Kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ni Luke. “Anong sinabi mo?” Umayos siya sa pagkakatayo at humugot ng malalim na hininga. “Your best friend’s father is the one who ordered to shoot your youngest sibling, Vincell.” Marahan akong umiling sa kaniya. “That’s impossible.” Nagtagis ang kaniyang bagang sa sinabi ko. Halatang nauubusan na siya ng pasensiya. “Nothing is impossible, Mitchell. Kalaban ng iyong ama sa prosecution ang ama ng kaibigan mo.” “At anong gusto mong iparating sa akin? Dahil lang magkalaban ang aming mga magulang namin eh hindi na kami puwedeng magkaibigan? Kaya mo ba ako hinila palayo kay Sol? Kaya ba natin siya iniwan doon dahil iyon ang gusto mong sabihin? Gusto mong layuan ko siya?” Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan nang walang imik. “

