Chapter 22

1383 Words

“Hindi nga kasi, natatakot kasi akong maloko kaya naman mas pinipili kong maging ilag sa mga tao,” natatawang usal ni Aella sa kasama. “Kung ganoon ay hindi ka natatakot na lokohin kita dahil sumasama ka sa akin ngayon?” Tumingin sa malayong banda ang diwata na tila nag iisip habang nilalaro ang straw ng kaniyang milktea. Nakaupo sila ngayon sa labas ng bakery kung saan nila napiling mag miryenda. Gustong-gusto ni Aella ang lugar na ito pagkat magkatabi lamang ang tindahan ng milktea at ang bakery kung saan madalas siyang bumibili ng paborito niyang pandecoco, isang uri ng tinapay na may palamang niyog. “Natatakot ngunit na-realize ko na hindi ko malalaman kung lolokohin ba ako ng isang tao o hindi kung hindi ko susubukang makisama,” aniya habang nakangiti. Hindi rin napigilan ni Sherw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD