t want me to enter in a law school. Mas gusto pa niyang ipagpatuloy ko ang pagdo-doctor. Ako lang ang mapilit dahil akala ko sa paraang ito, mare-realize nila na kaya ko rin, na pwede rin nila akong ipagmalaki sa mga kaibigan nila.
Yumuko na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kahit ano namang sabihin ko hindi rin naman nila ako papakinggan.
Sabay-sabay kaming napalingon nang makita naming sabay na pumasok sa main door ang mga magulang namin.
“Good evening, we’re sorry we’re late. Dumaan pa kami sa opisina. You know, work.” sabi ni Dad at agad na inilapag ang kaniyang case na dala sa lamesa.
Lumapit ang katulong upang itanong kay Mom kung ano ang kakainin namin ngayon pero agad na umiling si Mom at sinabing hindi rin naman sila magtatagal.
“Vienne Mitchell. Pupunta ako ng UP bukas to give an inspirational talk to all law students. Mas makabubuting h’wag ka munang pumasok bukas.”
Napatingin ako agad kay Dad nang marinig ang kaniyang sinabi.
“It’s all for your safety, Yen. May information na nakarating sa amin na may mga unknown person na sumusunod sa Dad mo.”
I rolled my eyes at my Mom who’s now sitting in front of me.
“Palagi na lang ganito.” bulong ko saka mabilis na tumayo.
“We’re doing this for you, anak.”
Tumawa ako ng marahan bago lumingon kay Mom. Anak? Of all the years I’m wishing and praying for them to call me “anak”, ngayon niya pa talaga ‘yon binanggit? Sa mga pagkakataong hindi ko kailangan? It made me feel pathetic.
“I can handle myself.” tipid kong sagot saka umakyat sa taas.
Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago inilapag sa study table ko ang mga librong kailangan kong basahin. Pero bago pa man ako umupo ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
Napaupo ako sa sahig at isinandal ang aking likuran sa dingding ng aking kuwarto.
Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin na ayaw nila akong pumasok dahil malaki ang posibilidad na makilala ako roon bilang anak niya? Natatakot ba si Dad na malaman ng iba na may anak siyang kagaya ko? Hindi ba ako katanggap-tanggap? Hindi ba ako ka-mahal mahal?
I never knew that my Dad even noticed me or notice the things I liked or hated. He just seemed to view me as an inconvenience, an irritant. I press the heels of my hands to my forehead and try to calm down. I tried so hard to study my lessons. Kahit na pagod at gutom ako, pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-aral.
Halos wala akong tulog nang pumasok ako kinabukasan. Habang naglalakad ako papasok ng Malcolm Hall ay nakita ko ang paghawi ng mga estudyante upang magbigay daan sa taong paparating.
Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong bumaba mula sa kotse ang ama ko kasama ang kaniyang mga bodyguards. Dalawang bodyguards ang kasama niya sa sinakyang kotse. Mayroon pang sumunod na nakasakay sa ibang sasakyan.
“Mitchell!”
Nabaling ang atensiyon ko sa taong sumigaw sa pangalan ko. It was Sol but she’s on the other side of the hallway. Bakas sa kaniyang hitsura ang pag-aalala. Gustuhin ko man ipakita sa kaniya na kaya ko, pero hindi ko kayang gawin iyon ngayong unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko.
Ito na yata ang resulta ng ilang araw na pagod at puyat. Sinabayan pa ng pag-iyak ko kagabi kaya pakiramdam ko sobrang hina ko ngayong araw. Sinisenyasan ako ni Sol na maglakad papunta ako sa kinaroroonan niya bago pa man dumaan si Dad papasok sa lobby ng Hall.
Tumingin lang ako sa kaniya at maya-maya’y bumaling kay Dad na pinapalibutan na ngayon ng mga bodyguard niya. Ang mga estudyante ay nagbubulungan sa paligid. May mga humahanga at nais makipagkamay sa kaniya. Karamihan ay ginagawa siyang inspirasyon para makapagtapos bilang abogado. Kilalang-kilala siya ng mga tao. Naramdaman ko ang pag-init ng palibot ng mga mata ko kaya yumuko ako.
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko nang makitang nagsisimula na siyang maglakad papasok. He was smiling while he’s walking. I never saw him smiling at me like that.Bago pa man siya tumapat sa kinaroroonan ko ay agad akong naglakad patungo sa kaniya.
Gusto ko lang naman na makilala ako bilang anak niya. Gusto ko lang naman na maramdaman na hindi niya ako ikinakahiya. The guards stoppedin front of me pero alam kong nakahanda silang depensahan si Dad kung sakaling may gawin ako sa kaniya.
“Let’s just ignore her.” I heard him say to the guards.
Narinig ko ang bulungan ng mga law students na nasa area. They were looking at me as if I did something wrong. Some of the others look at me, as if scolding me for what I did.
“Dad…” mahina kong bulong habang umaagos ang luha sa mga mata ko.
Huminto si Dad sa tabi ko at hinawakan ako sa kaliwang balikat.
“Don’t be stupid, Vienne Mitchell. Just go home.” he whispered in his most deep voice.
Sa mga oras na iyon pakiramdam ko nasa akin na lahat ng problema. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ‘yon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko pwedeng ipakilala ang sarili ko sa ibang tao bilang anak niya. I kept on asking myself what’s wrong with me?
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Wala akong lakas manlaban ngayon kaya hinayaan ko na lamang na hilahin ako ng kung sino mang humihila sa akin.
My eyes were blinded by my own tears. Nang huminto kami sa ilalim ng punong acasia, agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at pilit niya akong iniharap sa kaniya. Hindi ko alam kung dinadaya ako ng aking paningin pero totoo bang siya ang nasa harapan ko ngayon?
“Why did you do that?” tanong niya.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyon sa kaniya? Bakit niya ginawa ‘yon? Bakit niya ako hinila papalayo sa Daddy ko?
“Hindi mo dapat ginawa ‘yon.” saad niya saka bumuntong-hininga.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng matipid.
“Wala kang alam, Lucas.” saad ko sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak niya.
“Oh yeah?”
The voice coming from his mouth is snide, casual. Bumuntong-hininga siyang muli at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Saang parte ng pagkatao mo ang hindi ko alam sa’yo, kung mula pagkabata pa lang natin kilala na kita at sinusubaybayan na kita?”
Umiling ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maintindihan. Is he pulling a prank on me?
“You’re kidding. I don’t even know you’re existing.” diretsahan kong sambit.
Natigilan siya, mukhang nabigla sa sinabi ko.
Totoo naman. Noong pumasok lang ako sa law school saka ko siya nakilala. Kaya paano niya nasasabi sa akin ngayon na kilala niya ako? It must be a prank.
“Kung nagbibiro ka man, please h’wag ngayon, wala ako sa mood makipaglokohan sa’yo.”
Using his index finger, he lifted my chin. Nang magtama ang aming paningin, agad kong nakita ang emosyon sa kaniyang mga mata. It’s as if his eyes is telling me to believe in whatever he’s going to say. Concern and sadness coexist in his emotion. Mas lalo lamang akong naiyak nang bigla niya akong hilahin para yakapin. He’s tapping my back repeatedly. Maybe it’s his way to calm me.
“I know you since I was five years old. You might not believe me but I was your very first friend, your very first playmate. I know you, Vienne Mitchell. I know the things you hate and the things you like. Because I’m always behind you. I’m always watching you.”
Lumayo ako sa kaniya at sunod-sunod na napalunok. Umiling pa ako ng ilang beses dahil talagang naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
“Why?” tanong ko.
I studied his facial reaction but all I see is his firm expression.
“It was my duty.”
My brows furrowed in confusion.
“It’s my job to keep you safe.”
“Who are you?” lakas-loob kong tanong.
“I’m Dean Lucas Contreras. The son of your father’s secretary.”