“Ah? Siya iyong naatasan ng pinuno namin na magturo sa akin…” Nag-iwas siya ng tingin sa kaibigan na tila ba ayaw niyang pag-usapan si Denier. Dalawa hanggang tatlong beses kada buwan kung magpakita si Denier kay Aella ngunit kahit isang impormasyon patungkol sa kung ano na ba talaga ang kalagayan ng kanilang palasyo ay wala itong nababanggit. Hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Aella sa kung ano ba talaga ang nangyari sa at bakit nagkagulo ang palasyo sa araw mismo ng kaniyang kaarawan, kung sino ang pasimuno, at kung ano ang nangyari pagkaalis niya sa palasyo. “Kung ganoon, ano pa ba ang mga bagay na gusto mong matutunan? O gusto mong mag ensayo upang mas mapalakas pa ang mga kakayahan mo?” “Iyon nga,” aniya na may kasamang pagtango. “Nais kong mas lumakas pa dahil alam kong hindi

