Magulo. Iyon ang tanawin ni Aella habang pareho silang nakatayo at nakatitig ni Sherwin sa isang gilid. Malikot na ilaw mula sa sasajyan ng mga pulis, maingay na tunog ng bumbero at mga taong nagkukumpulan at nakikinood sa nangyari. Isang kulay pulang kotse ang bumangga sa pader ng kanilang tinutuluyan kanina. Hanggang ngayon ay damang-dama pa ni Aella ang panginginig ng kaniyang kamay sa takot at kaba habang ang katabi niya ay tahimik lamang na nakamasid sa kaguluhan. "Overspeeding," anang isa sa mga pulis sa kaniyang kasamahan. Hindi mawala sa isipan ni Aella ang kaniyang nagawa kanina. Sigurado siyang tatamaan sila ng kotse ngunit nang iangat niya ang kaniyang kamay ilang segundo bago tuluyang tumama sa kanila ito ay tila biglang hinangin ang kotse dahilan ng bahagyang paglihis nito

