“Bakit naman ayaw mo sa kaniya?”
Napalingon ako kay Sol nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. Nandito kami sa UP-Law Library dahil kailangan ko pang tapusing basahin ang mga case digests na hindi ko nabasa kagabi. Kinakabahan ako dahil baka hindi na ako maka-keep up sa mga lessons namin dahil masyado akong naka-focus ngayon sa paggawa ng kanta at pagbabanda. Masyado rin akong naging abala nitong mga nakalipas na linggo dahil nagtuturo rin ako ng taekwondo sa mga batang nag-enroll sa binuksan kong taekwondo studio two weeks ago kaya napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Ilang beses na akong napatayo sa klase at napahiya ng isang propesor dahil wala akong maisagot sa tanong niya. Swerte lang talaga ako kanina sa klase ni Attorney Castro. Pasalamat na lang din ako sa stock knowledge na mayroon ako. Hindi ko akalain na may nag-e exist na ganoong knowledge sa utak ko.
“Kanino?” kunot-noong tanong ko.
Umayos siya sa pagkakaupo at isinara ang hawak na libro.
“Sino pa ba? Eh di si Luke.”
Kumunot sandali ang noo ko upang isipin kung sinong Luke ang tinutukoy niya. Mabilis naman niya akong hinampas sa braso nang makita niya ang reaksiyon ko.
“Si Luke. Dean Lucas Contreras.” inis na sabi niya.
Hindi ko napigilang matawa sa reaksiyon niya. I even rolled my eyes when I realized he called the guy in his nickname. Para namang close sila.
“Luke huh. Close kayo? Nickname basis?”
Sinimangutan niya ako at humalukipkip siya.
“Tell me, bakit ayaw mo sa kaniya?”
Huminto ako sa pagbabasa at saglit nag-isip.
“Una, ayoko sa kaniya dahil feeling guwapo siya.”
Solace scoffed. Napalakas pa iyon kaya lahat ng tao sa library napalingon sa amin.
“Bulag ka ba, Mitch? Guwapo naman talaga si Luke.”
I glared at her.
“Feeling matalino.”
Pinaningkitan niya ako ng mata.
“Duh. Talaga namang matalino siya. Imagine, sa buong second year, siya ang rank one. Tapos rank two sa over all ranking ng mga law student dito sa UP.”
I cleared my throat and think of another reason.
“Masyado siyang snob.”
This time, inilapit na ni Sol ang kaniyang mukha sa akin.
“But he’s not snob when it comes to you.”
Napangiwi ako kaagad nang marinig ang tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o inaasar niya ako roon sa lalaking ‘yon.
“Ah basta, ayoko sa kaniya. Sa dami ng napaiyak niyang babae, kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Sa kahit anong posibleng paraan. Never.”
Umiling-iling pa ako at humawak sa dibdib ko habang sinasabi iyon. Mabilis niya akong binatukan.
“Well, to tell you the truth, hindi naman niya sinasadyang magpaiyak ng babae. Habulin lang talaga siya ng mga girls. He has no choice but to dump them para makapag-focus siya sa pag-aaral. Hindi naman normal na pati sa library susundan siya ng mga babae hindi ba?”
I rolled my eyes once again and then nodded repeatedly. Hindi naman ako na-inform na abogado pala ni Dean Lucas itong kaibigan ko.
“Hindi pa rin magbabago ang isip ko. Ayoko sa kaniya.”
Umiling-iling si Sol bago muling binuksan ang libro.
“Sayang. Plano ko pa naman kayong i-ship. Bakit ko ba naman kasi naisip ‘yon? Nakalimutan ko na may lahing amazona nga pala ang kaibigan ko.”
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa at hindi ko na siya pinansin. May sinabi pa siya pero wala na akong naintindihan dahil masyadong nakafocus ang isipan ko sa binabasa ko.
Sa buong klase namin sa civil procedure hindi naman ako natawag kaya nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ng klase ko nitong hapon agad akong dumiretso sa studio para maglinis at ayusin na ang mga mat na ginagamit ng mga bata. Inuupahan ko itong studio gamit ang perang naipon ko sa mga sidelines ko noon. Hindi naman kami mahirap, mas lalong hindi rin ako nagigipit pagdating sa usaping pinansiyal. Talagang mahilig lang akong rumaket sa kung saan-saan. Mas gusto kong may pinagkakaabalahan ako kaysa manatili ako sa bahay. Sawang-sawa na akong makita ang malaki ngunit walang katao-taong bahay namin. Halos hindi na umuuwi ang mga magulang ko dahil masyado silang busy sa kanilang mga trabaho. Ang mga kapatid ko naman ay may kaniya-kaniya nang condo unit. Ako, mga katulong at dalawang driver na lang namin ang kasama ko sa bahay. It’s not home anymore. It’s just a plain and empty house for me.
“Good afternoon, Master Mitchell.”
Mabilis akong napalingon sa batang bumati sa akin. Awtomatiko akong napangiti nang makita si Steven suot ang kaniyang dobok. Kumaway pa ang bata sa akin at tumakbo mula sa pinto hanggang sa kinaroroonan ko para lang sumaludo sa akin. Sumaludo rin ako sa kaniya pagkatapos ay sabay kaming tumawa.
Steven is a six-year-old kid. Ang mga magulang niya ay parehong engineer. Palaging busy ang mga ito kaya kadalasan, yaya lamang ang palaging sumasama sa kaniya o hindi kaya minsan ay driver nila. Pero ngayon, nakakapagtaka dahil wala siyang kasama. Mabilis akong lumuhod at hinawakan ang kaniyang dalawang balikat.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya tinanong.
“Steven, wala ka bang kasama ngayon.”
Sumimangot naman siya agad.
“Meron po, Master. Kaya lang po, mabagal maglakad si Kuya DL kaya nauna na akong tumakbo paakyat dito sa studio.”
My eyes darted at the door. May nakita akong lalaki na nakasandal sa labas. Hawak nito ang isang paperbag sa isa nitong kamay habang sa kabilang kamay nito ay libro naman. Dahil nga nakatilid ito sa amin, hindi ko masyadong makita kung sino ang lalaki. Sa pagkakaalam ko, nag-iisang anak lang si Steven. So, sino siya?
Akmang tatanungin ko pa lang ang estudyante ko nang bigla itong tumakbo palabas at hinila papasok ang lalaking kasama niya. Bahagya akong natawa nang makitang umiiling ang lalaki at napakamot pa ng batok.
Umiling na lamang ako at tinapos ang paglalatag ng mat.
“Master Mitchell, meet my Kuya DL.”
Mabilis kong pinagpag ang knee area ng suot kong pantalon at saka tumayo. Inilahad ko agad ang aking kamay sa lalaki ko ngunit biglang nanlaki ang mata ko nang tuluyang makilala kung sino ang nasa harapan ko.
I blinked my eyes twice to see if the guy who’s standing in front of me is Dean Lucas.
“Good afternoon,” walang gana niyang bati sa akin bago muling bumaling sa binabasa niyang libro.
Pinaningkitan ko siya ng mata sa ginawa niya.
“Bakit ka nandito?” pagtataray ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya bago muling nag-angat ng tingin sa akin.
“Hindi ka naman siguro bulag ano? At hindi ka rin naman siguro slow para hindi marealize na ako ang guardian ni Steven ngayon?”
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Wow. Totoo nga ang sabi-sabi na masyado siyang masungit pagdating sa ibang tao. Napatingala na lang ako habang pinipigilan ang sarili na mainis pang lalo.
“Sa labas mo na lang hintayin si Steven.”
Tumango naman siya at mabilis na lumabas. Hindi man lang niya nagawang tapunan ako ng tingin o hindi kaya ay mag-paalam kay Steven.
“Kuya DL said he’s having a quiz tomorrow. Kaya busy siya mag-aral.” Sabi naman ni Steven na tumabi sa akin.
Pareho na kaming nakamasid ngayon kay Lucas na nakaupo sa sahig at tutok na tutok sa aklat.
“But he’s nice. He’s the kindest among all my cousins.” dagdag pa ni Steven.
Tumango na lamang ako at pinaupo na siya sa mat. Ilang sandali lang ang lumipas, nagsidatingan na rin ang mga estudyante kaya nagsimula na rin kami.
Isang oras lang naman palagi ang tinatagal ng bawat lesson ng mga bata sa taekwondo. Pagkatapos nilang magpahinga sandali, pumapasok nang muli sa studio ang kani-kanilang mga guardian para sunduin sila. Isa-isang nagpaalam sa akin ang mga bata bago tuluyang lumabas ng studio.
Napahinga na lang ako sa mat habang nirereplyan ang isa sa band member naming si Migo. Pinapunta nila ako ngayon sa music studio para sa practice. May event kasi sa Arellano University sa sunod na linggo at kinuha ng event organizer ang banda namin para mag-perform.
Gusto ko sanang tumanggi dahil marami akong inaasikaso sa law school, kaso alam kong hindi ako papayagan ng leader naming si Helix. Big deal para sa kaniya ang event na ito dahil ito ang unang beses naming magpe-perform sa harap ng maraming tao. Usually kasi sa bar lang kami tumutugtog kaya malaking achievement para sa kaniya ang makatanggap ng invitation galing sa isang malaki at prestihiyosong eskuwelahan.
Halos isang oras din ang tinagal ng biyahe ko para lang makarating sa studio. Pagdating ko, lahat sila nasa kani-kanilang puwesto na. Napakamot ako ng batok bago inilapag ang aking bag sa sofa at mabilis na naglakad sa instrument area. Kinuha ko roon ang gitara at saka umakyat sa mini-stage at tumayo sa harap ng microphone stand.
Kahit pagod ako, kapag hawak-hawak ko na ang gitara at malayang nakakapag-strum sa guitar strings ang mga daliri ko, gumagaan ang pakiramdam ko. I feel free and happy. Kapag kumakanta ako pakiramdam ko, ako yung bida. Pakiramdam ko nasa akin ang atensiyon ng lahat. Yung atensiyon na hindi ko makuha sa mga magulang ko, nakukuha ko sa ibang tao. Yung pagmamahal na hindi maibigay sa akin ng pamilya ko, naibibigay sa akin ng mga ka-banda ko.
I am happy when I’m with them and I feel like I don’t have to pretend to be someone I am not, para lang magustuhan nila.
“That’s it.”
Sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag nang marinig ang sinabi ni Helix.
Bumaba ako agad sa mini-stage at ibinalik ang gitara sa lamesa bago ako naglakad patungo sa sofa at humilata roon.
Sakto namang napadako ang paningin ko sa wall clock ng studio. Alas nuebe na!
Mabilis akong tumayo at isinuot ang aking backpack.
“Aalis agad?” natatawang tanong ng pinakabatang miyembro ng banda na si Alec. Umiinom ito ng tubig kasama sina Migo at Raphy.
Samantalang si Helix ay pinagtaasan lang ako ng kilay. Nang may maalala, agad kong binuksan ang aking bag at kinuha roon ang isang notebook. Inihagis ko ‘yon agad kay Helix.
“New song.”
Ngumisi siya sa akin saka kumaway. Tumango lang ako bago lumabas ng studio. Nasa elevator na ako nang bigla akong makaramdam ng gutom.
Nang makalabas sa mismong building nagdesisyon akong dumaan muna sa Mcdo para bumili ng kape. Pagkakuha ko ng cup sa receiving counter agad akong lumingon at naghanap ng bakanteng lamesa pero lahat ng iyon ay occupied na. Sa isang sulok mayroong isang table na okupado ng isang lalaki. Mukhang wala naman siyang kasama kaya naglakas loob na akong lumapit doon.
“Makikiupo lang.” nakayuko kong sambit.
Hindi na ako naghintay ng approval niya. Mabilis akong umupo sa bakanteng upuan at sumandal sa backrest nito. Isinuot ko ang hood ng jacket ko saka pumikit.
Ramdam na ramdam ng katawan ko ang pagod dahil sa mga gawain ngayong araw. Mayroon pa kaming recitation bukas sa isang subject sa umaga kaya paniguradong hindi rin ako makakatulog ‘pag uwi ko.
Napamulat ako nang biglang mag-vibrate ang phone sa bulsa ng suot kong hoodie. Pero bago ko pa man masagot iyon agad na nabaling ang atensiyon ko sa lalaking nakaupo sa katapat na upuan ko.
Dean Lucas!
Nakahalukipkip siya ngayon habang matamang nakamasid sa akin. Pangatlong beses na yata naming nagkita ngayong araw at lahat ng iyon ay hindi nakaplano. Hindi sinasadya.
Dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa mga librong nasa harapan niya. And like me, he’s also wearing a hoodie. But one thing that catches my attention is his spectacles. Ngayon ko lang siya nakitang may suot na salamin.
“Are you done checking on me?”
Napapitlag ako nang marinig ang kaniyang boses. Mabilis akong napatingin sa cellphone ko na patuloy pa rin sa pagvibrate.
“Sorry.”
Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng fast food. Pumwesto ako sa area kung saan walang gaanong tao ang dumadaan bago umupo sa maruming sahig at sinagot ang tawag. It was a call from my brother Voltaire. Pinapauwi ako nito sa bahay ngayon dahil may emergency family meeting daw at kailangang naroon ako. Sinabi pa niya na kailangang maunahan ko sila Dad na makauwi dahil paniguradong pagagalitan na naman ako ng mga ito kapag nahuli ako.
Masyadong importante sa kanila ang oras. Sa kanila ko natutunan ang kasabihang time is money.
Bumuntong-hininga ako bago sumandal sa sementadong dingding. Nagmulat lang ako nang maramdamang may umupo sa tabi ko.
“You forgot your coffee.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa coffee cup na hawak ni Dean Lucas at sa kaniya mismo.
Naguguluhan ako. Bakit siya nandito? Bakit siya umupo sa tabi ko?
“Here.”
Alanganin kong tinanggap iyon.
“Just go back inside and take a rest. Paalis na rin naman ako.” saad niya bago mabilis na tumalikod sa akin at naglakad papalayo.
Muli akong naptingin sa coffee cup na hawak ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa mga pangyayari.
Mabilis kong inubos ang laman ng cup bago tumayo at itinapon ito sa basurahan.
Tumingin ako sa lugar na dinaanan ni Dean Lucas. He’s not there anymore. Marahil ay nakasakay na sa taxi o baka lumiko na sa kung saang eskinita.
Paulit-ulit akong umiling.
Stop it, Mitchell. Hindi mo siya gusto hindi ba?